Habang naglalakad ako ay nakita ko si Ethan na may hawak na bulaklak. Sino naman kaya ang bibigyan niya ng bulaklak? Baka dadalawin lang niya ang puntod ni Ariana ngayon.
Nakita ko rin kasama niya ang mga bata. Mukha ngang bumalik na sa dati ang kapatid ko. Masaya na rin ako para sa kanya.
"Hello?" Sagot ko noong tumawag si Luke sa akin.
"Nathan, may gusto rin pumatay kay Rex Carter sa loob ng kulungan."
"What?! Musta na siya?" Nagtiim ang bagang ko sa inis. Kung sino man itong gagawa para patayin sila.
"Nilason siya kanina kaya nasa ospital siya ngayon."
"Fuck, sino naman ang gagawa nito para patayin sila? Una si Ariana tapos si Colt ngayon si Rex." Sumakay na rin ako ng kotse ko para pumunta sa warehouse namin. Hindi na nga rin ako makapag trabaho ng maayos dahil iniisip ko ang nangyayari. Akala ko okay na ang lahat dahil naipakulong na namin si Rex Carter pero hindi pala.
Pagkarating ko sa warehouse ay deretso ako sa security camera room kahit tinatawag ako ng iba kong kaibigan.
Hindi ako titigil sa paghahanap hanggang hindi ko makita kung sino ang mastermind nito.
"Damn it!" Ginulo ko ang aking buhok dahil wala akong makita na kahit anong ebidensya.
"Nathan?" Namilog ang mga mata ko noong marinig ang boses ni Ethan. Lumingon ako sa kanya. "Ano ang ginagawa mo rito sa loob?"
"Ethan, sorry kung hindi namin sinabi sayo ang ginagawa namin dahil ayaw namin mapahamak ka."
"I understand, bro. Kaya lang naman ako pumunta dito ngayon para pakita sa inyo itong text natanggap ko five years ago." Inabot niya sa akin ang kanyang phone at binasa ko lahat na text galing sa unknown number.
"Pwede natin i-trace ang number nito para malaman kung sino nasa likod."
"Tutulungan na kita para mapadali ang trabaho." Tumango na lang ako kay Ethan.
Kumunot ang noo ko dahil isa lang ang lumalabas na resulta. Ang Hank Trevor na iyon pero patay na siya ngayon dahil sa inutusan ni Luke ang miyembro ng golden dragon na patayin siya.
"Sino naman itong Hank Trevor?" Tanong ni Ethan sa akin.
"Ethan, huwag ka mabibigla ah. Siya ang assassin pumatay kay Ariana."
"What?!" Nakita ko ang pagtiim ng bagang niya sa galit.
"Pero inutusan ni Luke patayin siya noong inatake niya ang ospital ni Colt noong isang araw."
"Ibig sabihin ba nito hindi lang si Yana ang target niya?"
"Yes. Sa tingin ko target niya rin ngayon sina Colt at Rex. Ang sabi ni Luke kanina ay nasa ospital ngayon si Rex dahil nilason ito."
"Fuck! Kapatid siya ni Yana kaya kailangan ko siyang puntahan sa ospital."
Hindi na nga ako nakapagsalita noong lumabas na si Ethan sa security camera room ng warehouse ng golden dragon.
Sa tingin ko hindi lang nagiisa ang Hank Trevor na iyon. May kasabwat pa siya ibang assassin ngayon. Kaya agad ko kinuha ang phone ko para tawagan si Luke.
"Napatawag ka, Nathan."
"Luke, sa tingin ko hindi lang nagiisa si Hank Trevor para patayin sila Rex. May kasabwat pa siya pero hindi ko alam kung sino."
"Iyan din ang iniisip ko ngayon. Hindi naman malalason si Rex Carter kung wala siyang kasabwat na pwedeng makapasok sa kulungan para magpanggap na isang prisoner o pulis."
Hindi talaga ako titigil hanggang wala akong makukuhang ebidensya kung sino ang may gawa nito. Isang professional assassin ang kalaban namin ngayon.
Paguwi ko sa bahay ay umupo na muna ako sa sofa dahil sa sobrang frustrated ako ngayong araw. Wala pa rin kasi ako nakikitang ebidensya.
"Papa!" Nakita ko ang pagtakbo ni Amaris papalapit sa akin at pinaupo ko siya sa kandungan ko.
"Nandito ka na pala, Nathan." Ngumiti ako kay Andy. Ayaw ko kasi kasi siya magaalala sa ginagawa namin ngayon. Lumapit na rin siya sa akin sabay halik sa labi ko. Isang smack kiss lang ang ginawa niya. "Mukhang pagod ka ngayon."
"Yeah, ang dami kasing ginagawa sa kumpanya." Bumaba na si Amaris para guluhin ang maid namin.
"Sa akin ka pa talaga magsisinungaling, Nathan. Tumawag ako kanina at sabi ni Miggy ay hindi ka daw pumasok ngayon. Malalagot ka sa akin pag nalaman kong may iba kang babae."
"Wife, limang taon na tayong kasal tapos magiisip ka pa ng ganyan ngayon."
"Saan ka ba kasi galing? At hindi ka pumasok."
"Sa warehouse. Nalaman kasi namin hindi lang si Ariana ang target ng killer. Nabalitaan ko kay Luke may naglason kay Rex kaya nasa ospital siya ngayon."
"My God! I hope he's okay. Eh, doon sa isa nilang kasamahan?"
"About Colt ay may inutusan na si Luke na bantayan siya habang hindi pa ligtas ang buhay niya. Kung hindi kami pumunta doon noong isang araw ay baka patay na rin siya ngayon."
"Nathan, mangako ka sa akin." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay sabay tulo ng luha niya. "Magiingat ka sa ginagawa niyo ah. Ayaw kong mawala ka sa amin ni Amaris."
"Wala naman mangyayari masama sa akin." Pinunasan ko ang luha niya gamit ang hinlalaki ko at hinalikan ko siya sa labi pero biglang tumunog ang phone ko. Tsk. Isturbo.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa para alamin kung sino ang isturbo at nakita ko ang pangalan ni Ethan. Bwesit!
Pagbukas ko sa phone ko ay isang video ang pinadala niya. Kaya mas lalong kumunot ang noo ko dahil may isang babae siya binibigyan ng bouquet at bungisngis ng mga bata ang naririnig sa background.
"Hindi ba si Ethan iyan? Hindi ko alam may nililigawan na pala siya ngayon. Sabagay, limang taon na rin noong namatay ang asawa niya at kailangan na rin niya ng babaeng makakasama niya para sa mga anak niya."
"Wala akong ideya may nililigawan si Ethan. Wala siyang binanggit sa akin kanina noong nagkita kaming dalawa."
Mapatawagan nga si Ethan ngayon para asarin siya.
"I think hindi si Ethan ang nagpadala ng video na yan."
"Isa sa mga triplets panigurado, wife. Wait lang ah. Tatawagan ko lang si Ethan ngayon." Dinial ko na ang number ni Ethan at wala pang isang ring ay sinagot na niya.
"Bakit?"
"Ano itong video natanggap ko kanina?"
"Anong video? Shit, I have no idea kumuha ng video si Agatha." Mukhang wala siyang ideya sa video na iyon.
"Hindi mo naman sinabi sa akin may nililigawan ka na pala. Sino siya?"
"She is Mona, bro. Siya ang tumutulong sa akin bantayan ang mga bata habang wala ako sa bahay. Eh, mahal siya ng mga anak ko at mahal niya rin ang mga bata. Kaya naisipan kong kailangan ko nga talaga ng babaeng tutulong sa akin sa mga bata."
"I'm glad you found someome."
"Yeah. At mukhang tama rin ang sinabi niyo sa akin noon na kailangan ko ng makakasama sa buhay."
"I'm so happy for you."
"Thanks, bro."
~~~~
Comment and press ☆ to vote
BINABASA MO ANG
Hate At First Sight
RomanceMafia Sequel Present: Hate At First Sight Paano pala nagkagusto ka sa anak ng isang board member? Pero ang problema ay kinaiinisan ka niya at wala siyang gusto sayo. Susuko na ba agad? O ipagtuloy mo lang? Meet Nathaniel Andrada ay isang pasaway, ma...
