Chapter 16

1.4K 44 0
                                    

Pagkagising ko ng kinaumagahan ay bumaba na ako pero nakita ko si Nathan nagluluto ng almusal.

"Gising ka na. Good morning." Binigyan niya ako ng isang mabilis na halik sa labi bago bumalik sa harap ng kalan. "Gutom ka na? Matatapos na ako magluto."

"Wala ka bang pasok ngayon?"

"Meron and I already called Miggy na mahuhuli lang ako ng pasok ngayon."

"Alam ko kasi may meeting ka pa kasama ni mr. Jackson." Sabi ko. Inalam ko talaga ang mga schedule ni Nathan and I asked his assistant kung hindi busy ang schedule ng amo niya ay sabihan na maaga niya umuwi. Hindi ko rin kaya mawala si Nathan kahit isang sekundo lang, eh. Kung pwede lang bantayan ko itong asawa ko sa opisina niya ay matagal ko ng ginawa.

"Mamaya pa naman iyon ng lunch at huwag mo na hintayin mamayang gabi. Mauna ka na kumain at matulog na rin ng maaga." Bilin niya sa akin. Para siyang tatay nagbibilin sa anak. Alam ko naman bawal sa akin ang magpuyat.

"Okay. Basta umuwi ka ng maaga ah."

"I'll try. Marami pa kasi akong gagawin sa kumpanya pagkatapos ng meeting ko." Nilagyan niya ng pancake ang plato nasa harapan ko. Pancakes! "Kain ka na. Ayaw kong magutom kayo ni baby."

Ngumiti ako dahil lalo naging sweet si Nathan simulang inamin niyang mahal niya ako. Hindi nga mawala sa isip ko ang nangyari talaga iyon kahapon. May tao pa rin pala ang kayang mahalin ang isang katulad ko. Akala ko hindi bagay sa akin ang may happy ending sa buhay.

"Sana sa kabuwanan ko wala kang gagawin. Gusto kong kasama ka."

"Okay. Kakausapin ko si Miggy na ayusin ang schedules ko para wala akong gagawin sa buwang iyon."

Pagkatapos kumain ay nasa banyo si Nathan para maligo kaya inasikaso ko na ang susuotin niya ngayon. Narinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa banyo kaya napatingin ako, shit! Umiinit ang buong katawan ko pag pinagmamasdan ang basang katawan ni Nathan kaya umiwas na lang ng tingin. Sana hindi niya mapansin iyon.

"What's wrong, wife?"

"W-Wala. Hinanda ko na pala yung susuotin mo." Lumapit ako sa kama para ilagay doon ang susuotin niya pero iniiwasan ko ang tumingin sa kanya. Malakas ang epekto sa akin ang sexy niyang katawan.

"Thank you." Nagulat ako noong hinalikan niya ako sa may tenga at kinagat kagat rin iyon. Anong problema ni Nathan?

"N-Nathan, baka mahuli ka na kung hindi pa aalis." Sabi ko sa kanya at ito na ang pagkakataon kong umalis sa kwarto baka hindi ko na kaya ang init nararamdaman ko ngayon.

"Bakit ka aalis, Andy? Malakas ba ang epekto ko sayo?" Inirapan ko na lang siya bago lumabas ng kwarto. Sabay tawa niya rin. Ang sama talaga ni Nathan.

Nakita kong bumaba na siya ng hagdanan. Paalis na siguro siya.

"Call me if you need something. Kung may pagkain kang gustong ipabili, don't hesitate to call me. Si Miggy ang papapuntahin para ipadeliver sayo." Tumango ako sa kanya kaya hinalikan niya ako labi bago umalis ng bahay.

Umupo na ako sa sofa para manood ng tv pero wala magandang palabas ngayon. Siguro naman may mga collection si Nathan na movies. Kaya pumunta ako sa opisina niya rito sa bahay then silip silip sa paligid baka kasi dala niya yung laptop niya at ang swerte ko dahil hindi niya dala. Umupo na ako malapit sa desk niya at binuksan ko na ang laptop pero nagulat akong wala man lang password ang laptop. Hindi yata uso password kay Nathan pero mas kinagulat ko noong nakita ko yung wallpaper ni Nathan sa laptop. Ito yung picture namin noong kinasal kami. Hindi ko alam may ganitong picture siya.

Baby, mahal talaga tayo ni daddy, no? Kung hindi naman tayo mahal ay hindi ito ang wallpaper niya sa laptop.

Napangiti na lang ako at nagsimula na akong maghanap ng magandang movies dito. Aba, hindi ko alam Marvel fan pala si Nathan. Kumpleto siya sa movies, simulang Iron Man hanggang Black Panther.

Nagsimula na akong mag-movie marathon. Wala na ako magagawa dahil ito lang naman ang nakalagay sa laptop niya. Okay na ito kaysa wala ako mapanood.

Napatingin ako sa oras. Hala, lagpas na pa lang lunch. Hindi ko man lang napansin ang oras kaya pinause ko na muna yung movie at bumaba pero wala rito si Mau, yung maid. Wala akong choice kundi ang tawagan si Nathan.

"Hello, wife?"

"Gusto ko ng nakakain pero wala si Mau rito."

"But it's already past one at ngayon ka pa lang kakain?"

"I know. Nagenjoy ako sa movies nasa laptop kaya hindi ko napansin ang oras." Ngumuso ako.

I heard him sigh from the other line.

"I will call Miggy para bilihan ka ng pagkain. Ano ang gusto mo?"

"Umm... Gusto ko sana ikaw pero alam ko naman busy ka ngayon kaya iba na lang." Alam kong namumula na ngayon si Nathan dahil sinadya ko talaga iyon sabihin sa kanya. "Ano na lang uh, burrito tapos strawberry ice cream."

"O-Okay, I will call Miggy. Ibaba ko na ito."

"I love you."

"I love you too."

Bumalik na ako sa itaas para ituloy ang pinapanood kong movie habang hinihintay na rin ang pagdating ni mr. Assistant.

Isang movie na ang natapos ko nang may narinig akong nagdoorbell baka iyon na si mr. Assitant kaya dahan-dahan ako bumaba ng hagdan saka binuksan ang pinto.

"Here's your burrito and strawberry ice cream, ma'am." May inabot na siyang plastic sa akin.

"Thank you." Kinuha ko na sa kanya yung plastic kaya lumayo na siya at nagpaalam na aalis.

Okay, balik na tayo sa panonood habang kumakain ng burrito. Hindi ako mahilig sa ganitong klaseng movie pero nagustuhan ko siya agad o baka naman bored lang ako at wala rin naman akong mapanood dito kundi ito lang na Marvel movies collection niya. Pagkatapos ko kainin yung burrito ay yung ice cream naman, tunaw na itong ice cream pero wala akong pakialam kung tunaw na siya.

"I'm home!" Narinig ko ang boses ni Nathan. Akala ko ba mamaya pa siya uuwi? Kaya ito inilis ko agad ang mga kalat ko baka kasi magalit siya sa akin pero napatigil ako noong naramdaman ko ang presensya niya at tiningnan ko siya sabay ngiti. "Hindi ako magagalit sayo na pinakialam mo yung laptop dahil kung ano ang gamit ko ay gamit mo rin. You are free to use my laptop basta wala kang gagalawin na importanteng files diyan."

"Movies lang naman ang gusto ko, eh."

"You can download all movies you want to watch. Sa folder kung saan mo nakita yung pinapanood mo ay dooon mo ilagay but not the same folder ng collections ko ah." Sabi niya. Ang ibig sabihin ni Nathan huwag ko ilagay doon sa Marvel movies collection niya kasi pagkabukas mo ng folder ay may isa pang folder doon nakalagay Marvel.

"Hindi ko alam ginawa mong wallpaper yung kinasal tayo."

"Of course, ikaw ang inspiration ko sa trabaho."

Kinikilig ako.

~~~~

Wala pa daw HD ang Infinity War kaya wala pang copy si Nathan. 😂

-Skye

Comment and press ☆ to vote.

Hate At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon