Eleven : His Day

208 5 0
                                    

Patricia's POV

"Wifey,I'm finish",napatingin naman ako kay Hubby na kakalabas lang sa bathroom.

Natulala ako sa kanya habang pinunapunasan niya ng twalya yung buhok niya.Napakagat labi ako ng mapadpad yung paningin ko sa mga abs niya hangang sa bumaba ito sa ano..

Yung ano niya...

Basta alam nio na yun hahaha.

Di ko namalayang nakalapit na pala siya at pinitik niya ako sa noo,"tama na pagpapantasya wifey,take a bath na"

Kinuha ko yung twalya at tumingin muna sa kanya bago pumasok sa loob ng banyo,"di mo ba ako sasamahan?"

Binigyan niya lang ako ng death glare.Hihi magpapasama lang naman ah...wala namang masama dun dibaaaa?

***
Nang makapag-ayos na ako ay lumapit naman ako kay hubby para ayusin yung neck tie niya,"ang gwapo ng hubby ko"

"dapat lang",nakangising sagot niya sa akin,"maganda wifey ko eh"

Naningkit naman ang mata ko,"kyot hindi maganda hindi cute hindi dyosa,KYOTTTT"

"aish,I wonder what's special about that word",napakamot naman sa ulo si hubby

"Pagkyot kasi ako lang",paliwanag ko sa kanya

"fine fine",sabi niya habang tumatango,"let's go"

Hinawakan niya ako sa kamay at sabay naming tinahak ang daan papuntang parking lot.Pagkadaan namin sa parking lot ay pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na ako sa loob.Saglit niyang tinignan ang engine ng sasakyan bago siya pumasok.

"anong tinignan mo dun?",tanong ko sa kanya

"Nah,I just want to be sure na okey lang yung makina",sabi niya at tumango ako

Nakwento sa akin ni hubby na hindi malaking party yung pupuntahan namin kundi isang beach party lang.Wala namang program,kainan lang daw tapos videooke,swimming basta ganun...

Yay!excited na ako hihi.

Medyo umidlip muna ako habang wala pa kami sa beach.Mga ilang oras ang lumipat ng naramdaman kong huminto ang sasakyan at may humalik sa labi ko,"wifey,wake-up"

Unti unti kong minulat ang mata ko,"uhmm nandito na ba tayo?"

Tumango siya at umayos ako ng upo.Inayos ko ang damit ko at inalalayan niya akong bumaba ng kotse.

Pagkababa ko ay agad kong naramdaman ang preskong hangin.Hmm ang presko naman dito...

"Tara wifey,nandoon sila",sabay turo niya sa may lugar na medyo matao.

Nakangiti naming sinalubong ang mga tao dun.Maya-maya ay may lumapit kay Josh.

"Oh,bro kamusta",bati sa kanya nung lalaki sabay tingin sa kanya,"chixx mo toh?"

"she's My fiance Lance",sabi niya at ipinakilala ako,"Lance,meet Pat,my wifey and wifey he's Lance"

"nice to meet you",sabi nung Lance at ngumiti lang ako,inakbayan niya si Josh,"pre nasa loob pa so Axen,tara puntahan natin"

"sige pero wait lang",sabi ni Josh at humarap sa akin,"wifey,dito ka lang ha saglit lang ako,babalik din ako"

Tumango lang ako at hinalikan niya ako.Umalis na siya ang naglibot libot ako konti dito dahil wala naman akong masyadong kilala.Maya-maya nagulat ako ng may batang yumakap sa akin,"awte patttt"

Napatingin ako dun sa bata.Gosh,it's Wine.Nakangiti lang siya sa akin at napayakap din naman ako sa kanya.

"awte,namiss na kitsa(ate namiss kita)",sabi niya sa akin at medyo umiiyak,"akaya to pwo iwan mo na atho awte (akala ko po iwan mo na ako ate)"

"hindi baby ah",sabi ko sa kanya,"wag ka na umiyak,ate is here na"

"owkie owkie",sabi niya at pinunasan yung mukha niya,"awte miss ka na ni kuya,bwuti nakadyating ka sha bertdey niya yey hapi shi kuyaa"

Medyo kinabahan naman ako sa sinabi niya.Ibig sabihin andito si Axen?oo nga pala birthday niya...

Hindi pwede toh...

Si Axen na bestfriend ni Josh at si Axen na naging ex ko,iisa sila?

P-paanong....

"Tricia",napatingin ako sa kung sinong tumawag sa akin.Si Axen,nakangiti siyang nakatingin sa akin.

Axen's POV

"bro happy birthday",bati sa akin ni Josh

"haha salamat",sabi ko sa kanya at ng bro fist bump kami,"wait lang bro,dito muna kayo ha,hahanapin ko lang si Wine eh nawawala siya eh"

Tumango sila at iniwan ko sila dun.Tinignan ko sa kiddie area si Wine pero wala siya dun kaya pumunta ako sa may labas.Nakita ko si Wine at nagulat ako ng makitang kayakap niya si Tricia.

Andito siya....

"Tricia",nakangiting tawag ko sa kanya at bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

Lumapit ako at niyakap ko siya,"I didn't expect na pupunta ka mine,ansaya ko kasi nandito ka,ito na ata yung pinakamagandang regalo sa natanggap ko ngayon"

Medyo tumawa pa ako ng maramdaman kong may mga patak ng luha sa pisngi ko.Tear of joy!haha para akong bading f*ck.

Napansin kong wala man lang siyang response kaya inalis ko ang pagkakayakap ko at humawak sa mga balikat niya,"ayos ka lang ba?"

"Axen...",sambit niya sa pangalan ko,yumuko siya bigla at saka muling nagsalita,"hindi ako pumunta dito para sayo..."

Napalunok ako at medyo kinabahan,"a-nong ibig mong-"

"hubby",sambit niya at napatingin ako kung saan siya nakatingin,nakatingin siya kay Josh na nakangiti sa kanya.

"wifey!",tawag sa kanya ni Josh at medyo nalito ako sa mga nangyayari.

Anong ibig sabihin nito?

***
Patricia's POV

"hubby",sambit ko ng matanaw ko si Josh at nakangiti siya sa akin.

"wifey!",tawag niya sa akin at nakatingin ako kay Axen na takang-takang nakatingin sa akin.Lumapit sa akin si Josh at inakbayan ako,napatingin siya kay Axen amnang mapansin niyang magkatabi kayo,"o,nagkita na pala kayo?"

Nakatingin sa akin si Josh habang nakangiti at di ko naman malaman kung anong ireresponse ko.

Anong gagawin ko?

"M-magkakilala kayo?",nauutal na tanong ni Axen at tumango siya

"Yup",nakangiting sagot ni Josh at nakatitig ng diretso sa mata ki,"siya yung kinekwento ko sayo Axen,she's my fiance,my wifey"

Napansin kong napayukom ng kamo si Axen at nagulat ako ng bigla niyang sinuntok si Josh,"hubby!"

Agad na lumapit ako kay Josh at nakita kong napahawak siya sa labi niya.

"what the heck is your problem dude?!",tanong ni Josh sa kanya.

Ngumiti ng mapait si Axen,"Problema ko?!Damn!Josh!the fiance you are talking is my ex girlfriend!"

TUG DUG TUG DUG

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko at lalo akong kinabahan sa mga tingin sa akin ni Josh,"I-is that true,w-wifey?"

My Pervert Fiance (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon