Chapter 4 - guilt/missing you

90 3 0
                                    

SHEENA’S POV

10 am na ko nagising. Pagkagising na pagkagising ko nagtext ako kaagad kay Mark.

Tagal kong naghintay sa reply niya. Pero hindi siya nagreply.

Dalawa lang yan eh.

It’s either tulog pa siya or another surprise nanaman to.

Bumaba na ko sa sala namin.

Pagbaba ko nakita ko si Mommy.

Seryoso yung mukha niya.

“Good morning mommy” sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

“Good morning din anak. Upo ka dito” saka niya tinanggal yung unan sa tabi niya.

Umupo naman ako dun.

“anak, tandaan mo huh. Mahal na mahal ka namin ng dad mo”

“syempre naman mom, alam ko naman po yun eh.” Sabi ko nang mukang natataka.

Ang weird ng Mommy ko.

Pero at least for the 1st time nasabi niya yun sakin.

Pumunta ko ng kusina para tingnan kung ano ang almusal naming.

“ano pong breakfast ngayon?” sabi ko kay yaya na nakangiti habang nagluluto.

“yung paborito mo anak, request kasi ng Daddy mo na magluto ako ng pasta ngayong umaga”

“carbonara po yaya? Ano po bang meron ngayon at ang weird ng mga tao ditto sa bahay?”—sabe ko na parang naguguluhan.

“h-hindi ko din alam anak. Yung Daddy mo na lang yung tanungin mo. Kasi kahit ako hindi ko din alam.”—sagot sa ‘kin ni yaya na para bang nagugluhan...

“anak baka kasi bawi to ng daddy mo para kagabi... aminado kasi siya na nakalimutan niyang birthday mo kahapon.”—nagulat ako nang biglang magsalita si mommy...

“ah ganun po ba? Hindi niya naman po kailangang ma’guilty dun eh. Ni ako nga po nakalimutan ko din. Kaya wag niya sanang isiping nagtatampo ako sa kaniya.”—sagot ko naman kay mommy habang papaupo sa upuan ng dining room.

Nakita ko si daddy na kakapasok lang ng bahay. Hindi maipinta ang mukha niya. Para bang ang daming niya iniisip na problema? At maya-maya pumasok lang sa isip ko yung sinabi ni mommy kanina.

“good morning, dad!! Tara po kain na tayo”—sabi ko nang malapad ang ngiti.

Napalingon lang sa ‘kin si daddy at ngumiti na para bang ilang.

“sige, anak. Magbibihis muna ako”—sagot niya habang naglalakad papunta dun sa kwarto n ila mommy.

“dad. Wag mo sanang isipin na nagtatampo ako sayo huh. Alam ko naman busy ka kaya nakalimutan mo yung birthday ko.”—sigaw ko.

Ngumiti lang siya habang sinasarado yung pinto.

MR. GARCIA’S POV

“dad. Wag mo sanang isipin na nagtatampo ako sayo huh. Alam ko naman busy ka kaya nakalimutan mo yung birthday ko.”

Paulit ulit kong naririnig yung sinabi niya kanina. Kung alam niya lang na hindi naman talaga yun yung pinoproblema ko ngayon. Ayokong saktan yung anak ko. Mahal na mahal ko siya. Pero yun lang yung tanging dahilan kung paano ko mababayaran yung malaki kong utang kay Mr. Santos.

Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kong magbihis at mag-isip. naglalakad ako pababa ng hagdan. Lutang pa rin ang isip ko at hindi o namalayang nasa harap ko na pala si Sheena.

I Know He's There Waiting For Me <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon