Chapter 7: Figure of Immortal Devil

20 1 2
                                    

R A V E N


Nakatayo lang ako, nakikiramdam kung ano bang mangyayari ngayon. Ilang beses na akong napapalunok, pakiramdam ko kapag gumalaw ako, aatakihin ako ng mga nilalang na iyon.

"Close your eyes."

"A-Ano?"

Bigla nalang lumipad ang mga naka-itim na nilalang patungo sa akin kasabay ng nakakabinging ingay kaya agad akong napapikit. Naramdaman ko nalang na may bumalot sa aking katawan na parang niyayakap ako.

Ano bang nangyayari sa buhay ko?

Tumahimik ang paligid, nawala na rin ang nakabalot sa katawan ko. Idinilat ko ang mga mata at bumungad sa akin ang building dorm sa aking harapan.

"That was close."

Napatingin ako agad sa kaliwa ko ng marinig ang boses niya. Humarap ako sa kanya."Anong nang—"

"Shhhhhh."nilagay niya ang hintuturong daliri niya sa kanyang labi. Tinanggal niya rin iyon."I don't talk to humans, except I need too."

"Pinaninindigan mo talaga na isa kang imortal?"

Tumango lang siya.

"A-Ano bang nangyayari? Ano 'yung mga nakita ko? Paano nangyari 'yon?"sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Imbis na sagutin niya ako at tinitigan niya ako sa mismong mga mata ko.

At doon, nakita ko siya, ngunit kakaiba ang itsura niya, malademo-nyo ang itsura. May dalawang itim na sungay sa ulo. Naka dark red na bistida at kung may ano-anong disenyo. May itim rin siyang pakpak, at ang mahabang buhok niya ay mas lalong humaba. May tattoo rin siya sa gilid ng leeg niya kulay pula, tatsulok na may mata sa gitna. Nagbago ang lahat sa itsura niya, maliban nalang sa kulay pulang mata niya. Sa paligid niya, may mga naka-itim at itim na pakpak ,katulad niya may mga sungay ang mga ito. Ang pinagkaiba lang, siya naka-kulay dark red na damit.

Nawala rin agad iyon matapos ang ilang segundo.

"Hindi ko na kailangan sagutin ang mga tanong mo, sana maintindihan mo ang ipinahiwatig ko sa'yo."

Bigla na lamang siyang naglaho sa paningin ko. Luminga-linga pa ako sa paligid para hanapin siya ngunit ni anino niya ay wala akong makita. Napahawak ako sa tenga ko at bahagyang pinisil iyon, nasaan na siya?

Akala ko, hindi siya nagsasalita ng tagalog.

Pinapahiwatig niya ba na napapaligi-ran ako ng mga katulad niya? Ng mga demonyo?

___________________________________________________________
__________

Na-gets niyo 'yung sinabi niya? Na-imagine mo? Kung oo, congrats!

Aaminin ko ito ang pinaka favorite kong story na ginagawa ko, second 'yung MC at MP, third 'yung Eyes the rest 'yung iba.

Uy, pagkatapos niyo basahin 'to, basahin niyo rin iba kong stories ha.

Vote and Comment!
   


My Immortal Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon