Chapter 20

1.4K 43 0
                                    

Habang nasa ospital ako dahil nanganak na si Andy sa first baby namin ay nalaman kong namatay pala ang asawa ni Ethan noong isang araw. Ang sabi ni Luke sa akin ay may bumaril daw kay Ariana.

"Wife, sorry kung kailangan ko umalis agad." Paghingi ko ng paumanhid kay Andy.

"Bakit? Saan ka pupunta?" Karga niya ngayon ang baby namin na si Amaris.

"Namatay si Ariana noong isang araw kaya gusto ko puntahan si Ethan ngayon."

"Oh God! What happened?"

"Hindi ko pa alam. Inaalam pa ang nangyari sa pagkamatay ni Ariana at sino ang may gawa nito sa kanya."

"Tatlo pa naman ang anak nila."

"No, wife. Nagdadalang tao ang asawa niya kaya nga hanggang ngayon ay nandito pa rin ang bunso nila para obserban."

"Kawawa naman ang kapatid mo. Sige puntahan mo na siya."

Hinalikan ko na muna sa labi si Andy bago lumabas sa hospital room para puntahan si Ethan sa kanila. Pagkarating ko sa bahay niya ay nakita kong magulo ang bahay nila at nilalayo ng mga babysitter yung triplets kay Ethan.

Sinabi sa akin ng isang babysitter na palaging naglalasing si Ethan at sinabi niya rin sa akin nasa kusina ngayon ang amo nila kaya pumunta na ako ngayon sa kusina. Nakita ko ang pagkakalat ng mga bote sa sahig at may hawak pang isang bote si Ethan.

Nakikita ko kung gaano kamahal ni Ethan si Ariana.

"Ethan." Tiningnan ako si Ethan pero sa nakikita ko ay sobrang lungkot niya. Bigla na lang siya umiyak.

"N-Nathan..." Lumuhod ako sa harapan ng kapatid ko. Naawa ako sa kanya ngayon. "H-Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Sirang sira na ang buhay ko. Sumunod na lang kaya---"

"Damn, don't say that! Kung mawawala ka, paano na ang mga anak niyo?! Sa tingin mo ba matutuwa si Ariana kapag iniwanan mo sila?! Ethan, magisip ka!" Hindi ko mapigilan ang inis ko sa sinabi niya. "Kapag nagpakamatay ka malulungkot si mama... Ako. Mga kaibigan natin."

"H-Hindi ko na alam. Hindi ko na kayang mabuhay pa. Without Yana, my life is a mess."

"You have a children, Ethan. Even they lost their mother but they need you to support them. Alam ko hindi mababalik ang buhay ng asawa mo kaya pangako tutulungan kita mahanap ang may--"

"It's my fault." Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Paano naman naging kasalanan mo?"

"Kung hindi ko pinayagan si Yana na lumabas ng bahay ay sana buhay pa rin siya at kasama pa namin ng mga bata."

"Hindi mo alam na ganito ang mangyayari, Ethan. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo."

Hindi ko pinapakita kay Ethan naawa ako sa kanya dahil kilala ko ang kapatid ko. Ayaw na ayaw niyang kinakaawaan siya.

"No matter what happen nandito lang ako. Kung kailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako." Pinulot ko na yung mga bote nasa sahig at nilagay ko sa isang tabi.

"Salamat, bro pero alam ko naman may pamilya ka na ngayon."

"Kahit may sarili na akong pamilya pero kapatid pa rin kita, Ethan."

Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil kung kulang ang dala kong pera para sa project kahit mayaman naman kami pero madalas ako nagiipon ng pera ko ay palagi ako pinapahiram ni Ethan ng pera niya para lang sa materials na kailangan kong bilihin para sa project ko. Kahit alam niyang may ipon ako pero ang palagi niyang sinasabi sa akin...

"No, you have to save your money. Ako na bahala sa mga gastusin mo."

"Pero Ethan ang dami ko ng utang sayo. Hindi ko na alam kung paano--" Sinapok ako ni Ethan pero hindi naman ganoon kalakas.

"Silly. Hindi naman ito utang para bayaran mo. Simple lang naman ang gusto kong gawin mo ang magaral ng mabuti para may magandang trabaho ka paglaki mo."

"Kapag ikaw naman ang may kailangan ng tulong nandito lang ako." Ngumiti lang sa akin si Ethan.

Kahit minsan ay nagaaway kaming dalawa dahil pareho kaming lalaki kaya mayroon rin hindi nagkakaunawaan sa isa't isa.

"Remember when I told you before? Kapag ikaw naman ang may kailangan ng tulong ay nandito lang ako."

"Thanks, bro. Gagawin ko ang lahat para mga anak ko. At tama ka kailangan nila ako dahil sila ang kawawa kapag nawala ako sa murang edad nila."

"Ang bunso niyong anak ni Ariana ay inoobserbahan pa ng mga doctor."

"I know dahil napaaga ang panganak sa kanya at maliit pa niya saka mahina pa. Paano mo pala nalaman ang tungkol dito? Wala akong pinagsabihan tungkol dito ah."

"You can't hide anything from mr. Lucas Terence Jackson, Ethan. Siya ang nagsabi sa akin kanina ang tungkol kay Ariana."

Tumango lang siya sa akin.

"Have you seen my child?"

"Not yet. Anak ko pa lang ang nakikita ko dahil dinala siya kanina sa kwarto ni Andy."

"Gusto ko pa naman malaman ang gender niya."

"Bakit hindi mo puntahan sa ospital?"

"Bukas na lang siguro. Medyo masakit ang ulo ko ngayon."

Inom pa more...

Tumayo na ako at tinulungan ko na siyang tumayo. Ang bigat ni Ethan.

"Pahinga ka na, Ethan para bukas ay mabisita mo na si baby niyo."

"Ano pala gender ng baby niyo ni Andrea?"

"Girl. And we named her Amaris."

"Sino kamukha?" Tanong nito pero nakasandal lang siya sa counter.

"Siyempre ang mommy niya. Kaya paglaki ni Amaris ay kasing ganda ni Andy. Sana hindi mamana ni Amaris ang pagiging moody ni Andy." Narinig ko ang pagtawa ni Ethan.

"Buntis, eh. Kaya moody siya."

"Kahit hindi buntis si Andy ay moody palagi. Hindi nga iyan ngumingiti noon at palagi pang galit sa mundo."

"Dahil hindi ka pa niya nakilala noon. Tingnan mo ngayon halatang masaya siya sa tuwing kasama ka niya."

"Masaya rin naman ako sa tuwing kasama ko siya. She is my light for my future."

Sana makahanap rin ng babae si Ethan na handa maging pangawalang ina para sa mga anak niya.

"Sige alis ka na baka hanapin ka pa ng asawa mo."

"Alam naman niyang pupuntahan kita pero kung mapilit ka... Sige, balik na ako sa ospital."

~~~~~

Comment and press ☆ to vote

Hate At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon