SHEENA’S POV
Nag-alarm na yung alarm clock ko sa bedside table ko. May pasok na naman. Madami din akong na-miss sa klase namin dahil nga nagkasakit ako.
Naligo na ako at nagbihis.
Habang nagsusuklay ng buhok ko.
“Yhabie?”—tawag sa akin ni Lance habang binubuksan yung pinto ng kwarto ko.
“Bakit?”—tanong ko nang makaupo na siya sa kama ko.
“Tinitignan ko lang kung gising ka na.”—sagot niya.
Naka-uniform na siya.
“Ganun ba? Kumain ka na?”—ako.
“Not yet. Sabay na tayo.”—sagot niya naman.
“Ok.”—sabi ko sabay tayo.
Naglakad ako papunta ng kama at kukuhanin ko na sana yung bag ko pero buhat-buhat na ito ni Lance. Hindi na lang ako umimik pa.
Bumaba na kami papunta ng kusina para mag-break fast.
“Yaya, patimpla naman po ng kape.”—pakiusap ko sa maid namin.
“Ok Ma’am.”—sagot niya at paalis na sana siya nang…
“Ahh. Hindi yaya, dalawang hot choco na lang, wag mo siyang itimpla ng kape.”—sabat ni Lance.
Tinignan ko lang siya at hindi na lang nagsalita.
“It’s not healthy for our age to drink coffee.”—paliwanag niya.
“Is that so. But I’m still sleepy.”—sagot ko naman.
“Mawawala din yan maya-maya.”—sagot niya pa.
Alam niyang naiinis na ako. Pero parang natutuwa naman ako kasi concern siya, yun nga lang medyo OA lang.
“Let’s go?”—yaya niya ng matapos na kaming kumain.
“Ok.”
Kinuha ko sa kaniya yung bag ko. Ayoko kasing masanay na siya lagi yung may dala nito, nahihiya na ako.
Nagtext si Jane na hindi daw muna sila sasabay ni Emman sa amin. May pupuntahan daw kasi sila.
Si Lance yung nag-drive. Kotse niya yung gamit namin ngayon. Pinadala niya kasi ito sa driver nila kagabi.
“Hindi mo pa ako tinuturuan.”—nagtatampong sabi ko sa kaniya.
Napangiti lang siya.
“Oo nga pala noh. Next week end ok lang ba? Madami kasi akong binago sa resto eh kaya naging busy ako.”—palusot niya naman.
Ano daw sabi niya? Binago niya yung restaurant?
“Anong binago mo dun?”—tanong ko.
“Gusto mo daan muna tayo? Maaga pa naman eh.”—nakangiting sabi niya.
“Ok.”
Tatlong beses na akong nagsabi ng ‘ok’ ngayong araw huh?
Dumiretso kami sa resto niya.
Ang dami ngang nagbago. Yung mga furniture bago, nadagdagan din yung mga waiters at pati menu nadagdagan din.
Ang romantic ng ambiance nito. Parang sadyang ginawa itong restaurant para sa mga lovers. Ang ganda talaga.
“Nagustuhan mo?”—tanong niya sa akin.
“Of course. It’s better than the last time I got here.”—nakangiting sagot ko.