Chapter 8: Forever

25 1 1
                                    

R A V E N

"Uy Rave! Kanina ka pa nakatulala."

Nabalik naman ako sa katotohanan ng bigla akong paluin ni France sa braso. Tinignan ko siya ng masama.

"Oh? Alam mo bang mag-lilimang minuto ka ng tulala? Iiwan kita dito sige ka."sabi niya pa habang nagliligpit ng gamit.

Napabuntong hininga nalang ako at niligpit ang gamit ko. Hindi pa rin ako makapaniwala dahil sa nangyari kah-pon, pero walang dahilan para hindi ko siya paniwalaan.

Totoo siya. Totoo 'yung mga nakita ko.

*Poke*

"Ayan ka na naman,"sabi niya matapos sundutin ang pisngi ko."Tell me, anong problem? Love life ba? Wala pa rin? Ligawan mo na kasi ako!"pabirong sabi niya na tinawanan ko.

"Ayan ka na naman, hindi mo ba ako titigilan dyan sa 'love' na 'yan?"

Huminga siya ng malalim at tumabi sa tabing upuan ko."Alam mo kasi, sayang gwapo mo! 'Di ba magtu-twenty one ka na? Wala ka pa ring girlfriend, baka forever na 'yan."iling-iling niyang sabi.

Oo nga 'no, sa susunod na buwan kaarawan ko na. Pero hindi iyon ang iniisip ko.

"Walang forever or walang katapusan sa tagalog,"sabi ko at tinap ang ulo niya."Pero merong habang buhay."

"Ano sa english ng 'habang buhay'?"

"Ever lasting life? When I'm alive? Ewan, basta ang alam ko magkaiba ang salitang 'forever' sa 'habang buhay'."

"Oo na po,"natatawang nasabi niya."Magsasara pala 'to ng one week, kaya bukas sabi ni manager maaga ibibigay ang salary natin."

Napatango naman ako. Anong gagawin ko ng isang linggo sa dorm tuwing gabi? Tatambay? Kung pumunta kaya ako sa mga kapatid ko? Kamustahin ko sila Fardo at Lyn, ano na kayang nangyari sa mag-asawa na 'yun na nahuli kong gumagawa ng milagro. Tss.

L

umisan na kami ng coffee shop. Ako naman ay umuwi na. Dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga sa aking kama.

Hindi ko siya nakita kanina, bale hindi ko pa siya nakikita pagkatapos nung nangyari kahapon. Nakakaba-ding pero napaginipan ko ang nangyari kahapon kanina. 'Yung mga naka-itim at may dugo sa mukha. Kaya pawis na pawis ako paggising, aaminin ko hanggang ngayon takot pa rin ako.

Kinuha ko ang libro sa gilid at binuklat iyon, hindi pa naman ako inaantok. Kanina, niyaya ako ni Rafael pagdating ko kung gusto ko sumama sa kanya mag-bar. Hindi naman ako umiinom, at hindi rin ako pumupunta sa ganoong lugar kaya tumanggi ako.

Hindi ko sinabi kay Rafael 'yung mga nalaman ko at nasaksihan ko. Baka sabihin niya, baliw ako. O kaya naman may gawin siyang masama kay Ziel.

Ilang minutong lumipas habang nagbabasa ako, may kaluskos akong naririnig. Ibinaba ko ang libro ko at tumingin sa paligid, wala naman kong napansing kakaiba kaya ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.

*Shhrrrkkkssshhhrrrkkk*

What the heck is that noise?

Tumayo ako at umalis sa kama. Napatingin ako sa pader, at doon nanlaki ang mga mata ko.

GO TO MY ROOM

Nakasulat sa pader gamit ang kulay pulang dugo. Lumapit ako doon, balak ko pa sanang hawakan kaso hindi ko nagawa. Napalunok ako ng ilang beses bago lumabas ng kwarto. Mukhang alam ko kung sino ang gumawa non.


Hindi ko namalayan nandito na ako sa tapat ng pintuan niya. Inangat ko ang kamay ko para maabot ang seradura ng pintuan. Napalunok pa ako bago dumikit sa palad ko ang door knob.

Tama ba 'to? Papasok sa kwarto ng babae? Mag-isa?

Mali pala, papasok sa kwarto ng babaeng imortal? Mag-isa?

May kasama kaya siya dito? Malamang wala, dahil wala naman akong nakikitang pumapasok dito kundi siya lang.

My Immortal Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon