Chapter 4: Angry

22 1 1
                                    

R A V E N

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung lumipat ako dito.

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang, lumayas ako sa amin. Ngayon, tahimik na akong namumuhay mag-isa.

"Saan ka pupunta bro?"

"Sa mga kapatid ko,"sagot ko.

"May kapatid ka pala?"supresang tanong niya.

Umiling ako."Kapatid sa step Mom ko, hindi ko sila kadugo pero kapatid pa rin ang turing ko sa kanila."

"Maka 'kanila' ka, parang ang dami ah?"

Nangiwi akong tumango"Pito, madami nga. Bibisitahin ko kung maayos ba sila."

"Ambait natin ah?"

"Tss, mahalaga pa rin naman sila sa'kin, tsaka naaawa ako."

"Mag-ingat ka pala dyan sa hallway."

Napatingin ako sa kanya."Bakit?"

"Hindi ko nasabi sa'yo, tuwinv linggo gumagala 'yung scary girl dyan sa hallway."

"Hindi ko naman siya napansin nung mga nakaraang linggo. At tsaka wala akong dapat ika-problema."

"Basta mag-ingat ka bro, 'wag ka ring titiling parang bakla."

Natawa naman ako at ganun rin siya. Naalala ko nung isang araw, nakasalubong niya 'yung babae dito sa dorm, narinig ko siyang tumili mula sa loob. Wala namang ginawa 'yung babae kundi lagpasan siya.

"Bakla ka na talaga,"pang-aasar ko.

"Ulol, halikan ko pa 'yon eh."

"Kaya mo?"hamon ko.

"Hindi."sabay tawa niya.

Nakikita ko siya minsan. Hindi ko pa alam ang pangalan niya nung una. Pero patagal ng patagal, I got curious. So I stalked her secretly, her name is Zeil (Zeyl). Ngayon ko pa lang narinig ang pangalang 'yan.

May kakaiba rin kapag magtatama ang mga mata namin. Kinakabahan ako na naninindig ang mga balahibo ko. Pero hindi takot ang nararamdaman ko, ewan ko ba. May kakaiba talaga sa kanya na hindi ko maintindihan.

Lumabas na ako ng building at nag-commute papunta sa dati kong tinitirhan. Tulad ng dati, magulo pa rin dito. Pakalat-kalat ang mga bata sa lansangan. Mga nag-iinuman sa tabi-tabi. Kung ano-ano ang nakikita ko.

"Kuya!!!"


Napalingon agad ako sa gilid ko. Napangiti naman ako, lumuhod ako para magkapantay kami. Nakangiti siya, napansin kong ang dungis ng mukha niya. Wala ring tsinelas. Madumi ang damit.

Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti."Kamusta ka na Lisa? Ayos lang ba ang mga kapatid mo?"tanong ko.

Bigla naman niya akong niyakap."Na-miss kita Kuya! Saan ka pumunta? Akala ko iniwan mo na kami."sabi niya. Niyakap ko rin siya pabalik, hindi ko ininda ang dumi na nakakapit sa katawan niya.

Siya ang bunsong anak ng step Mom ko. 4 years old pa lang, si Lisa. Sumunod si Leton, 5 years old, lalaki.
Si Lira, 6 years old, Babae.
Si Liel, 7 years old, babae.
Si Lohr at Luhr, kambal na lalaki 8 years old.
At si Lei, panganay ng step Mom ko, 9 years old.

My Immortal Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon