Chapter 11: Marked

21 3 1
                                    

R A V E N

Naging Imortal? Ako?


Dahan-dahan akong binitawan ni Zeil at lumayo ng kaunti. Tinanggal niya ang kamay niya sa leeg ko at bahagyang tinignan ang kaliwang bahagi. Napangisi naman siya.

Anong meron?

Tumayo siya at muling humarap kay Zandra na nahuli kong nakatingin sa kaliwang gilid ng leeg ko. Bumabaon ang mga mahahaba niyang kuko sa kanyang palad sa sobrang pagkuyom.

"Now, try to kill him. Oh, scratch the try, KILL HIM NOW."ngising sabi pa ni Zeil na itinayo ako at inilapit kay Zandra.

Nanlilisik naman ang mga mata ni Zandra sa galit habang nakatingin kay Zeil. Dumidilim ang kwarto, pero mas malakas ang apoy na bumabalot sa kwarto.

Tumingin si Zandra sa akin at umatras, ibinalik niya ang tingin niya kay Zeil na kampante lamang at dinuro.

"You will pay for this Zeil."

"As far as I know, I do not have any dept to pay, Zandra."pang-aasar niya.

"ARGH! I'LL TELL  THIS TO GOD!"

"Then tell him, I don't care."

"You will never come back in our world if I tell him!"

"Who's the moron?"tanong niya at naglakad papalapit kay Zandra, tinabig niya ang kamay na nakaduro sa kanya."Mas maganda nga 'yon, para hindi na ako makabalik do'n."

Kumunot ang noo ni Zandra."I can't understand you!"

"Because you're a moron,"tiim bagang niyang sabi, tumingin siya sa binta. Gamit ang kamay niya may lumabas do'n na apoy at sinunog pa ang bintana. Muli siyang tumingin kay Zandra."Get out, you're not a kind of visitor here. You're pestering my life, Zandra."

Tumaas ang kilay ni Zandra at ngumisi. Kailan ba sila matatapos sa pinag-uusapan nila? Nakikinig lang ako dito na hindi alam ang pinagsasabi nila.

"Pestering your life? Zeil! I treat you like a sister! A family! Why are you doing this to me?"

"First of all, there's no family in your world. Second, I never treat you the same way. Immortal Devil's like me do not have heart."

Naglaho naman ang kadiliman na nababalot kay Zandra, 'yung mga mata niya ay bumalik sa dati. Nakita kong nasaktan siya sa sinabi ni Zeil.

May damdamin rin pala ang mga katulad nila?

Umalis si Zandra. Lumipad siya at lumabas sa bintana. Nilingon ko naman si Zeil. Nagulat ako ng makita ang mukha niya, para siyang iiyak kahit na anong oras.

"Z-Zeil.."

"Umm?"hindi niya ako nilingon. Napansin ko namang unti-unting nawawala ang nga apoy sa kwarto.

"Are you okay?"

"I'm not."

Sabi na nga e.

Tumingin naman siya sa'kin at pilit na ngumiti."But I'll try to be okay," lumapit siya sa'kin at hinaplos ang kaliwang gilid ng leeg ko, pakiramdam ko naman may dumalog na kuryente doon."I already marked you."sabi niya.

Napakunot naman ang noo ko."Marked?"tanong ko.

Tumango naman siya at kumuha ng salamin sa kabinet niya."See for your self."inabot niya sa akin 'yon.

Kusa ko naman iyon itinapat sa aking laiwang gilid ng leeg. At doon ko nakita ang pulang naka-ukit na uluminati sign. Hinawakan ko pa iyon at hinmas, ngunit hindi na nabubura.
Katulad na katulad ito ng kay Zeil.

"H-How did you do this?"nauutal na tanong ko ha ang nakatingin pa rin doon.

"Did you lost your memory? I kissed you, and I exchange our energy a little bit,"ngumisi siya sa harap ko."And you responded."

Nang-aasar ba siya?

Nakaramdam ako ng ilang at hiya. Naalala ko 'yung ginawa ko kanina, tumugon ako sa kanya. Bakit ko nga ba 'yun nagawa? Aish! Nakakahiya.

But it's not all about the kiss.

"A-Ano 'yung sinabi ni Zandra na 'yun? N-Na naging imortal na rin ako?"kinakabahang tanong ko.

"I just marked you, that's all. She thought that you're like me, but no. I just marked you, you're still a human living normal."

"Bakit kailangan mo 'yun gawin?"

"Papatayin ka niya kapag hindj ko ginawa iyon."

My Immortal Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon