JANE’S POV
Nandito na kami ni Emman sa school. mag-on na kami simula kahapon. at ganun din daw si Lance at Sheena.
Almost time na pero wala pa silang dalawa. absent sila?
dumating na yung teacher namin.
pagkapasok na pagkapaso niya sinabihan niya yung secretary ng room namin na i-excuse si Sheena at Lance.
“Ma’am, bakit daw po sila absent?”—tanong ni Mary Lee.
“May lagnat kasi si Ms. Garcia. Dahil sa isang bahay lang sila nakatira at wala yung parents ni Ms. Garcia, Si Mr. Santos yung mag-aalaga sa kaniya.”
“Palusot lang yan. Magde-date lang yung dalawang yun.”—naiinis na sabi ni Mary.
“Okay, class we will start the lesson.”
at nag-start na nga yung lesson.
natapos na ng sobrang bilis itong araw na ito ng hindi namin nakikita si Sheena at Lance.
nagdecide kami ni Emman na dumaan muna sa bahay nila Sheena bago umuwi.
nung dumating kami ni Emman dito sa bahay nila Sheena, nadatnan namin si Lance na may kausap sa phone. nasa garden siya that time, at sinenyasan niya na lang kami ni Emman na dumiretso na lang doon sa kwarto ni Sheena.
“Sheena, how are you?”—tanong ko sa kaniya pagpasok ko sa kwarto niya.
napansin ko naman agad yung mga picture nila ni Lance sa table niya kaya nilapitan ko.
“Ok na ko. Nasaan si Lance?”—tanong niya samin.
hinayaan ko nalang na si emman yung sumagot sa tanong ni Sheena.
“Nasa garden siya may kausap sa phone.”—sagot ni Emman.
“Kailan to?”—tanong ko sa kaniya habang hawak hawak yung picture frame na may picture nilang dalawa.
“Oh. napalitan na pala? Kahapon lang yan.”—sagot niya at nilahad niya yung kanang kamay niya. “Patignan.”—dagdag niya pa.
Inabot ko naman. Yung itsura nila dun sa picture, nakahawak si Sheena sa waist ni Lance, habang si Lance naman naka-akbay sa kaniya.
Bagay nga sila. I never expect na ganito kabilis makakapagmoveon si Sheena kay Mark.
nakangiti lang si Sheena habang nakatingin dun sa picture nila ni Lance. Hindi niya sinasabi samin yung dahilan kung bakit siya nilalagnat siya. Pero sa itsura niya ngayon parang ok na siya.
“Sinong kausap mo kanina?”—tanong ni Sheena ng dumating si Lance.
“Ahh. Si Tito, sinabi kong nilagnat ka, worried nga sila eh. Pero sinabi ko ng ok ka na.”—paliwanag niya.
“Ok.”—sabi niya at saka siya tumayo.
pansin ko na medyo namumula yung mga paa ni Sheena pero hindi naman siya namamaga.
“Anong nangyari sa paa mo?”—tanong ko sa kaniya.
Halata namang nagulat yung nasa tabi ni Sheena na si Lance.
“Ahh. Ito ba? Wala to.”—sabi niya saka na naglakad.
“Anong wala eh. Iika-ika ka maglakad.”—sabi ko pa.
“Dahil yan sa paglalakad namin kahapon.”—sabat naman ni Lance.
“Pinagtakpan mo pa boyfriend mo.”—pang-aasar naman ni Emman.
“Haha. Oo nga. Sige una na kami. Ihahatid pa ko ni Emman sa bahay eh. baka gabihin siya.”—paalam ko.
“Ganun ba? Oh sige ok lang. Ay nga pala double date daw tayo sa sabado sabi ni Lance. Bibili din kasi kami ng phone eh.”—yaya niya samin.