SHEENA’S POV
Ang weird ni Lance. Una, ayaw niya tawagin ko siyang Lance ang gusto niya daw Jacob. Pangalawa, makikitira daw siya sa bahay, eh if I know kaya niyang bumili ng sarili niyang mansion noh. And lastly, simula nung nanggaling sila ni Emman sa parking lot ng mall eh, naging tahimik na siya. May sayad ata yung kaibigan ko eh.
Kanina naman nung naiwan kami ni Jane sa harap ng mall habang naghihintay sa dalawa, hindi ko napigilang umiyak sa harap niya, ang OA nga eh. Ito kasi yung first time na umiyak ako ng dahil sa isang tao. Ni minsan hindi pa ako nakita ni Jane na umiyak ng ganon. Madalas kasi ang bababaw ng mga problema ko.
Pero ibang usapan na si Mark. Lumaki ako na nakukuha yung gusto ko, sanay ako sag anon. kaya ganon na lang yung reaksyon ko ng bigla na lang naging ganun na lang yung trato sa ‘kin ni Mark, ok lang sana kung gusto ko lang siya eh, eh hindi eh. MAHAL ko lang naman siya. Tss.
Simula pa kanina, hindi talaga nagsasalita si Lance. Tingin ko napagod siya kakadala ng mga pinamili ko kaya hindi ko na lang siya tinatanong kung anong problema niya.
Nakarating na kami sa bahay. 15 mins. Lang kami ng byahe kasi medyo malapit lang yung mall na pinuntahan namin sa subdivision.
“Ma’am, ang aga niyo po yata ngayon?”—salubong na tanong ni yaya nang makababa ako galing sa kotse.
“Ah, yes yaya. But I enjoyed this day.”—nakangiting sagot ko.
Si Lance naman ibinaba niya yung mga pinamili ko at iniabot niya kay yaya. After nun, dumiretso siya sa garden at may tinawagan. Girlfriend niya siguro?
“Hi, mom”—bati ko sabay beso kay Mommy.
“Ang aga mo yata ngayon?”—nagtatakang tanong niya.
“Ewan ko ba kay Lance!”—naiinis naman na sagot ko. “Uhm. Mom, punta muna ko sa room ko. I have to change my clothes”—paalam ko sabay tingin sa uniform ko.
“Okay.”
Umakyat na ko papunta sa kwarto ko. Tinignan ko yung phone ko, napansin ko naka-off na pala. Dead bat? Eh ni hindi ko nga nagamit eh. Naku naman!
Hinanap ko yung charger saka ko chinarge. In-on ko agad. Pagka-open, nakita ko ang daming msg. natuwa naman ako kasi inisip kong si Mark yung nagtext pero for the LAST time mali nanaman ako. Mga anak lang pala ng business partners ni Daddy na nag-GM.
Binato ko yung phone ko. Wala akong paki kahit magkano pa yun. Wala naman yung pakinabang kung hindi rin lang si Mark yung magtetext.
Tamakbo ako papunta sa kama ko at dumapa doon. Tinakpan ko ng unan yung mukha ko. Nahirapan akong huminga kaya tinanggal ko yung unan, pero kahit nung tinanggal ko na yun hirap pa din akong huminga. Saka ko na-realize na hindi yung unan yung dahilan nun. Si Mark, ano ba kasing kasalanan ko sa kaniya? Bakit ganun? Surprise nanaman ba to o gusto niya nang makipag-break?
Tss. No Sheena! Wag mong isipin yan! Hindi yan kayang gawin ni Mark sayo. Mahal ka niya ok. Wag kang praning!
Hindi ko napansin na may kumakatok pala sa pinto ng kwarto ko.
“Ma’am, bumaba na daw po kayo sabi ni Sir.”—sabi ni yaya na nasa kabilang side ng pinto habang patuloy na kumakatok.
“O-okay. Susunod na lang ako.”—nauutal na sagot ko.
Hindi ko kasi namalayan na umiiyak nanaman ako kanina.
Nag-shower muna ako saglit bago ako nagbihis.
Bumaba na ako at dumiretso na sa dining area. Nakita kong nakaupo na ang Parents ko at pati na din Lance. Pero hindi pa din sila nagsisimula.
Usually, pag nahuli ako. Nauuna na kumain si Mommy at Daddy dahil pareho nga silang busy, pero this time hindi, hinintay talaga nila ako?