Kinabukasan...
Pagkagising ko ay parang may yumayakap sa akin kaya napalingon ko ay nasa tabi ko pala natulog si Nathan. Ang akala ko ba ayaw niya matulog na katabi ako tapos ngayon dito siya natutulog sa kama.
Dahan-dahan kong tinatanggal ang braso niya sa pagkayakap sa akin. Pagkaalis ay bumangon na ako dahil gusto ko na munang kumain ng almusal.
"Saan ba ako kakain?" Nagiisip ako at lumabas na sa kwarto. "Ang mahal kasi ng kinain namin kagabi kaya hindi ko kaya doon at saka wala akong pera ngayon."
Nathan's POV
Pagkagising ko ay wala na si Andy sa tabi ko, tiningnan ko ang banyo pero wala siya doon. Nasaan naman kaya pumunta ang babaeng iyon? Nagsuot na ako ng shirt dahil hindi ako nakakatulog pag meron. Excuse ko lang ang sinabi ko sa kanya na hindi ako sanay matuloy na may katabi.
"Hello?"
"Where the hell are you?"
"Kumakain. Gutom na kasi ako kaya hindi na kita inabalang gisingin."
"Just tell me where the hell are you, Andy."
"Sa kinainan natin kagabi."
"Don't leave there dahil pupunta ako diyan." Binaba ko na ang tawag at kinuha ang wallet ko dahil paniguradong wala siyang pangbayad sa mga kinain niya lalo na marami siyang inoorder.
Pagkarating ko ay napanganga ako dahil sobrang dami niyang inorder. Kaya ba iyon ng isang tao lang? Grabe ang takaw ng bata nasa sinapupunan niya.
"Nandito ka na pala." Tuloy pa rin siya kumakain. Kung hindi ko lang alam buntis siya baka isipin ko na ilang taon na siya hindi kumakain. Patay gutom kumbaga. "Kain ka na."
"No, I'm still full."
Paano ako makakain nito? Mukhang mauubos pa ang dala kong pera dahil sa kanya.
"Ikaw bahala basta ako magpapabusog."
"Grabe ka pala magutom. Ako ang kawawa nito mamaya."
"Anak mo naman ito."
"Yeah." Nakangiting tugon ko dahil hindi ako makapaniwalang may anak na ako at siguradong lagot ako nito pag nalaman ni mama nakabuntis ako. At humihikab na lang ako dahil inaantok pa ako ngayon.
"Mukhang inaantok ka pa ah."
"Ang likot mo kasi matulog kagabi kaya hindi ako makatulog ng maayos."
"Ako? Malikot? Hindi kaya ako malikot matulog."
"Anong hindi? Hindi ka nga makumpante sa pwesto mo kagabi kaya niyakap na lang kita para tumigil ka na sa kakalikot mo." Nakita ko ang pagkagulat niya. Niyakap ko talaga siya para tumigil. Siya yata ang hindi sanay na may katabi at saka ayaw ko naman matulog sa sofa, no! Ang sakit kaya ng leeg at likuran ko noong natulog ako doon. Mabuti pa kung sofa bed yun pero hindi, eh.
"Ganoon ba? Sorry. Di bale pagbalik natin doon ka ulit matulog."
"Huwag na. May trabaho pa ako kailangan asikasuhin ngayon. Ilang araw na akong hindi pumasok dahil sa honeymoon na ito."
"Nasa honeymoon tayo tapos magtatrabaho ka." Tinasaan ko siya ng isang kilay bago tumawag ng waiter para sa bill na kinain ng babaeng ito. Ginagawa ko lang ito para sa anak ko.
"Mamayang hapon ay uuwi na rin naman tayo kaya wala na akong oras para tapusin ito. Bukas na ito kailangan."
Nang nandito na kami sa airport para makabalik na ay marinig akong putok, putok ng isang baril.
"Ano iyon?" Tanong ni Andy.
"Shhh..." Pinayuko ko siya at nagtago kami sa mataas na harang. Sumilip ako kung saan galing ang putok na iyon. Ang daming guard ang natumba sa sahig at sigurado akong wala na silang buhay.
"Don't leave me here, Nathan." Bulog niya. Alam kong natatakot si Andy dahil sa nangyayari dito sa airport.
"Don't worry, I will protect you." Sabi ko habang tinatawagan ang number ni Luke at mabuti na lang sinagot niya agad.
"Napatawag ka."
"Luke, I need your help. May mga armadong lalaki ang nagambush dito sa airport at wala pa naman akong dala na kahit ano." Bulong ko para wala makarinig.
"Shit. Okay, tatawag ako ng private plane para pumunta diyan. Huwag kayo aalis diyan ng asawa mo."
Binalik ko na sa bulsa ng pantalon ko ang phone ko at tumingin kay Andy na ngayo'y nanginginig sa takot.
"Nathan, natatakot ako." Sabi nito. Halata naman pero ang sabi niya sa akin dati ay wala siyang kinakatakutan tapos ngayon natatakot siya.
"Hush... I'm right here. Hindi kita hahayaan mapahamak." Niyakap ko siya para mabawasan ang pagnginginig niya. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana dinala ko na lang yung baril ko sa bahay. Sabagay simulang pimanganak kami ay hindi na talaga normal ang mga buhay namin, sino ba naman ang magiging normal kung ang ama niyo ay isang mafia?
Naramdaman ko ang vibration mula sa bulsa ko kaya kinuha ko agad yung phone.
"Nandito na kami. Tingnan mo muna kung hindi sila nakatingin sa direksyon niyo." Utos ni Luke kaya dahan-dahan ako tumitingin sa kanila.
"We're safe. Sa ibang direksyon sila nakatingin."
"Okay. Good. Habang hindi sila nakatingin sa direksyon niyo ay tumayo na kayong dalawa diyan." Tumango ako kahit hindi naman ako nakikita ni Luke kaya tumingin na ako kay Andy para hawakan ang kamay niya.
"When I count of three, tumakbo ka na."
"Paano ka?"
"Don't worry. Susunod ako sayo at mahalaga ay ligtas ka."
"Talagang magkapatid kayo ni Ethan. Kahit hindi niyo sabihin mahal niyo sila ay iyon ang sinasabi ng mga kilos niyo."
"Shut up, Luke." Nagsimula na ako magbilang hanggang tatlo at pinatakbo ko na si Andy. "Shit, Andy tumakbo ka na habang hindi sila nakatingin dito."
"Hindi kita kayang iwanan."
"Don't mind me, susunod ako mamaya sa inyo kaya puntahan mo na si Luke.." Tumakbo na rin si Andy palayo sa akin kaya sumilip na muna ako kung may nakatingin. Nang makita ko hindi pa rin sila nakatingin ay yun na ang tyempo para sumunod hanggang may narinig akong putok ng baril. Shit!
"Nathan!"
"Nathan! Hoy, Nathan! Shit."
Nagising na lang ako sana isang kwarto na ako pero puti ang paligid. Tumingin ako sa paligid hanggang makita ko si Andy na may kausap na doctor.
Mabuti na lang ligtas siya...
At mukhang nandito ako ngayon sa ospital.
"Mabuti gising ka na." Napatingin ako sa kanya at halata sa mukha niya ang pagaalala. Nagaalala ba siya sa akin. "Natakot ako noong binaril ka ng isang armado noon at mabuti na lang dumating agad si mr. Marcello."
Kasama ni Luke si Gio? Kung hindi dumating si Gio paniguradong nilalamayan na ako ngayon.
"Sana hindi maulit ang nangyari noon dahil natatakot talaga ako. I almost lost you, Nathan because you've been in coma for almost three weeks." She said as she lay down her head on my body but I heard her groan in pain.
"Hey. What's wrong?" May pagaalala sa boses ko pero hindi niya ako sinagot hanggang may dugo ako nakitang tumutulo sa kanya. "Shit. Andy!"

BINABASA MO ANG
Hate At First Sight
RomanceMafia Sequel Present: Hate At First Sight Paano pala nagkagusto ka sa anak ng isang board member? Pero ang problema ay kinaiinisan ka niya at wala siyang gusto sayo. Susuko na ba agad? O ipagtuloy mo lang? Meet Nathaniel Andrada ay isang pasaway, ma...