R A V E N
Two weeks passed. Ambilis 'no?
Oo, dalawang linggo na ang nakalilipas matapos ang nangyari. At bukas kaarawan ko na.
Hindi naman ako excited tulad ng iba, anong gagawin ko sa kaarawan ko? Magsasaya? Hindi naman ako masaya tuwaing kaarawan ko, hindi ako nagce-celebrate. Tuwing kaarawan ko, itinuturing kong normal na araw lang 'yon.
May nagbago matapos ang pangyayaring iyon. Matapos ng pangyayaring iyon, nagbalik na sa normal ang lahat. Pati sa anyong tao niya. Ang kwarto niya, nasusunog talaga 'yon, pero kaya niyang ibalik sa dati.
Hindi na nawala ang tatak sa aking leeg, parang naging tattoo na siya sa leeg ko. 'Di tulad ng kay Zeil na natatakpan ng buhok niya ang tatak sa leeg kaya hindi nakikita. Tinanong ako ni Rafael tungkol dito, sabi ko nagpa-tattoo ako kahit hindi naman. Napansin niya nga ring magkasama kami ni Zeil, kaya tinutukso niya ako.
"Uyy, nililigawan mo na ba 'yon?"
"Hindi, magkaibigan lang kami."ngiting sagot ko no'n.
Ngumisi naman siya."Sabi mo 'yan ah."
Aaminin kong nagugustuhan ko na siya. Wala naman sigurong masama kahit hindi siya tao katulad ko 'di ba?
Naging mas malapit kami ni Zeil. Lagi ko siyang kasama tuwing mag-isa ako. Kapag nasa University, sabay rin kaming kumakain. Minsan, nagpapaturo siya sa math. 'Di nga ako makpaniwala. Akala ko matalino siya, may kahinaan rin pala.
Math.
"Uh, I don't get it."sabi niya at binitawan ang ballpen, sumimangot pa siya.
"Hindi ka naman 'ata nakikinig."sabi ko at sinara ang libro.
Nagsalubong ang kilay niya."Hey, I'm listening. . .hindi lang kaya ng utak ko."narinig kong bulong niya.
Natawa naman ako ng mahina at ginulo ang buhok niya."Bakit ka pa nag-aaral?"
"Bawal bang sumabay sa'yo? It's kinda boring in your world."
"Edi bumalik ka sa mundo niyo."
"Hell no,"
"Ano bang ginagawa niyo do'n?"tanong ko at tumabi sa upuan niya.
Nasa library kami, tahimik at dito rin kami madalas sabay mag-aral. Tsaka, kapag dito kami nag-usap, walang makakarinig.
"Fight and kill,"sagot niya ng hindi ako nililingon."But it's not my business there. Ako lang ang naiiba sa kanilang mga imortal, kaya ayoko do'n."
"Paano mo nasabing iba ka sa kanila? Parehas lang naman kayo 'di ba? May pakpak, may sungay, may sign ng demonyo."
"Naiiba ako, napansin mo ba kay Zandra? Purong itim, ang isang katulad niya ay imortal ng kadiliman. At puro gano'ng uri ng imortal sa mundo na tinirhan ko ng ilang daang taon. Ako lang ang naiiba, kaya kong manunog, magpadanak ng dugo kahit saan at ako lang ang may kayang mag-marka."tumingin siya sa'kin."Katulad ng ginawa ko sa'yo."
Siya lang pala ang naiiba sa mundo 'yon."Alis na tayo."yakag ko at tumayo.
"Where we going?"tanong niya.
"Unm, sa mga kapatid ko. Matapos nung ginawa mo kala Lyn, hindi na ako nakadalaw do'n."
"Tss, okay."
******
"Wahh! Kuya!!"
Sumalubong sa akin si Lisa na yumakap sa mga binti ko. Nag-squat naman ako sa harap niya para mayakap siya.
"Kuya bakit ganun? Ang tagal mong 'di pumunta."nakangusong sambit niya. Napansin ko namang malinis siya, may tsinelas na at malawak ang ngiti.
Tumingin naman siya sa tabi ko."Sino 'yan Kuya? Girlfriend mo?"tanong niya.
Natawa naman ako bago ko siya buhatin."O sige, kunyare girlfriend ko siya. Anong sasabihin mo?"
"Tss, Raven."dinig kong bantang sabi ni Zeil.
"Hi Ate, ang ganda mo po ang ganda rin ng eyes mo. Red, favorite color ko! Masaya ako ikaw naging girlfriend ni Kuya!"masiglang sabi niya kay Zeil.
Ngumiti naman si Zeil sa kanya at pinisil ang pisngi nito. Uh, hindi ko inaasahang gagawin niya iyon, akala ko hindi siya matutuwa sa sinabi ni Lisa. Ayaw niya raw ng pinupuri at inaasar, pfft.
"Thank you, ikaw naman cute. Pero hindi ako girlfriend ng Kuya mo."poker face niyang sabi.
Napa-iling nalang ako at ibinaba si lIsa. Tumakbo naman siya, pupuntahan niya raw ang mga kapatid niya. Naramdaman ko namang umiinit 'yung braso ko.
Pagtingin ko si Zeil, hawak 'yung braso ko habang naka-poker face pa rin."Hahaha, nagbibiro lang naman. Kunyari lang naman 'di ba?"
"Tss, forget it."tapos nauna na siyang maglakad paabante.
Minsan ganyan 'yan, kapag inaasar ko. Napipikon, nag-iinit 'yung ulo. Hindi lang 'yon, minsan nanununog siya ng bagay na makikita niya. Nag-iinit lang siya kapag gano'n, kasi malamig ang katawan niya kapag normal lang. Natatawa nalang ako, minsan napaso ako dahil sa kapikunan niya. Nag-sorry naman, nakaktuwa nga eh. Ang isang katulad niya, magso-sorry.
Nangiti naman akong sinundan siya.
I really like her and I think I'm falling in love, but it hurts to remember what'd she said last time.
"A Immortal Devil's like me do not have heart."
Does it mean, she cannot love?
BINABASA MO ANG
My Immortal Devil [COMPLETED]
Short Story"I need your soul and your life." "Then take it, take my heart too. I'm all yours." Kaya ko bang ibigay ang akin buhay, para sa kanya? Para sa taong mahal na mahal ko? Gusto ko siyang 'mamuhay' ng masaya sa 'mundong' ito. Hope that she'll remember m...