Sixteen : Keira

207 6 2
                                    

Keira's POV

"Huwaaa!POWTEK!Keira!!!"

Nagising ako ng makarinig ako ng makakas na sigaw.Unti-unti kong minulat ang mata ko.Napabangon ako ng maaninag ko si Patricia.

"P-Patricia?",gulat na tanong ko

Teka?bakit andito siya?

Nasaan ba ako?

Ugh,Jeez!Ansakit ng ulo ko.

Medyo naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko at nagulat ako ng may katabi ako.

"Sino ka?!anong ginagawa mo dito?!",tanong ko sabay palo ng unan sa katabi ko.

"Damn!ano ba?!",reklamo nito at hinawakan yung unan na pinampalo ko at natulala ako nang mapagmasdan ko ang buong mukha niya.

S-siya yung ex ni Pat diba?

B-bakit kasama ko siya?

"sh*t dude" -Josh

Wengya!wag mong sabihing....

Napatingin si ako sa ilalim ng kumot ko at napasigaw ako,"KYAHHHH!"

W-wala na...

W-wala na ang pinakaiingatang perlas ng silanganan.

Huwaaaaaaa!!!!

***
Patricia's POV

Hinila ko palabas si Josh,"hubby pwede bang asikasuhin mo muna yung kaibigan mo at aasikasuhin ko yung bespren ko?"

Tumango siya at pumasok ulit kami sa loob.

Andun pa rin si Keira,iyak ng iyak habang nasa sulok ng kama si Axen na kanina pa gulo ng gulo ng buhok niya.Napatingin sa akin si Axen at napalunok siya.

"I'm sorry Tricia",sabi niya sabay yuko

"Hubby",tawag ko kay hubby at mukhang alam niya na yung gagawin niya.

"Let's go Axen",sabi ni Josh kay Axen at tumango ito.

Nang tatayo na siya ay agad siyang napatigil.Hinihila niya yung kumot habang hinihila rin ito ni Keira,"akin na yung kumot!"

"wala akong suot kaya di ko bibigay sayo",sabi ni Axen at napailing naman ako.

"Wifey,manghihiram lang ako ng kumot ha",bulong sa akin ni hubby sabay labas.

Ilang minuto lang ay agad ng nakabalik si Josh at may dala siyang kumot.Binigay niya ito kay Axen at pagkaayos ni Axen ay umalis na din sila.

Lumapit naman ako kay Keira,"anong nangyari?"

Tumingin lang siya sa akin at saka umiyak siya,"Huwaa Pat,sorry huwaaa di ko rin alam"

Hinimas ko yung likod niya,"Shh Keke,wag ka na umiyak"

"eh kasii",sambit niya sabay pumadyak padyak siya,"wala na,wala naaaaaa!"

Napailing na lang ako.

Di ko alam kung paano ako magrereact.Ang hirap...

"tama ka,masama yung alcohol pero uminom pa rin ako",sabi niya sabay yuko,"tapos paggising ko di ko na alam"

"wag ka na umiyak dyan",sabi ko sa kanya,"nagpadala na ako ng mga damit para makapagpalit ka"

***
Hinintay ko si Keira na makapagpalit.

Pumunta muna ako sa may  check-in area upang ayusin ang lahat ng ito.

"Bakit nagkasama sa iisang kwarto si Axen at si Keira?",tanong ko dun sa may lalaki

"di po namin alam maam",sagot nung lalaki

"di niyo alam?!",galit na tanong ko sabay labas ng mga susi na nakita ko kanina sa kwarto,"eh ano toh?!"

"susi po",sagot nung lalaki at nasuntok ko siya sa mukha.

May lumapit sa amin na guard at agad na tinulungan yung lalaki,"ma'am bawal po kayong gumawa ng anumang eksena dito"

"wala naman akong gagawin",sabi ko sabay ngisi,"kung ipapaliwanag niyo ito"

"m-ma'am baka po nagkamali ng-"

Sinuntok ko ulit yung lalaki sa mukha.Biglang dumating si Josh at hinawakan ako sa magkabilang braso,"wifey,stop"

Masama ko lang siyang tinignan.

Ewan ko,masyado akong nagagalit.Di ko mapigilan yung sarili ko.Sino bang makakapigil?!eh kung makita mo yung bespren mong nawala yung 'ano'niya kasama pa yung ex mo at ang dahilan eh nagkamali ng bigay?!

Wow!

Lumapit ako doon sa lalaki,"sino yung may-ari nito?"

"s-si,s-si a-ano po-"

"pakisabi ipapasara ko toh sa ayaw niyo at hindi",pagkasabi ko nun ay binalikan ko na si Keira.

Pagkadating ko dun ay nakaupo lang siya habang yakap yakap ang binti niya.Agad ko siyang nilapitan at napatingin siya sa akin.

"wag mo i-down yang sarili mo diyan,walang gustong mangyari yun",sabi ko sa kanya at inalalayan siyang tumayo.

"pero Tricia,paano na toh?paano kung malaman toh nila mommy?paano kung malaman ito sa school?paano kung pag-usapan nila ako na nakipag one night stand ako sa di ko naman boyfriend?tapos sa ex mo pa?",naguguluhang tanong niya

"ano naman kung may makaalam?anong pake nila?bakit ginusto mo ba?hindi diba?tsaka Keira,may mangyari man o wala,andito pa rin ako,kaibigan mo pa din ako",sabi ko sa kanya,"kalimutan mo na lang yun"

"salamat Pat",sabi niya sa akin,"siguro nga tama ka,kalimutan na lang"

"haha ganito na lang,libre na lang kita ng ice cream",sabi ko sa kanya sabay ngiti

"tara!tara!",sabi niya sabay hila sa akin.

Palabas na kami ng bigla siyang huminto at napatingin siya kay Axen.Yumuko na lang siya ulit at lumabas na kami.

***
Axen's POV

Hindi ko alam kung bakit ganon?

Bakit parang nasasaktan ako nung umiiyak si Keira?bakit parang doble doble yung sakit?

Siguro baka nakokonsensya ako.

Oo,alam ko,alam ko na first time niya lang yun at sa totoo lang,first time ko lang din at alam ko na masakit yun para sa isang babae,

Na makuha ng taong di naman nila mahal yung pagkababae nila.May respeto ako sa mga babae kaya di ko inexpect etong mga nangyari ngayon.

"okey ka lang dude?",tanong ni Josh sa akin sabay abot ng inumin

"di ko alam",sabi ko sabay inom,"mali yung nagawa ko damn"

"but I know you dude,you never wanted that thing",sabi sa akin ni Josh,"walang may kasalanan nito"

"haysst uhm pare",tawag ko kay Josh,"alagaan mo si Patricia ha"

Pagkasabi ko nun ay tumango siya.

Siguro nga tama toh,tama na magparaya na ako....

Maya-maya ay napatingin ako ng biglang dumaan si Patricia at si Keira.Imbis na mapatingin ako kay Tricia ay napatingin ako kay Keira.

TUG DUG TUG DUG

Direkta rin siyang nakatingin sa akin.Kita ko yung lungkot sa mga mata niya pero agad siyang yumuko.Umalis na lang siya kasama si Tricia.

Gusto ko sana siyang kausapin pero siguro hindi pa ngayon....

Sorry Keira.

My Pervert Fiance (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon