Chapter 3: Weird

28 1 1
                                    

R A V E N

Dismissal na, tumayo ako at kinuha ang bag ko. Bago umalis ng University, tumungo muna ako sa locker ko at nilagay ang ilan sa mga libro ko.

Lumabas ako ng University at sumakay ulit sa bike ko. Tinungo ko ang coffee shop na pinagpa-part time-an ko. Ganito ako palagi, hindi na ako umuuwi sapagkat ay dumidiretso na ako sa coffee shop.

"Good evening Raven!"

Sinalubong ako ng masiglang bati ni France, babae 'yan. Kaibigan ko slash katrabaho dito. Nagpa-part time rin siya, at katulad ko ay college student rin.

Nginitian ko siya."Good evening, mas nauna ka sa'kin ngayon ah?"biro ko na sinimangutan niya.

"Ngayon nga lang ako hindi late eh! Staka baka mabawasan na ang sweldo ko dahil sa pagiging late ko."

"Buti alam mo,"

"Heh! Magpalit ka na nga, madaming costumer dahil friday ngayon."

Pumasok na ako sa pinaka loob at nagpalit ng damit pang-trabaho. Lumabas na ako at sinimulan ang trabaho ko.

"Pustahan tayo Rave,"napatingin ako kay France ng magsalita siya. Kakatapos lang namin."Magkaka-love life ka na!"

Napangiwi naman ako."Tigilan mo ako France, wala akong panahon sa ganyan."

"Nararamdaman ko!"sabi niya pa at pumikit."Nararamdaman ko na magiging girlfriend mo 'ko!"

Natawa naman ako at ginulo ang buhok niya."Bakit crush mo 'ko?"pabirong tanong ko.

"Hindi ah! Inchosero ka,"inirapan niya ako. "Pero pustahan nga, kapag na-inlove ka sa kung sino man. Ililibre mo ako!"

"'Yun lang?"

"Oy! 'Wag mong ma-lang lang, kapag ako nagpalibre mauubos ang pero mo."

"O sige, kapag hindi?"tanong ko.

"Kapag hindi? Tatanda ka ng binata."sabi niya at tumawa ng malakas. Ano ba naman 'to.

"Wala namang problema kung tumanda akong binata."

"Wow! Baka tumanda ka ring virgin. Hahahahaha!!"

"Mas maganda nga 'yon, tss."

Nag-ayos na kami sa loob. Pagkatapos ay sinara na rin. Gabi na, mga 8:30pm ang labas namin.

Sumakay ulit ako ng bisikleta ko at nag-padyak pauwi. Nakarating ako sa tapat ng building ng dorm, pinarada ko ang bisikleta ko at pumasok na sa loob.

Nakarating ako sa tapat ng pintuan ng dorm, bubuksan ko pa sana ng may marinig akong yapak ng mga paa. Napatingin ako sa gawing kanan ko. Nagulat ako ng may isang babae na kasalukuyang binubuksan ang pinto ng tabi ng dorm room namin ni Rafael.

Dito rin pala siya sa building na 'to naka-dorm?

Siya na naman. 'Yung babaeng nakabangga ko kanina pagpasok. Sukbit niya ang isang kulay itim na back pack na hindi kalakihan. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil natatakpan iyon ng buhok niya. She's unlocking the door, bakit parang ang bagal niya magbukas?

Hindi ko na natiis ang sarili ko at nilapitan ko siya. "Need help?"prisinta ko.

Napatingin naman siya sa akin, kulay pula pa rin ang dalawang mata niya na ipinagtataka ko. Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago dahan-dahan na tumango. Iniabot niya sa akin ang susi na tinanggap ko naman.

Humarap ako sa pintuan niya at binuksan ang pinto gamit ang susi. Bakit 'di niya mabuksan? Binigay ko sa kanya ang susi, at doon ko lang napansin na may band aid siya sa thumb ng kanang kamay niya. Baka siguro hindi siya sanay sa kaliwa kaya hindi niya mabuksan gamit iyon.

Hinihintay kong magsabi siya ng 'salamat' o 'thank you' pero wala akong narinig. Yumuko lang siya ng bahagya na parang nagpapasalamat at pumasok na sa dorm room niya.

Napakamot naman ako ng ulo, hindi niya ba kayang magsalita? Baka pipi?

Hays, bahala na nga.

"Oh, Raven,"napalingon ako sa gilid ko."Kilala mo 'yung naka-room dyan?"tanong niya na inilingan ko.

Lumapit ako sa kanya."Hindi, tinulungan ko lang magbukas ng pinto. May sugat sa daliri kaya hindi mabuksan."sagot ko at pumasok kami sa room.

Napangisi naman si Rafael na umupo sa couch."Nice, ang gentleman. Pero wala ka bang napapansin sa kanya? Matagal na 'yon dito, hindi man lang nagsasalita. Nakakatakot 'yung babaeng 'yon, maganda sana kaso nakakatakot."

Napakunot ang noo kong nilapag ang bag ko sa table at natawa ng mahina."Ganda lang talaga ang hanap eh no,"sabi ko pa."Napansin ko nga, hindi siya nagsasalita. Tapos, kulay pula ang iris niya, ganun ba talaga 'yon?"curious tanong ko.

"Uso naman ang contact lens Raven,"sagot niya, may nakakalokong ngiti naman siya."Bakit mo siya natanong? Type mo no?"mapaglarong tanong niya.

Napangiti nalang ako at umiling-iling na nagsalin sa baso ng tubig."Kakaiba kasi siya, hindi ko maintindihan."

"Talaga! Napagkakamalang multo nga 'yan dito! Makikita mo siya, pagkurap mo, wala na siya sa paningin mo,"napayakap siya sa sarili niya na kunyaring takot na takot."Nakita ko siyang minsan ganun, nakakatakot!"

Napansin niya rin pala?

Nung nagka-banggaan kami, nauna siyang maglakad in a opposite way. Paglingon ko, wala na siya. Anu 'yon? Teleportation? Crazy.

"Bading ka?"biro ko sa kanya.

"Hindi no! Tsk, may girlfriend ako no. Tsaka nakakatakot talaga ang babaeng 'yon, ikaw ba hindi?"

Natakot ba ako sa kanya?

"Umm, nung una naming pagkikita sa University, nata-"

"Nagkita kayo do'n?"

"Oo, nakabanggaan ko pa nga."sagot ko at uminom ng tubig bago magsalita."Natakot ako nung una, pero hindi na kanina nung tinulungan ko siya."

"Pero type mo nga?"ngising biro niya at pumunta sa tabi ko, siniko niya ang tagiliran ko."Ligawan mo para malaman natin kung ano ba talaga ang babaeng 'yon."

Napatawa ako."Baliw, tsaka tao 'yun."

"Malay naman natin!"

My Immortal Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon