JANE’S POV
May girlfriend na si Harvey? At yung ex-girlfriend pa ni Lance? Well, bagay naman sila eh. Maganda si Mary, gwapo naman si Harvey. Pero bakit ganito? Nasasaktan ba ako? Hindi ko naman na siya mahal huh. Si Emman yung mahal ko. Si Emman LANG.
Pabalik na kami ng school ngayon. Sandali lang kasi yung lunch break, na hindi ko talaga alam kung bakit!
Kanina pumunta si Mr. Manalo sa room namin. nung una natuwa ako kasi ang tagal ko din siyang hindi nakita. Pang second year and first year lang kasi siya eh. Isa pa, nasa kabilang building pa yung faculty room para sa 1st and 2nd year teachers. Ok na sana eh, kaso pumasok pa yung Harvey na yun. Simula pa noon hobby niya na yatang sirain yung araw ko? Tss. Magiging co-coach pa daw siya ni Sir Manalo? Kainis! Bakit ganito yung reaksyon ko? Ultimate crush ko si Mr. Manalo simula pa nung first year ako at siyempre ganun din si Sheena. Sa kaniya lang kami nagkasundo ni Sheena na isa siyang perpektong lalaki.
“Mhie, nandito na tayo.”—sabi ni Emman nang makarating na kami ng school.
Hindi ko namalayan na nandito na kami kasi naglalaro ako ng games dito sa phone ko.
“Ok.”—sagot ko bago ako bumaba.
~~~
“Tingnan niyo oh.”—masayang sabi ni Lance habang nakaturo kay Mary at Harvey na nasa cafeteria.
Tinignan ako ni Lance saka ngumiti ng nakakaloko. Tss. Nang-iinis ba siya.
“Tss. Anong problema mo?”—naiinis na tanong ko.
Napatingin lang sa akin si Sheena at Emman.
Parang nagtataka yung mga mukha nila.
“Bakit?”—tanong ko naman sa dalawa.
“Mhie, gusto mo pa ba siya?”—siryosong tanong ni Emman.
Sinong siya? Si Harvey? What? no way! Ayoko na sa isang walang kwentang lalaki katulad ng Harvey na yan.
“No way! Bakit mo naman natanong yan?”—sagot ko.
“Para kasing apektado ka eh.”—nalulungkot na sabi niya.
“Tss. Si Lance kaya. Kung makatingin. ---- haist!”—ako.
“Ganon ba?”—emman.
“Oh Bakit narinig ko yung pangalan ko?”—sabat ni Lance na busy sa phone niya.
“Wala! Manahimik ka na lang dyan, mas mabuti pa.”—pasigaw na sagot ko.
“Tara, bilisan na natin baka ma-late tayo.”—sabi naman ni Sheena.
“Yes, Yhabie.”—sigaw naman ng isa.
Yhabie tawagan nila? Hmm. as I remember yun yung gusto ni Sheena na tawagan nila ni Mark nung sila pa pero ayaw ni Mark kasi daw parang pang bata. Combination daw yun ng ‘Yhab’ at ‘baby’? tss. Ayoko namang isipin na ginagamit lang ni Sheena si Lance para makalimutan si Mark.
Habang naglalakad kami pabalik sa classroom, napalingon ako sa isa sa mga room.
Yung babaeng yun. Yung babaeng kasama ni Mark sa mall.
Tumigil ako sa room at tinitigan lang ang babae. Napalingon siya sa akin, nakilala niya ako at saka siya umiwas ng tingin.
“Dhie, Sheena, mauna na muna kayo. Susunod na lang ako.”—paalam ko sa kanila.
Hindi nila napansin na medyo nahuli ako sa paglalakad, medyo malayo na din kasi sila.
“Huh. Bakit naman?”—tanong ni Emman.