Sheena's POV:
~kinabukasan~
Nag-alarm yung alarm clock sa bedside table ko.
Kaya tumayo na ko. Excited na kong bumangon kasi pasukan nanaman.
Makikita at makakasama ko ulit si Mark. At pati na din si Jane at Emman at syempre si Lance.
Naligo na ko at nagbihis na uniform namin. Pagkatapos nun, bumaba na ko para pumunta ng kusina at nang makapag-breakfast na ko.
Nung pababa na ko ng hagdan. Nakita ko si mommy na nakaupo sa sala. May kasama siyang lalaki.Maputi at medyo mahaba ang buhok. Nakatalikod siya kaya hindi ko nakilala.
Papunta na sana ko ng kusina nang bigla akong tawagin ni Mommy.
“oh anak, anjan ka na pala. Halika dito ipapakilala kita sa kasama ko”—ngumiti si mommy ng nakakaloko.
Pagkatapos niya yun sabihin. Humarap ako sa dereksyon nila. At humarap naman sa ‘kin yung lalaki. Maputi, singkit, matangos na ilong, red lips in short gwapo siya. Sa tantsa ko ka-idad ko lang siya.
Para siyang pamilyar pero parang hindi. Ang gulo, maya-maya ngumiti siya sa ‘kin at nagsalita.
“hoy!! Miss Sheena Louise Garcia!! Bakit nakatulala ka diyan? Nagagwapuhan ka sa ‘kin nuh?”—nakangiting sabi sa ‘kin nang lalaki.
Napakunot naman ako ng noo ko. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Saka ako nagsalita.
“L-lance?”—tanong ko habang nakakunot pa din yung noo ko.
Siya lang naman kasi yung ganun magsalita sa ‘kin. Sobrang yabang kasi ng lalaking to. Kahit na totoo naman na gwapo siya.
“Naku! Kung hindi pa ko nagsalita, hindi mo talaga ko makikilala? Bakit Louise lalo ba kong gumwapo? Ahaha”—pagyayabang niya pa.
“ahaha. Kayong dalawa talaga ngayon na nga lang kayo nagkita ulit eh. Tapos mag-aaway pa yata kayo. Sige anak punt aka na sa kusina at nang makapag-breakfast ka na.”—sabat naman ni Mommy.
Hindi na ko sumagot at pumunta na ko ng kusina para kumain.
“ya. Ano pong pagkain?”—tanong ko kay yaya na naghuugas ng plato.
“tinapay lang, anak. Hindi na kasi ako nakapagluto kasi tinanghali na din ako ng gising.”
“ganun po ba? Sakto naman kasi nagda-diet ako ngayon eh. Ahehe”—biro ko naman. Nakita ko din naman siyang ngumisi.
“oo tama yan mag-diet ka! Ang taba mo na kasi! Ahahaha”—sabi nung lalaki mula sa likod ko.
“ewan ko sayo! Namiss pa man din kita. Tapos pagdating mo dito iinisin mo lang ako? Aist…”—sagot ko na hindi man lang tumitingin sa kaniya.
Naaninag ko naman na yumuko siya.
“Sheena, bakit ang bilis mo nang mapikon ngayon?”—tanong niya na parang sobrang lungkot.
Para naming hindi ko matiis tong si Lance kaya naman binatukan ko siya.
“Aray! Bakit ba?”—naiinis na sabi niya.
“Ahahaha. Wala lang, tara samahan mo kong kumain!”—sabi ko sabay hila sa kamay niya.
Umupo naman siya sa tabi ko.
“Tapos na ko kumain eh. Ikaw nalang papanuorin nalang kita,”—sagot niya.
“hindi kakain ka din!!”—pagpupumilit ko. At saka nilagyan yung plato sa tapat niya ng tinapay.