R A V E N
Ipinihit ko ang door knob at dahan-dahan iyong binuksan. Humakbang ako papasok sa loob. Napalunok ako nung kusang sumara ang pintuan. Hangin ba 'yon?
Tinignan ko ang kabuuan ng sala niya. Walang ka kulay-kulay, puro itim, gray, dark brown. Kulay itim ang wallpaper, wala man lng na makulay na gamit ang nakalagay sa paligid hindi tulad ng karaniwang mga babae.
"In my bedroom."
Halos matisod naman ako sa mabagal na paglalakad ng may marinig akong bumulong sa tenga ko.
Wait, bedroom? What the-
Tsk! Don't think to much Raven. Dahil 'ata 'to kala Lyn at Fardo kaya ganito 'yung pumapasok sa isip ko.
Nagawa niya akong bulungan mula sa malayo, kakaiba talaga. Pwede sana kung imortal lang, pero may demonyo pa. Tsk, kaya 'ko natatakot medyo.
'Yun nga, at nagtungo ako sa nag-iisang kwarto dito. Kulay itim ang pintuan, at may disenyong tatsulok na may mata. Uluminati?
"Come in."
Muling bumulong sa aking kaliwang tenga si Zeil. Oo sa kaliwang tenga lang, nagtataka nga ako kung bakit sa kaliwa lang.
Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa loob. Sa una wala akong nakita, pero may naramdaman akong presensya sa likod ko. Hindi na ako na-supresa kung sino iyon dahil alam siya 'yon.
"A-Anong kailangan mo?"Kinakaba-hang tanong ko sa kanya.
Naglakad siya pa-abante at humarap sa akin ng nakapikit. Hindi siya naka uniform, isang mahabang bistida na kulay itim ang suot niya, halos sumayad ito sa sahig.
She's cute yet scary, may bangs pa siya. Hindi ko alam kung magiging cute ba siya o nakakatakot sa itsura niya. Tsk, ano ba naman 'tong pinagsasabi ko.
Idinilat niya 'yung mga mata niya kaya sumalubong na naman sa akin ang mga pulang mata niya.
"Stay here, I'll get my book."
Kisap mata, nawala na agad siya sa paningin ko. Napakurap pa ako ng ilang beses na akala mo isang beses niya lang iyon ginawa sa harap ko.
Book? Ano naman kayang libro 'yon.
Tulad ng sinabi niya, dito lang ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Nilibot ko nalang ang paningin ko sa kwarto niya. Hindi ko siya matatawag na simple.
Puro itim at pula ang laman ng kwarto niya. 'Yung kama niya, kulay itim, bed sheet, unan pati kumot. May folwer base siya sa gilid ng bintana. Kulay itim ang vase, ta's may kulay pulang rosas, nag-iisa. Nilibot ko pa ang paningin ko, 'yung mga pader wala man lang litrato niya ang nakalagay, pero meron isang ukit pula sa pader.
Demonyo talaga siya? May tatsulok at mata sa gitna, tsk. Nagsisimula na akong matakot dito, ako lang mag-isa sa kwarto ng imortal na demonyo.
"SO YOU'RE THE ONE WHO'S ZEIL BRIDGE?"
I thought, I am alone.
Tumass ang mga balahibo ko ng marinig ang kakaibang boses. Parang nag-eecho na nagcra-crack ang boses niya. Galing iyon sa harap ko. Oo sa harap ko, kaya kita ko ang isang babaeng imahe sa harap ko.
Tulad ni Zeil na pinakita sa akin, nay pakpak siyang itim. Naka-itim rin siyang bistida, nababalutan siya ng dilim na aura sa paligid niya. Maha-bang kulot ang kanyang buhok hanggang bewang. Kulay itim ang labi at mata, meron rin siyang tatak ng uluminati, pero sa pisngi naman ang kaniya. Hindi tulad ni Zeil na may pulang kulay sa katawan, siya puro kadiliman lang.
So you're the one who's Zeil bridge?
So you're the one who's Zeil bridge?
So you're the one who's Zeil bridge?
So you're the one who's Zeil bridge?
Zeil's bridge? Anong ibig sabihin niya? Atsaka sino siya?
Napalunok ako ng mariin hanggang sa maubos ang laway sa aking bibig at lalamunan. Napako na ako sa aking kinatatayuan, hindi ko maigalaw ang aking paa. Kahit gustong-gusto ko ng umalis dito hindi ko magawa.
Is she a another immortal?
God, help me. I'll pray all the prayers that I know, just help me on this.
BINABASA MO ANG
My Immortal Devil [COMPLETED]
Short Story"I need your soul and your life." "Then take it, take my heart too. I'm all yours." Kaya ko bang ibigay ang akin buhay, para sa kanya? Para sa taong mahal na mahal ko? Gusto ko siyang 'mamuhay' ng masaya sa 'mundong' ito. Hope that she'll remember m...