Chapter 13: With Siblings

22 1 0
                                    

R A V E N

"Hi Ate Zeil ko si Lisa, ang bunso!"

"Ako naman po si Lei."

"Ako si Lohr at ang kakambal ko naman ito si Luhr."

"Lira po."

"Leil naman po ako."

"Leton naman po ako."

Nagpakilala ang mga kinikilala kong kapatid kay Zeil. Nasa damuhan kami kung saan sila nahlalaro, malinis naman dito. Napansin kong malinis silang lahat, at maayos ang damit.

"Nice to meet you all."lumapit siya sa'kin at bumulong."Madadagdagan pa sila, your step mother is pregnant."

"How did you know?"

"I just know,"kibit balikat niyang sagot.

Iba talaga 'tong babaeng 'to, ayaw pang sabihin kung bakit. Napa-iling iling nalang ako habang nakangiti. Ano kayang magiging pangalan? Siguradong L na naman 'yun.

"Kuya! Nagbago na sila Mama at Papa, hindi na nila kami sinasaktan."sabi ni Lei.

"Talaga? Mabuti naman."ngiting sagot ko.

"Hindi na rin madalas mag-utos si Mama, hindi na niya pinaglalaba si Ate Lei. Tapos si Papa, nagta-trabaho na,"sabi naman ni Leil."Hindi ko alam kung bakit nagkaganun sila, pero masaya ako kasi nagbago na sila."nangiti niyang dagdag.

Napatingin naman ako sa katabi ko na walang reaksyon. Nagbago na sila Lyn at Fardo, at alam kong dahil iyon sa ginawa ni Zeil. Akalain mo 'yun, tuturuan lang pala ng leksyon para magbago. Tsk.

"Kamusta naman ang pag-aaral? Baka puro laro lang kayo ah."

"Hindi kaya Kuya! Laging may star sa braso si Lisa."pagmamalaki ni Lisa at pinakita ang braso niya na mat tatak na stars.

"Ako naman Kuya top 1 sa amin!"pagmamalaki naman ni Leil.

"Kami ni kambal, best in math. Nagmana kami sa'yo Kuya!"

"Ako naman Kuya, pagdasal mo na sana maging Valedictorian ako sa grade six. Malaki daw ang chance ko sabi ng adviser ko."sabi naman ni Lei.

"Ako Kuya lagi akong nasasali sa spelling quiz bee, lagi akong nananalo!"si Lira.

"Ako naman Kuya, syempre may katulad rin ako sa kanila meron din. Magaling akong mag-drawing, kaya nananalo ako sa Poster making."si Leton.

"Masaya ako at lahat kayo ay nagsisipag sa pag-aaral."sabi ko sa kanila.

Lumapit sa akin si Lohr at tinuro ang leeg ko."Kuya gusto ko nyan, lagyan mo rin ako nyan."

"Ako rin Kuya! Ang astig."

Napahimas naman ako doon at bahagyang sumulyap kay Zeil na nag-iwas ng tingin. Muli akong tumingin kala Lohr at Luhr."Pag malaki na kayo pwede na kayong mag palagay ng ganito, at pag nagkaroon rin kayo ng girlfriend tulad ni Ate Zeil niyo."ngiti-ngiti kong sabi.

"Talaga?"

"Saan po kami makakahanap ng katulad ni Zeil?"

"W-Wag niyong pansinin niyang Kuya niyo. Tato lang 'yan."palusot ng katabi ko. Tinignan niya ako sa masama.

Natawa ako at inakbayan siya, inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya."Pigilan mo, baka masunog ang mga kapatid ko."bulong ko sa kanya.

Bumulong rin siya pabalik."Mamaya ka sa'kin, susunugin ko lahat ng damit mo."

Napangisi naman ako."Susunugin mo? Lahat? Edi wala akong susuotin, baka gusto mo lang makita ang katawan ko?"

"Damn.You.Raven."madiin niyang sambit nung nailayo ko na ang mukha ko. Kita ko naman ang pamumula ng buong mukha niya, pikon na 'yan.

Bago niya pa masunog ang damuhan, kinuha ko parehas ang kamay niya at ikinulong sa palad ko. Syempre mas malaki ang kamay ko sa kanya. Masama ang pinupukol niyang tingin pero nginingitian ko lang siya. Haha.

Tumagal pa kami ng mga ilang oras sa damuhan. Nagkwentuhan at nagtawanan. Mga nakakatawa ang mga kwento ng mga magkakapatid. Lahat sila may karanasan sa school nila. Napansin kong nakangiti lang si Zeil at tumatawa rin, pero hindi siya sumasali sa usapan.

Bago kami umalis, pupuntahan muna namin sina Lyn at Fardo. Kakamust-ahin ko, tsk. Buti nalang talaga nagbago na sila, at gusto kong makita 'yon. Baka maabutan ko na naman silang ginagawang milagro. Pero kung sabagay, buntis si Lyn ayon kay Zeil.

"A-Anong g-ginagawa n-niyo rito?"nauutal na tanong ni Fardo. Naka-suot siya ng pang construction worker.

"Mabuti naman at may trabaho ka na at naalagaan niyo na ng mabuti ang mga anak niyo. At nandito ako para kamustahin kayo ng step mother ko."sabi ko sa kanya. Nakatingin siya sa'kin, sumusulyap din siya kay Zeil at napapalunok. Tinignan ko ang paa niya, mukhang ayos naman.

"B-Bakit k-kailangan kasama pa siya?"tukoy niya kay Zeil.

Humakbang naman paabante si Zeil at nagpa-kruss ng mga braso."I see no problem about being with him here Mr. Fardo,"sagot ni Zeil."Why? Are you afraid of me? I can do it again if you want, not just your foot but your neck."malapad na ngiting dagdag niya.

Napa-atras naman si Fardo."W-Wala na kaming ginagawang masama, m-maayos na rin ang p-pakikitungo namin ng asawa ko sa m-mga anak namin."natatakot niyang sambit.

"O sige,"singit ko at hinawakan sa braso si Zeil."Alis na kami, Tito."huling sambit ko bago umalis ng bahay kasama si Zeil.

Tito naman talaga ang tawag ko sa kanya ng labing-isang taon. At Mom naman kay Lyn, pang-mayaman? No, nung bata kasi ako tawag ko sa tunay kong Ina ay Mama, gusto ko siya lang ang tinatawag kong Mama. Kaya Mom ang tawag ko kay Lyn.

Napansin ko namang napatigil sa paglalakad si Zeil kaya tumigil din ako. Tumingin ako sa kanya. Hawak niya ang ulo niya at nakapikit. Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan sa magkabilang braso.

"Ayos ka lang? Anong nangyayari sa'yo?"nag-aalalang tanong ko.

Dumilat naman siya at umiling, umayos siya ng tayo at tinanggal ang kamay kong nakahawak sa braso niya."A-Ayos lang ako, ambilis mo lang maglakad. Tss."

"Akala ko pa naman kung ano na."

___________________________________________________________
_________

Two chapters left!!!

Owemji, may matatapos na naman akong story. Short nga lang, pero at least story pa rin. ↖(^▽^)↗

Ngayon pa lang, nagpapasalamat na po ako sa pagbabasa niyo po. Please Vote and Comment po, thanks po. Nilalamon na ako ng po. 😂

Vote and Comment!

My Immortal Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon