Nasaan ka Daniella?? 2

674 31 11
                                    

Third Person

"Hindi nyo parin ba nakita ang anak ko?" Galit na si Roberto sa mga tao binayaran nya para hanapin si Daniella.

"Sir Roberto nilibot na na po namin ang buong San Fernando pero hindi parin po namin mahanap ang anak nyo." Sagot ng kausap ni Roberto.

Napainum nalang ito sa hawak nyang baso na may laman na alak at napaupo ito sa silya na malapit sa kanya.

"Sige po sir hindi na po kami mag tatagal, aalis na po kami pasensya na po."

Tuloyan ng umalis ang mga binayarang tao ni Roberto para mapadali ang pag hahanap sa anak nito.

"So dad nahanap mo na ba si Danielle? Did your hired person found our sister? This is all you fault dad, all your fault." Galit na sabi ni Miguel ng madatnan nito ang ama sa recieving area

"Wag mo akong sisihin dito Miguel hindi ko sinasadyang mawala ang kapatid nyo" buwelta ni Roberto sa anak.

"Anong hindi mo sinasadya dad? Look okay, pinilit mong ipakasal si Daniella sa lalaking iyon at alam mong mas matindi doon dad? Ginawa po pang pambayad si Daniel sa utang mo kay Don Carlos --"

Hindi natapos ang sasabihin ni Miguel sa ana ng sampalin sya nito Roberto.

"How dare you Miguel ginawa ko lang kong ano iyong dapat. If you were in my place Miguel anung gagawin mo? do you think magagawa kung isugal ang lupa na pinaman pa ng mga lolo at lola nyo para ipang bayad kay Don Carlos ay syang dahilan kung nasan tayo ngayon? Kung ginawa kung pambayad utang ang lupain natin Miguel paano ang mga tao ng San Fernando na taning umaasa sa lupa natin saan sila pupulitin pag binigay ko ang lupa natin Kay Don Carlos. "

Tinignan lang ni Miguel ang kanyang ama bago paman itong umalis sa harap ng kangyang amo ay nag salita pa ito.

"Bago ka sana Dad nakipag pustahan doon sa Matandang Don nayon sana inisip mo muna si Daniel dad alam mong minsan na syang nawala satin at ngayon naulit nanaman."

Tumalikod na si Miguel at iniwan ang ama nilang si Roberto sa di kalayuan ay na nakikinig lang sa usapan ang iba pa nitong anak at sinundan nalang nila kong saan nag punta ang kapatid nila.

___________________

Daniella's POV

Nagising ako na may nararamdamang kong ano na mainit ang tumatama sa aking mukha at sa pag mulat ng aking mata ay bumungad sakin ang haring araw.

Agad naman akong napapikit ulit dahil sa tama nito sa mata ko agad akong napakapa sa hinihigaan ko at may naramdaman akong malambot at sa bawat galaw ko ay umuuga ang hinihigaan ko.

Bigla naman agad ako napamulat ng aking mga mata ng na pag tanto ko na nakahiga na pala ako sa isang kama.

"Hayy napakagandang panaginip naman ito oo."

Napatihaya ako saking pag kahiga at tumambad sakin ang kulay Pink na kisami ng kwartong kinaroroonan ko.

Napabangon ako at nag inat ng mga aking kamay at saka napa higa ako ulit dahil ayokong maputol ang panagip ko e-enjoy ko muna ang lambot ng kamang hinhigaan ko.

Naisipang kong mag pag gulong ko sa kabilang parti ng kama at sa di inaasan ay bigla nalang akong nahulog sa mabigas sahig.

"Ouch!"

Kasama ko sa pag hulog ang kumot na hanggang gayon ay nakabalot pa sakin.

"Nasaktan ako?, Ibig sabihin hindi panaginip ito? "Kung hindi ako man ako nanaginip nasan ako?"

Inilibot ko ang aking mata sa loob ng kwarto na kong saan ako ngayon, buong kwarto ay nababalot ng kulay pink at feeling ko tuloy ay nasa kwarto lang ako sa bahay namin.

Napansin ko rin na iba na ang suot kong damit at hindi yong red gown ko medyo maiksi yong short na suot ko at maluwang na T'shirt.

Agad naman akong lumapit sa harap ng salamin at tinignan doon ang aking reflection at talagang totoo ang lahat ng nakikita ko ngayon.

Binuksan ko ang cabinet na nasa harap ko at nakita ko doon ang gown ko na suot suot ko kagabe agad ko rin namang sinara iyon at napabalik ako sa kama para maupo.

Bigla nalang bumalik ang mga nanyari kahapon sa simbahan at nalulungkot ako sa nanyaring kahihiyan na nagawa ko.

" sino kayang tumulong sakin? Dapat ko syang pasalamat dahil pinatuloy nya ako dito sa bahay nya."

Winaglit ko sandali ang problima ko sa pamilya at hinanap ko kung saan ang pinto ng kwarto na kinaroroonan ko.

Pag bukas ko ng unang pinto banyo ang tumambad sakin pag bukas ko naman sa isang pinto ay laking gulat ko na walk in closet pala iyon.

Nasan ba dito ang pintuan palabas ng kwatong ito bakit kasi ang dami dami nitong pintuan.

Imaginin nyo aa parang nasa isang buong bahay lang ako may sariling sala dito sa loob at entertainment room pa.

Pag bukas ko ng huling pinto bumungad sakin ang napakalaking chandelier na naka sabit sa kisami sa gitna ng bahay at hindi ko inaasahan na napakalaki pala talaga nito.

Para akong nasa isang palasyo sa United Kingdom sa ganda ng interior design ng bahay mamamangha ka talaga.

Dali dali naman agad akong bumaba ng hagdan at napakaraming baitang ang inaba ko.

Nasa third floor pala ako ng bahay kaya ito na hingal ako pag dating ko sa baba.

Lakad lang ako ng lakad ng makarating ako ng living area ng bahay.

Sa ganda ng bahay parang gusto ko nalang tuloy na dito nalang tumira ang ganda kasi dito ee.

Napahinto ako saglit ng maagaw ng pansin ko ng isang portrait ng babae na naka sabit sa dingding at nakasuot ng puting damit na parang pangkasal at parang may kahawig ito.

"Bakit kamukha ko sya?"














_____________________________

[A.N. pasensya na po ngayon lang ako naka pag UD may inasikaso lang na mga bagay bagay hehe. Bawi ko next Chapter guys. Madamo nga salamat in tagalog maraming salamat😉😊❤❤]

-Ms. S

Miss Runaway Bride Meets Mister BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon