Shen
[NEE-SAAAAAN!]
Nawala ang antok ko nang sagutin ang tawag na natanggap kay Sine. Ang aga-aga naman nitong mambwisit. Psh."BAKIT?!" pabalik kong sagot sa kanya.
[Nee-san! Ohayou!]
"Alam mo Sine, kung gusto mo lang bumati ng ganyan, sana at tinext mo na lang ako. Pagod ako mula kahapon ha!"
[Ouch naman, Nee-san. Ako na nga bumabati sa'yo dahil wala ka namang boyfriend para magbigay ng wake up call.]
"Che! Istorbo ka sa tulog ko eh! Mamaya mo na akong kausapin! Mga 1 pm siguro! Kapag sakto na tulog ko!"
Tinapos ko ang tawag para hindi ko na muling marinig ang boses ng pinsan ko. Kailangan kong bumawi ng tulog dahil sunud-sunod ang morning sched ko sa OJT.May ilang araw pa ako bago matapos ang buong internship. It means, kailangan araw-araw ay exact ang hours ng tulog ko para hindi matamlay kinabukasan or kahit maghapon.
Dahil na rin siguro sa wake up call-kuno na 'yon, hindi na makabalik ang antok ko sa akin. Kainis si Sine, nakuha pang tawagan ako sa kalagitnaan ng tulog ko.
This is torture! I need to sleep para may energy ako for the day.
Since wala akong pasok ngayon, ito rin ang day na nangako ako sa sariling magkaroon ng extended hours of sleep.
"Hay nako. Babangon na nga ako. Maaalala ko lang yung nasira kong sleeping schedule kung hindi ako aalis sa kwarto."
Matapos mag-ayos ng sarili, bumaba ako sa kitchen para magbreakfast.
"Morning, Shen." bati sa akin ni Mama na nag-aayos ng mga plato at kubyertes.
"Morning, Ma! Si Papa?"
"Umalis siya ng maaga kanina. Ang pagkakaalam ko nagpaalam siya sa akin na pupunta kila Tito Coseleo mo."
"Huh? Anong gagawin d'on ni Papa? Wala naman si Tito sa Philippines, di ba?"
"Noong mga nakaraang buwan, wala. Ang Papa mo daw ang magsusundo kay kuya Cose ngayon." Oh, babalik na pala siya sa Philippines.
"Ah, okay po."
"Kain ka na. Mamaya pa 'yon dadating."
"Sige po."
Matapos ang umagahan, dumating si Papa sa bahay kasama ang kapatid na panganay ni Mama na walang iba kundi ang Papa ni Sine.
"Vivian." bati nito sabay yumakap kay Mama.
"Kamusta ang biyahe? Ba't dito ka tumuloy ngayon? Sino ang tao sa mansyon niyo?"
"Si Chelia. Nandito ako para sabihin sa'yo na dito tutuloy si Shira."
Shira? Sinong Shira?
Lumabas ng bahay si Tito Cose nang may dumating na isang babaeng kasing edad lang nila Mama at Papa.
Sobrang puti nito at singkit ang mga mata. Kung susuriin ko ng mabuti ang buo niyang katauhan, parang may lahi itong japanese.
Nakangiti itong nagbow sa amin nila Mama at dito ko napansing may kamukha siyang kakilala kong tao.
◆ ◇ ❀ ◇ ◆
Pinatuloy nila Mama yung bisita ni Tito Cose at dito rin ang oras na kung saan nagpaalam akong aalis muna ng bahay para puntahan si Rick.Tinext ko si Rick na makipagkita sa akin sa malapit na coffee shop dahil gusto kong ikwento sa kanya ang lahat ng nangyari sa bahay.
"Rick!" tawag ko sa kanya nang makitang pumasok sa loob ng café.
BINABASA MO ANG
The Company
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ There's no permanent in this world... even us are no exception. Story Plot: 2015 Posted in Wattpad: June 1, 2017 Date Finished: September 11, 2018 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, College, Music (c) rhoanne18