LANCE’S POV
Nandito ako ngayon sa Gourmet. Kinailangan kasi ako ng mga tauhan ko. Nag-out of stock daw yung mga ingredients namin, hindi daw kasi nila in-expect na madaming pupuntang tao ngayon. Kaya ito, kahit na mas matatanda sila sa akin, pinapagalitan ko sila.
“Hindi na po mauulit, Sir.”—sabi ng head chef namin.
“Kung dati very limited yung mga dumadating na customer, now expect them to multiplied by 5 or higher. Tandaan niyong malaki na ang pinagbago na restaurant and it is better than you expected. Ngayon, kung hindi niyo kayang gawin ang mga trabaho niyo, wag niyo nang hintayin na tanggalin ko pa kayo, kayo na mismo ang magresign.”—naiinis na sabi ko. “Sa ngayon alam niyo ba kung anong goal ko? Ang gusto ko, maipasok ng restaurant ko sa top 5 na pinakamalakas humatak ng tao. And I want to succeed with that, at syempre, kasama kayo. It’s for all of us.”—dagdag ko pa.
“We understand, Sir.”—sagot nila.
“Ok, get back to work.”—sabi ko habang palabas ng pinto.
Umikot ako sandali sa restaurant, madaming ngang tao ang dumating ngayon. Sa tingin ko dahil weekend ngayon, kaya nadoble yung mga pumunta.
“Lance.”—tawag sa akin ni Emman.
Nandito pala sila ni Jane.
“Oh. Nandito pala kayo.”—nakangiting sabi ko.
“Ahh. Oo. Nawalan ako ng gana kumain sa bahay eh.”—sagot ni Emman. “Oo nga pala. Si Mary, sa amin na nakatira.”—dagdag niya.
Si Mary nakatira sa kanila? Girlfriend nga yata siya ni Harvey?
“Talaga. So totoong girlfriend siya ni Harvey?”—masayang tanong ko.
Masaya naman talaga ako eh. At least titigilan na ako ni Mary.
“I’m afraid she’s not.”—sagot ni Emman.
Napatingin lang sa kaniya si Jane.
“Bakit? Ano niya si Mary?”—sabat ni Jane.
“Kapatid. Younger sister niya si Mary.”—sagot niya.
Huh? Si Harvey at Mary magkapatid?
“Teka, Emman. Totoo ba yan?”—tanong ko.
“Oo.”—tipid na sagot niya.
Paano naman naging magkapatid yung dalawang yun? Tss.
“Ahh.”—sabi ko nung mapatingin ako sa wrist watch ko. “Uuwi na ako. Iniwan ko kasi si Louise sa bahay eh. Hindi pa ako nagpaalam sa kaniya. Sige bye.”—paalam ko saka na umalis.
Dumiretso na ako pauwi sa bahay nila Louise.
Habang nagda-drive ako, tumawag si Louise.
Sinagot ko naman kaagad.
“Yhabie.”—sabi ko sa kabilang linya.
[Yhabie, nasaan ka? Sabi ni yaya umalis ka daw.]
“Hmm. pinapunta kasi ako sa Gourmet, nagkaproblema sila.”
[Ganun ba? Pauwi ka na?]
“Yeah. I’m on my way.”
[Ok. Mag-ingat ka huh. Bye.]
“Bye. I love you.”
[I love you too.]
At pinutol ko na yung usapan namin.
Biglang pumasok sa isip ko si Harvey at Mary. Magkapatid pala sila? Pero bakit si Mary, Lee yung last name tapos si Harvey naman Sampang? Baka sa mother side lang sila magkapatid? Tss. Di bale na nga! Bakit ko ba sila pinoproblema?