EMMAN’S POV
Umuwi na ako galing sa bahay nila Jane.
Akala ko magiging ok yung araw ko ngayon, pero nasira dahil sa mga ginagawa ni Kuya Harvey. Wala naman akong galit sa kaniya, siguro dati meron pero napatawad ko na siya sa ginawa niya kay Jane.
Kung sana bumalik siya dito para makipagbati kay Jane, matutuwa pa sana ako. Pero hindi eh, ang gusto niya magkaayos sila ni Jane at mabawi si Jane. Hanggang ngayon napakaselfish niya, sarili niya lang yung iniisip niya. Hindi ko din alam kung anong purpose ng pagpunta niya sa bahay nila Jane kanina. Pero pinag-awayan pa talaga namin siya.
Nakarating na ako sa bahay. Nakita ko si Kuya Harvey na nasa garden at may kausap sa phone. Nilampasan ko lang siya at hindi pinansin.
“Sir, may naghahanap po sa inyo kanina.”—sabi sa akin ng maid namin.
“Sino naman daw?”—tanong ko.
“Girlfriend niyo daw po, tinatanong niya kung nakauwi na kayo.”—maid.
“Ahh. Si Jane. Tatawag na lang ako mamaya sa kaniya.”—pabulong na sabi ko sa sarili ko.
“Kayo ni Jane?”—tanong ni Kuya Harvey.
Nasa sala na pala siya.
“Oo, bakit?”—tanong ko.
“W-wala.”—tipid na sagot niya.
“May gusto pala akong malaman.”—ako.
“Kung tungkol kay Jane, wag mo nang ituloy.”
“Hindi. Girlfriend mo ba yung Mary Lee?”—diretsong tanong ko.
“Ahahaha. G-girlfriend? Sino? Si Mary? Ahaha. Nagpapatawa ka ba?”—natatawang sabi niya. “Hayaan mo pupunta siya dito bukas. Siya yung tanungin mo kung girlfriend ko nga siya.”—dagdag niya pa.
“Eh kung hindi mo yun girlfriend, bakit pupunta siya dito bukas?”
“Hindi lang siya pupunta dito. Dito siya mismo titira. Nasabi ko na din kay Tita yung tungkol dito.”
“Huh? Bakit naman?”
“Basta.”—sagot niya at saka na siya umalis.
Ang gulo niya kausap. Hindi niya girlfriend si Mary pero dito niya papatirahin? Tss.
“Sir, magdinner na po kayo.”—maid.