Sorry sa matagal na upload. After exams kasi maraming proj then nagkasakit, hinawaan ni kapatid. Taz exams ulit this coming week.
And regards na rin sa mga binaha... We pray for all of you.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
LANCE’S POV
Nakikita ko kay Louise na naging masaya siya ngayong araw. Hindi niya kasi maialis yung tingin niya sa bagong phone niya habang nakangiti. Natuwa din siya nung binigyan ko siya ng couple watch.
Dumating na yung order namin. Kumain kami ng tahimik. Hindi kami masyadong nag-usap. Pagkatapos naming kumain, umuwi na kami kaagad ni Louise.
Masu-surprise siya kasi nasa bahay na sila Tito by this time. Sila yung kausap ko nung nagsakit si Louise, pero hindi ko sinabi sa kaniya na ngayon sila uuwi. Biglaan kasi yung alis nila kaya biglaan din yung balik. Actually, umalis sila hindi dahil sa business nila, kasama yun sa part nila para maging malapit kami ni Louise. Kaya hindi sila magugulat kapag nalaman nilang kami na.
Isa lang naman yung nakasira sa araw namin ni Louise eh. Si Mark. Pinaiyak niya kanina si Louise, nagpretend siya na hindi niya kilala si Louise? Bakit niya yun kailangang gawin? At isa pa, bakit siya nandito at sino yung kasama niyang babae? Tss. Porke ba nawala na sa kaniya si Louise mawawalan na siya ng taste?
Habang pauwi kami, tahimik lang si Louise busy pa din siya sa bago niyang cellphone. Bagong labas lang yung unit na binili namin, pero simple lang siya.
Nung dumating kami sa bahay nila, wala yung guard sa gate.
“Yhabie, ok lang ba kung ikaw na lang yung magbukas ng gate?”—pakiusap ko sa kaniya.
“Ok.”—sabi niya at bumaba kaagad ng kotse.
Nakalimutan kong turuan siyang mag-drive. Isa pa, nagkasakit kasi siya kaya wala kaming time.
Binuksan niya na yung gate at hinintay akong itapat sa kaniya yung kotse saka siya pumasok ulit. Medyo malayo kasi yung gate nila sa mismong bahay kaya kailangan niya pa talaga sumakay.
Nang ihinto ko yung kotse sa garahe, nagtaka ako kung bakit walang maid na sumalubong sa amin. Kanina yung guard ngayon maid naman. Tss. Binabayaran sila para magtrabaho, pero wala sila sa oras ng trabaho?
“We’re here!”—sigaw ni Louise.
Pero walang sumagot kaya yung mga pinamili namin ako na lang yung nagdala. Paakayat na kami ng hagnan ng,
“Sheena, namiss mo ba kami?”—tanong ni Tita na galing ng kusina.
“Mom.”—sabi ni Louise habang nakakunot yung noo. “Kailan pa kayo bumalik?”—nagtatakang tanong niya.
“Kanina lang.”—sagot ni Tito. Hindi namin napansin na nasa sala pala siya. “Kamusta pala kayo habang wala kami?”—tanong niya pa.
“Ok naman po kami. Kumain na ba kayo?”—sagot ni Louise.
“Oo kanina pa. Sige magpapahinga muna kami.”—paalam ni Tito.
“Uhm. Tito nasaan pala yung mga maid at guard?”—tanong ko.
“Nakaday-off sila.”—sabat naman ni Louise.
What!? Day-off? Kailangan talaga sabay sabay?
Hindi na lang ako sumagot pa. Umakyat na kami papunta ng kwarto niya. Nahihirapan na ako sa mga dala ko kanina pa.
Nang makapasok na kami, ipinatong ko yung mga gamit niya sa table niya. Siya naman, diretso higa sa kama niya.
Umupo lang ako sa kama niya.