Nathan's POV
Three months later...
Bumuntong hininga na lang ako dahil sobrang miss ko na si Andy kasi pagkalibing sa papa niya ay doon na rin siya umalis. Ni hindi nga sinabi sa akin kung saan siya pupunta. Siguro ayaw niyang puntahan ko siya and I respect her desicion. Nang umamin siya sa akin noon ay natuwa ako that's why I didn't reject her dahil tumatagal ay nahuhulog na rin ako sa kanya kaya kung kailangan niya ng tulong ko ay nandito lang ako palagi sa tabi niya.
"Nathan, gusto ko ikaw ang magiging best man ko ah." Sabi ni Ethan sa akin, tumango ako sa kanya. Ikakasal na kasi sila ni Ariana at alam na ng ibang tao tungkol sa relasyon nila unlike me. Walang may alam na kasal na rin ako katulad ni Ethan.
"Sure. Kailan ba ang kasal?"
"This May. Malapit na rin kasi managanak si Yana sa triplets." Tumango ulit ako sa kanya pero bigla ako nalungkot dahil namiss ko ng sobra si Andy ngayon. "Is there something wrong, bro? Love life?"
"Baliw ka talaga. Paano na lang kung iwanan ka ni Ariana pero hindi niya sinabi sayo kung saan siya pupunta? Ano ang gagawin mo?" Tanong ko sa kanya kaya kumunot ang noo nito sa akin.
"I respect her descision, Nathan. Handa ako maghintay na bumalik siya sa akin kung kami ba talaga ang para sa isa't isa." Tumango na lang ako sa kanya. Tama naman ang naging desisyon. "Why did you asked?"
"Nothing." Sabi ko sabay irap sa kanya.
"Come on, Nathan. Kilala kita kaya alam kong may tinatago ka."
"Wala. Okay? Narinig ko lang sa ibang empleyado ko sa problema niya kaya napapaisip lang ako."
"Fine, hindi na kita pipilitin kung ayaw mong sabihin sa akin." Sabi nito bago umakyat sa taas. Nandito na kasi sila nakatira ngayon ni Ariana simulang pinakilala ulit siya ni Ethan sa amin.
Pero alam niya na may tinatago ako dahil sa mga kinikilos ko ngayong araw. I don't feel Andy's presence in my office dahil sanay na ako na doon siya lagi tuwing umaga pero ngayon I feel so empty.
Sana nga lang bumalik na siya.
"Good afternoon, sir." Bati sa akin ni Miggy. Late na ako pumasok ngayon dahil wala naman ako gagawin. Wala rin akong meeting ngayon. Tinanong ko kasi si Miggy sa schedule ko and he said it's my free day.
"Seems like you're happy today."
"Yes, sir. Oh by the way, you have a visitor today and I let her inside of your office. She's waiting for you almost three hours."
"Okay. Thank you." Walang gana kong tugon. Sino naman kaya ang bisita ko ngayon? Wala naman akong inaasahan. Pagkabukas ko ng pinto ay laking gulat ko kung sino. Nakaupo siya ngayon sa swivel chair na may ngiti sa mga labi niya. "Kailan ka pa nakabalik?"
"Three hours ago. Dumeretso ako rito pagkabalik ko ng bansa. Did my husband missed me?"
"Sobra. Do you know how I feel if you are not around? I feel so damn empty, wife." Tumayo na siya para yakapin ako.
"I missed you too." Ngumiti ako sa kanya dahil bumalik na talaga siya. "I asked your assistant at ang sabi ay wala kang gagawin ngayong araw."
"Yep. Kaya nga late na ako pumasok ngayon."
"Can we go on a date?" Napakurap ako. Siya pa talaga ang nagyaya sa akin ah.
"Parang may mali." Anong parang mali? Talagang mali sa sinabi ko. "Dapat ako nagtatangong sayo niyan."
"Alam ko naman hindi mo ko tatanungin para magdate tayo kaya ako na lang."
Natawa ako sa sinabi niya. She has a point.
![](https://img.wattpad.com/cover/150999796-288-k709504.jpg)
BINABASA MO ANG
Hate At First Sight
RomanceMafia Sequel Present: Hate At First Sight Paano pala nagkagusto ka sa anak ng isang board member? Pero ang problema ay kinaiinisan ka niya at wala siyang gusto sayo. Susuko na ba agad? O ipagtuloy mo lang? Meet Nathaniel Andrada ay isang pasaway, ma...