Chapter 15: In The Name Of Love

29 1 1
                                    

R A V E N

"Birthday mo ngayon ah! Bakit ka pa pumasok?!"taas kilay tanong sa akin ni France.

"Batiin mo nalang kaya ako?"

"Kyahhh!!" Niyakap niya ako."Happy birthday Rave! Wala kang celebration? Debut mo ngayon!"masiglang sabi niya at humiwalay sa yakap

Umiling ako."Hindi na kailangan no'n."

"Owws, nakita kita kanina may kasamang babae. Girlfriend mo nuh?"panunukso niya.

"H-Hindi, kaibigan ko lang 'yon."umiwas ako ng tingin, nakakailang 'yung ngiti niya. Nanunukso.

"CONGRATS! hahahaha, may chemistry kayo."

"Hindi ko nga girlfriend 'yun, at sa science may chemistry sa'min wala."

"Panira ka talaga! Pasalamat ka birthday mo ngayon, libre mo ko milk tea!"

"Oo na, ang hyper mo talaga."

Ayun, nilibre ko siya. Tatlong taon na akong nagta-trabaho dito, at kapag tuwing birthday ko laging nagpapa-libre 'yan si France.

Pagkatapos kong magtrabaho, umuwi na agad ako. Pagbaba ko ng bisekleta ko ay naramdaman kong nagvi-vibrate ang cellphone ko. Sinagot ko naman iyon.

"Mom?"

["R-Raven.."]

"Anong kailangan mo?"tanong ko habang naglalakad papasok ng building.

["Happy Birthday, patawarin mo ako sa lahat ng ginawa at sinabi ko sa'yo. Maniwala ka o hindi, itinuring kitang tunay na anak."]

Totoo ba 'to?

Napahinto nalang ako sa paglalakad."Matagal ko na kayong pinatawad, sa mga anak mo ikaw humingi ng tawad."

["Raven naman,"]

"Oo nga, pakisabi sa kanila sorry kasi hindi ako nakapunta dyan."

["Binisita mo ba sila?"]

"Hindi,"

["Bakit hindi?"]

"Hindi ko kaya."

["Hay nako bata ka."]

"Sige na Mom, ingat ka alagaan mo 'yang nasa tyan mo."

["Sinabi ba sa'yo ni Fardo?"]

"Hindi, bye."sagot ko at pinatay na ang tawag at pinagpatuloy ang paglalakad.

Tinutukoy niya kung pumunta ba ako sa puntod ng mga magulang ko. Bakit naman ako pupunta do'n? Kaarawan ko, at ayokong malungkot. Malungkot na nga ang buhay ko, pati ba naman ngayon? Ayoko, atsaka hindi ko kaya. Tanggap kong wala na sila lalo na ang Tatay kong tarantado, pero hindi ko sila kaya makitang nakalagay doon.

Napahinto ako sa paglalakad ng may marinig akong umiiyak na babae. Sa pagkakaalam ko ay si Zeil lang ang naririnig ko kahit nasa malayo. Tumingin ako sa paligid at umangat ang tingin ko. Napatakbo nalang ako at sumakay ng elevator, umakyat pa ako ng hagdaan papunta sa roof top.

My Immortal Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon