Sorry.... Sorry sa matagal na upload..... pero ngayong araw na ito mag-a-upload na ako ng madami, 2 chapters or three.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
JANE’S POV
May pasok na naman bukas. Linggo na ngayon, kakagaling lang namin ni Emman sa simbahan. And happily saying, gusto ako ng parents niya at ganun din yung parents ko sa kaniya.
Si Sheena at Lance naman hanggang ngayon hindi pa din nagtetext sa amin ni Emman. Siguro busy sila pareho.
Pauwi na kami ni Emman ngayon, pero bago yun nag-decide kami na dumaan muna sa resto ni Lance, nagustuhan kasi namin yung lasagna dun. Hindi kami masyadong mahilig sa pasta pero nagustuhan talaga namin ni Emman yun.
Nasa “Gourmet” na kami. Yun na yung bagong pangalan ng resto niya. Dati kasi Morales’ yung name nito eh. Simula nung si Lance na yung naging may-ari nito, ang dami nang nagbago. Katulad ng mga furniture, menus at kahit yung mga uniforms ng waiters. Dumami din yung mga waiters at dumami na din yung mga regular costumers nito. Magaling talaga mag-manage si Lance kahit na wala siyang masyadong time.
Natapos na kaming kumain at inihatid na ako sa bahay ni Emman.
“Emm?”—tawag ko sa kaniya.
“Bakit?”—tanong niya naman habang nakatingin sa daan.
“Bakit kaya hindi tayo naaalala ni Mark?”—tanong ko, kahit na alam ko namang hindi niya alam yung sagot.
“Hindi ko alam. Nagtataka nga din ako kung bakit siya nandito eh. Dapat nasa France siya ngayon.”—sagot naman niya.
“Familiar yung babae kahapon. I think I saw her before.”
“Kahit nga din ako eh. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.”
Hindi na ako sumagot at inisip ko na lang kung sino ba talaga yung babaeng kasama ni Mark kahapon.
“We’re here.”—sabi ni Emman nang makarating na kami sa harap ng bahay namin.
“Hindi ka ba papasok?”—yaya ko sa kaniya.
“Hindi pwede eh. Ihahatid ko pa kasi sila Daddy sa airport. May concert tour kasi sila ngayon eh. Next time na lang.”—sagot niya naman.
“Ok. Pakisabi kila Tita, I’ll miss them.”—sabi ko sabay halik sa pisngi niya.
Ngumiti lang siya at lumabas na ako ng kotse, saka niya pinaandar paalis. Nakangiti lang ako sa papalayong kotse ni Emman nang biglang may magsalita sa likod ko.
“Long time no see, Jane.”
Kilala ko yung boses na yun.
Si Harvey. Third cousin siya ni Emman, and he also my first boyfriend, my first boyfriend na niloko lang ako, at nang unang taong iniyakan ko ng todo.
“Harvey! Nice to see you again.”—sagot ko naman na may plastic na ngiti.
“How are you, BABE?”—tanong niya at nakadiin pa yung babe.
“Don’t call me that, Harvey. It disgust me.”—sagot ko naman. “Ow, I’m sorry for not anwering your question, as you can see, I’m VERY good, until I saw your damn face.”—dagdag ko pa.
“Well, very nice to know that I ruined your day. Ow well, I have to go. See you.”—paalam niya habang sumasakay ng kotse niya.
“Tss.”—naiiritang sabi ko nang tumalikod ako sa kaniya at pumasok na sa bahay namin.