Chapter 8 - Official On

45 2 0
                                    

SHEENA’S POV

Nandito na kami sa bahay. Ang pula ng mga paa ko. Sobrang sakit.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis agad. Napansin ko naglinis yung mga maid namin. kaya yung nataob na picture namin ni Mark kanina, nakatayo na ngayon. Hindi na ako nagdalawang isip na itaob yun. Galit ako sa kaniya, nang-iiwan siya sa ere.

After kong magbihis, dumiretso na ako sa sala. In-on ko yung t.v. at nasa channel yun ng pang-sports. Tss. Wala akong ganang panoorin yung mga ganian.

Itinaas ko yung mga paa ko sa center table at ipinatong ko naman yung ulo ko sa sandalan ng sofa. Nakatingala lang ako sa kisame ng bahay, ipinikit ko yung mga mata ko at huminga ng sobrang lalim.

Pagdilat ko ng mga mata ko. Nakita ko yung makabaliktad na ulo ng isang gwapong lalaki. Sino pa ba? Adi si Lance.

“Naka-on yung t.v.”—sabi niya habang natitig pa sa ‘kin.

“Alam ko.”—sagot ko ng iiwas ko naman yung tingin ko at humarap na sa t.v.

“Yung paa mo.”—turo niya sa mga paa ko na nakapatong sa table.

“Wala lang yan. Maya maya lang magaling na yan.”—sagot ko naman.

Tss. Kasalanan mo to Lance Jacob Santos! Inis. Pinaglakad mo lang naman ako mula sa school hanggang bahay. How mean!

“Akin na.”—nagulat ako nang bigla siyang umupo sa tabi ko.

“Yung ano?”

“Yung remote. Ang hina ng volume eh. Hindi ko marinig.”

Akala ko naman yung paa ko para naman hilutin niya. Tss.

Inabot ko yung remote at pinalakasan niya nga yung volume.

“Akin na yan.”

Sabi niya nanaman.

“Yung ano!?”

“Paa mo. Akin na.”

“Bakit?”

“I-rereflex ko.”

“Hindi na.”

Pero sa totoo lang gusto ko talaga.

“Akin na sabi eh.”—pasigaw na sabi niya.

Hindi na ako nagsalita at iniabot ko na lang sa kaniya yung mga paa ko.

Minasahe niya yung paa ko. Gentle lang yung pagmasahe niya pero ang sarap sa pakiramdam.

“Teka, sabihin mo nga sa ‘kin Lance. Ex-girlfriend mo ba talaga si Mary Lee?”—tanong ko sa kaniya.

Halatang nagulat siya kasi sandali siyang tumigil sa pagmasahe ng paa ko.

“Ahh. Yun ba? Oo naging kami nung nasa America pa ako.”—malamig na sagot niya.

“Ganun. Bakit sabi mo sa kaniya hindi mo siya kilala?”—pag-uusisa ko pa.

“Ayaw ko lang siyang maging kaibigan niyo. Ibang klaseng tao siya, Louise. So kung pwede wag ka masyadong makipag-usap sa kaniya.”

“Okay.”—nakangiting sabi ko naman.

“Louise, can I ask?”

Ito din yung sinabi niya kay Yvon at sa teacher namin kanina huh? Don’t tell me ipapahiya niya ako?

“Hmm... okay.”—tipid na sagot ko.

“Pwede bang gawin na nating official yung pagiging mag-on natin?”

I Know He's There Waiting For Me <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon