Chapter 5: Unbelievable

18 1 1
                                    

R A V E N

Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko ngayon.

"Z-Zeil.."nauutal na nasambit ko.

Hindi niya ako nilingon bagkus ay nakaharap lang siya kay Fardo. Nasa harap ko siya habang nakatalikod pero kilalang-kilala ko ang postura niya. Hindi ko makita ang mukha niya.

Paano siya napunta dito? Hindi ko naman nakitang pumasok siya sa pintuan.

"At sino ka naman?! Syota mo ba 'tong si Raven? Aba magaling pumili, maganda at mukhang may kaya—"

Napasinghap ako habang nanlalaki ang mga mata ko. Tumabi ako sa gilid para makita kung anong nangyari kay Fardo. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko.

"Ahhh!! P*ta! Paano 'yun nahulog sa kamay ko?! Ahhh!!"

"Fardo?! Anong ginawa mo sa asawa ko babae ka!"nagtungo si Lyn kay Fardo ng bihis na.

"P-Paano nangyari 'yan?"nauutal na tanong ko at tumingin kay Zeil na ngayon ay nakatingin naman kay Lyn. Walang emosyon ang mga pulang mata niya, wala akong mabasa.

Nakatusok ang itak sa paa ni Fardo. Agos lang ng agos ang dugo mula doon. At parang baon na baon hanggang sa sahig. Puro pulang dugo ang nasa sahig. Daing lang ng daing si Fardo dahil doon, parang pati ang buto niya ay na-itak.

Isang malaking tanong. Paano nangyari 'yon? Hawak-hawak 'yon ni Fardo, alanganamang itusok niya iyon sa sariling paa?

Hindi kaya si...

"Ahhhhh!!!!"

Napatingin ako sa gawi ni Lyn nung sumigaw siya. A-Ang kaliwang mukha niya, nasusunod. Hindi niya magawang hawakan iyon at tili lang siya ng tili sa sa sakit na nararamdaman sa kanyang mukha.

"A-Anong nangyaya—"

"Let's go."

Nagulat ako nung magsalita siya. Hindi ko namalayang hinatak na niya ako palabas ng bahay at palayo doon. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nagyayari. Ano nga bang nangyayari?

Na-itak ang paa ni Fardo.

Nasusunog ang kaliwang mukha ni Lyn.

Nagsalita si Zeil, at hinahatak niya ako ngayon.

Nananaginip ba ako?

Hindi, totoo 'to. Ambilis ng tibok ng puso ko, habang hawak niya ang kamay ko, may naramdaman rin akong kuryente. Kakaiba ang tibok ng puso ko kumpara sa tuwing magtatama ang paningin namin.

Ang babaeng kinatatakutan sa dorm building namin, kasama ko at gamit ang malamig niyang kamay ay hawak niya ang sa'kin. Ang babaeng kulay pula ang mata ay kasama ko ngayon. Ang babaeng misteryoso ay kasama ko ngayon, at hindi ako nananaginip.

Huminto siya sa paghila sa akin. Humarap siya sa'kin at nagtama ang paningin namin.

"I did that, all of that."

Unbelievable, I can't really believe from what happening right now.

My Immortal Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon