Chapter 10: Am I Turned to Immortal too?

20 1 1
                                    

R A V E N

"ANSWER ME YOU FVCKING HUMAN!"


Sa sigaw niyang iyon. Biglang may malakas na hangin galing sa kanya. Bumuka ang pakpak niya ng pagka-laki laki at humampas-hampas iyon sa hangin. Mas lalong nagdidilim ang paligid na nasakop na ako nito.

Ang mga mata niya ay nangitim lahat, miski ang paligid ng iris ay nangitim na rin. Nagsilabasan ang mga ugat niya sa mukha, leeg, braso at iba pang bahagi na nakikita ko. Nakabuka rin ang kanyang bibig at kitang-kita ko kung gaano katalas ang mga ngipin niya na parang ngipin ng pating sa tulis. Nagsitaasan rin ang mga buhok niya na tila'y lumilipad sa ere.

Mas kinilabutan ako sa nakikita ko, nakakatakot. Lalaki ako, hindi ako matatakutin, pero ngayon lang ako natakot ng ganito. Sa nakikita ko ba naman ngayon, sinong hindi matatakot?

I start to pray silently, hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong magawa kundi tumayo dito sa harapan nito at magdasal sa isip.

"AHHHHHHHHH!!!!!!!!!!"

Tumili siya ng napaka tinis at lakas sabay ng paglipad niya papunta sa akin. Sa isang iglap ay nasakal na niya ako at inangat sa ere. Sinubukan kong tanggalin ang kanyang malamig na kamay sa aking leeg ngunit 'di ko magawa.

Mamamatay na ba ako?

"DON'T YOU DARE TO—"

Nahulog ako sa pagkakasakal niya kaya napa-upo ako sa sahig.

"DON'T YOU DARE TO LEND YOUR HAND ON HIM AGAIN, ZANDRA."

Napatingin ako kay Zandra kuno, may kalmot na siya sa kanang bahagi ng pisngi niya. Tatlong kalmot at nagdurugo iyon. Masama ang tingin niya kay Zeil na nasa gilid ko lamang.

Ang anyo naman ni Zeil?

Ganun din, nagbago rin siya ng anyo tulad ng pinakita niya sa aking isipan. Ang ngayon lang, nagbabaga ng apoy ang paligid namin at sa tingin ko sa kanya galing 'yon. Ang init, sobrang init. Siguradong mapapaso ako kapag dumikit ako sa apoy.

Ngumisi naman si Zandra."You really want to get out from our hell?"nakangiaing tanong niya kay Zeil.

"Tss, I'm not belong there Zandra."

"But you live there for a hundred years!"

"So? I don't want in that hell anymore."

"You can't! Our god's said that you need there!"

"But his God told me that I'm not suit in your world."nakangising sagot ni Zeil.

Ako naman litong-lito, hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Kung tungkol ba saan o ano, gusto kong sumingit. Pero ayaw bumuka ng bibig ko para magsalita.

"YOU CAN'T DO ANYTHING TO LEAVE! I'M GONNA KILL HIM!"

Lalapit na sana sa akin si Zandra ngunit tinakpan siya ni Zeil gamit ang mga malalaking pakpak niya at humarap sa akin. Nagulat nalang ako nung lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang magkabilang gilid ng leeg ko.

Mas inilapit niya pa ang kanyang mukha hanggang sa mahdikit ang aming mga labi. Sobra akong nagulat, nakakatawang isipin pero ito ang unang halik ko, at sa imortal pa galing.

Wala akong nagawa kundi isara ang mga mata ko, parang nauubusan ako ng inerhiya. May hinihigop siya galing sa loob ng katawan ko. Dinig ko naman ang pagsigaw ni Zandra sa likod niya. Kumikirot rin ang kaliwang bahagi ng leeg ko na parang may gumuguhit doon.

"DAMN! HOW CAN I KILL HIM NOW IF HE TURNED IMMORTAL TOO?!"

Napadilat ako agad ng mga mata at nakasalubong ko ang mata ni Zeil, halos maduling ako sa sobrang lapit namin. Magkadikit pa nga ang mga labi namin. Doon ko naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Naramdaman kong may kakaiba sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko tsaka tumugon sa mga halik niya.

What's happening to me?

AND WHAT?! TURNED I-IMMORTAL? M-ME?

Am I turned to immortal? Like them?

___________________________________________________________
__________

Juiceko po, masyadong pang-demonyo 'yung sinusulat ko. Baka mamaya dalawin pa ako ng demonyo dito. •﹏•

Hindi talaga ako sanay magsulat ng hanitong klaseng story, pero pinilit ko para sa inyo. Hehe, kasi naman nagdadalawang isip pa ako kung itutuloy ko 'yung na-build ng isip ko. Lalo na't madasalin tao ang pamilya ko, HOHO tapos magsusulat ako ng ganito? Mala-demonyo? Huhu!

Pero fiction lang naman 'to eh, 'di true to life kaya okay lang. Keribels ko na 'to, basta may magbabasa. ::>_<::

Anyway, nagustuhan niyo po ba 'tong chapter na 'to? Sinong kinilig? Sinong natakot? Haha. ≧﹏≦

Vote and Comment po please! Need ko po ng comments niyo, and also vote para masaya. \(^O^)/

My Immortal Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon