Twelve : Revelations

226 5 1
                                    

Patricia's POV

"I-is that true,w-wifey?"

Diretso siyang nakatingin sa mata ko habang naghihintay ng sagot.Hindi ko alam ang sasabihin ko.Hindi ko alam ang gagawin ko.

"silence means yes...",narinig kong sabi niya at nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa braso,"let's go home..."

Hindi ko alam pero namalayan ko na lang na basang basa na yung pisngi ko ng mga luhang galing sa aking mata.Hindi ko na kaya toh,siguro nga tamang umalis na ako dito.

Sasama na sana ako kay Josh ng magulat ako ng hawakan din ako ni Axen,"wait,di naman pwedeng iwanan niyo rin ako dito"

Nagtama ang paningin namin ni Axen,"let's talk"

Hinila ako ni Josh sa tabi niya at bahadyang tinulak si Axen,"walang usapan ang magaganap,aalis at aalis kami"

Hinila niya ako at sumunod naman ako.Nang huminto na kami sa harap ng sasakyan niya ay binuksan niya yung pinto,"sakay"

"Josh...",sambit ko at diretsong nakatingin sa kanya,"I'm sorry I didn't mean-"

"sumakay ka na lang",cold niyang sabi at lalo akong naghina sa inaasta niya.

Sumunod na lang ako at sumunod siya sumakay.Nagdrive siya ng mabilis habang ako naman at tahimik habang tumutulo ang luha sa aking mga mata.

"Dang!why?!Bakit ikaw pa?!Bakit yung babaeng minahal ko pa yung ex ng bespren ko?!bakit yung mahal ko pa yung mahal din ng bespren ko?!whyyyyyy?!!!!",sabi niya sabay palo sa manibela habang nagdadrive siya.

Napahagulgol ako sa nakikita ko.Pulang pula ang mata niya sa galit habang kitang kita ko naman ang mga ugat niya sa katawan.

"Im sorry Josh...",naiiyak kong sabi,"ibaba mo na lang ako dahil alam kong nagagalit ka sa akin"

Maya-maya ay pinahinto niya ang sasakyan,"ibaba?damn!go bumaba ka!"

Saglit ko siyang tinignan sa mata.Parang di na siya yung Josh na kilala ko...

Pagkababa ko ay agad niyang pinaharurot ang kotse.

Bakit ganun?!

Bakit ambigat?

Bakit parang dinaganan ako ng sako sakong kamalasan?

Bakit....

Biglang nagsimulang umulan at humalo ang tubig ng ulan sa mga patak ng luha sa akin mga mata.

Napaluhod na lang ako habang nakatakip ang aking mga kamay sa aking mukha.

Ang hirap!ang sakit sakit!

Akala ko maayos na ang lahat.Akala ko okey na pero bwiset!

Humagulgol ako ng humagulgol habang basang basa na ako.Maya-maya ay napatingala ako ng may humawak sa balikat ko.

Si Josh...

Bumalik siya...

Napatayo ako ng makita ko siya at alam kong umiiyak siya pero di niya pinapahalata,"Im sorry-"

Di ko na natuloy ang sadabihin ko ng yakapin niya ako.Natulala ako sa ginawa niya at ng matauhan ako ay umiyak ako ng umiyak sa balikat niya,"sorry Josh,sorry sa lahat"

Kumalas siya sa yakap at hinawakan ako sa mukha at pinunasan ang luha ko.Pilit siyang ngumita at saka siya nagsalita,"shhh,everything will be alright"

Niyakap niya ako ulit,"Im sorry too wifey,sorry kung iniwan kita,sorry kung nilagay kita sa sitwasyon na mahihirapan ka,sorry kung iniwan kita dito,sorry kung nagpaligoy ligoy ako,oo nagalit ako pero hindi ko alam parang anlambot lambot ko pagdating sayo at alam mo kung baket?kasi wifey,mahal na mahal kita"

Bigla niya akong hinalikan at hinalikan ko siya pabalik.Tumagal ng ilang minuto ang halikan namin nang...

*BEEP BEEP*

"Hoy kayong dalawa,wag kayo sa daan maglandian!",sigaw nung manong habang nasa loib ng kotse na bumusina sa amin kanina.

Nginitian lang ako ng Josh at hinawakan sa kamay,"let's go wifey"

***
Pagdating namin sa bahay ay ako naman ang yumakap sa kanya,"thank you hubby,thank you sa pag intindi"

Nakayuko ako at hinawakan niya ako sa mukha,"kalimutan muna natin ang nangyari wifey,ayaw kong makita ka pang umiiyak"

"pero...."

"nahh wag muna natin yun pag-usapan,ang gusto ko...",huminto siya at ngumiti,"saka na natin yun pag-usapan kapag nakapagdecision ka na"

Desicion....decision para pumili sa kanilang dalawa.....

"pero wifey,gusto ko rin na marinig mo ang side ni Axen,ayaw kong maging unfair dahil kaibigan ko pa din siya",pahabol niya

"I'll try hubby",sabi ko at hinalikan niya ako sa noo.

Hindi ko alam kung paano haharapin si Axen....

***
Kinabukasan ay nagising ako ng wala sa tabi ko si Josh.Inayos ko ang damit ko at naghilamos.

Baka nasa labas lang si Josh....

Pumunto ako sa pinto at nagulat ako ng makita ko si Axen,"Axen...?"

"Can we talk?",nakayukong sabi niya at tumango ako.

Sinundan ko siya at nakita kong may hinanda siyang pagkain.Umupo kami sa lamesa at saka nag-usap.

"kamusta ka na?",malungkot niyang tanong

"o-okey lang ako",sagot ko,"uhmm yung kagabi,sorry Axen kung nasira ko yung birthday mo"

"okey lang yun,wag mo alalahanin",sabi niya

"a-anong pag-uusapan natin?",tanong ko na may halong kaba.

"Tricia,di na ako magpapaligoy ligoy pa",huminto siya at tumingin diretso sa mata ko,"gusto ko maging tayo ulit"

"Axen,tapos na tayo at alam mong kasalanan mo yun",nakayukong sabi ko

"hindi Tricia",napakunot noo ako sa sinabi niya,"hindi dahil lahat ng iyon ay kagagawan ni Cass,hindi ako ang humalik sa kanya,lasing siyang pumunta sa office ko tapos nagulat ako ng halikan niya ako,hindi ko ginusto yun at alam mo yun dahil ikaw lang ang mahal ko"

Ibig sabihin kagagawan ni Cas yun?

Ibig sabihin di niya ako niloko?

TUG DUG TUG DUG

Pero paano toh?

Nahihirapan nanaman ako...

May kinuha siya sa kanyang bulsa at inabot ito sa akin,"ayan ang flashdrive,yan ang makakapagpatunay na di ako nagloko"

Napalunok ako ng makita ko ang flashdrive,"I'm sorry kung di kita pinag-explain Axen pero-"

"di kita pinagmamadaling pumili sa amin ni Josh,Tricia",sabi niya at tumingin sa akin,"pero umaasa akong magkakabalikan pa tayo..."

My Pervert Fiance (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon