Special Chapter

1.5K 33 0
                                    

Nakahanap na rin ako sawakas ng impormasyon tungkol sa gustong pumatay kay Colt at Rex. Kaya lumabas na ako sa secury cameron room at mabuti na lang nandito na ang iba ko pang kaibigan maliban kay Ethan. Gusto abala iyon sa girlfriend. I haven't met her pero sa sinabi pa naman sa akin ni Ethan noon ay mahal ng babae ang mga anak niya.

"Here." May inabot ako sa kanila na isang kopya nakuha ko kanina.

"Ano ito?" Tanong ni Luke.

"Tingnan niyo para malaman niyo kung ano iyan." Sabi ko naman sa kanila. Until I received a call from my beautiful mother. "Excuse me."

Lumayo ako sa kanila para sagutin ang tawag ni mama.

"Napatawag po kayo, mama?"

"Gusto ko lang kamustahin ka, Nathaniel."

"I'm fine. Busy lang po ako sa work kaya hindi na ako masyado nakakabisita diyan."

"Exactly. Kaya gusto ko pumunta kayo dito mamayang gabi. Ethan and the kids are coming too."

Himala yata makakapunta na ulit si Ethan sa family dinner namin. Simulang namatay kasi si Ariana ay hindi na siya sumasama.

"Okay po. I will tell Andy about the family dinner tonight."

"Good. Iyon lang ang tinawag ko. Always take care of yourself, Nathaniel." Binaba na ni mama ang tawag niya kaya bumalik na ako sa iba.

"Kailan niyo gagawin ang misyon?" Tanong ko sa kanila.

"Maybe tonight. Mabuti nga nahanap mo rin anv location kung saan sila pupunta mamayang gabi." Sagot ni Luke.

"Sorru, I can join with you. Tumawag kasi si mama at may family dinner gaganapin sa bahay."

"It's okay, insan. Magsasama na lang kami ng ibang miyembro ng golden dragon to find the mastermind."

Andy's POV

Nandito lang ako sa bahay habang nilalaro ang anak namin ni Nathan na si Amaris. Sa limang taong gulang ng batang ito ay hindi siya pasaway karamihan sa mga bata na makikita. Mabait at masurin si Amaris.

"I'm home!" Narinig ko ang boses ni Nathan kaya tumakbo si Amaris papalapit sa kanya.

"Papa!"

"Hey, baby." Kinarga ni Nathan ang anak namin at tumingin siya sa akin sabay ngiti. "Hi, love."

"Ang aga mo naman umuwi ngayon."

"Miss lang kita." Hinalikan niya ako sa labi kaya nakarinig ako ng bungisngis ni Amaris. "Ikaw, baby, you also want a kiss from papa?"

"Yes!" Masayang sagot ni Amaris at hinalikan na nga ni Nathan sa pisngi.

"By the way, wife, tumawag si mama kanina at sinabi niyang magkakaroon ng family dinner mamayang gabi. Kaya magasikaso na tayo."

"Pupunta rin ba ang kapatid mo doon?"

"Yes. Dahil iyon ang sinabi ni mama sa akin habang kausap ko siya."

"Okay. Magaasikaso na kami. Amin na si Amaris."

"Ako na bahala kay Amaris. Ayaw ko naman mahirapan ka ngayon." Napangiti na lang ako sa kanya. Iniisip lang naman ni Nathan na buntis ako kaya mahihirapan akong asikasuhin si Amaris.

Kahit limang taon na kaming kasal ni Nathan ay hindi pa rin siya nagbabago. And I'm so thankful to have a husband like him.

Pagpunta namin sa bahay ng mga magulang ni Nathan ay sinalubong kami ng mama niya. Kahit wala akong kinilalang ina ay naging mabuting biyenan naman si mama Kris sa akin.

"Hi, mama." Hinalikan ni Nathan ang pisngi ng kanyang mama.

"Hello po."

"Granny!" Lumapit sa kanya si Amaris sabay halik sa pisngi.

"Mabuti naka-- Oh my! Buntis ka, Andrea?"

Hindi na talaga maitatangging buntis nga ako ngayon dahil malaki na ang tyan ko.

"Yes po. Limang buwan na rin po akong buntis."

"Mabuti naisipan niyo pang sundan si Amaris ngayon." Napangiti na lang ako.

"Lola!" May narinig akong boses ng mga bata kaya lumingon ako sa likod.

"Nandito na rin pala sila Ethan."

"Hey, bro." Pagkakita ni Ethan kay Nathan bago pa siya humarap sa mama nila. "Hi, ma."

"I missed you, Ethan."

"Sorry kung pinagaalala ko kayong lahat noon but I'm fine now."

"Tara na sa kusina at naghihintay na sa atin ang daddy niyo." Alok niya sa amin.

Nauna na ang mga bata papuntang kusina pero may nakita ako babaeng kasama ni Ethan. Siya yung babaeng binigyan niya ng bouquet noong isang araw. Girlfriend na siguro niya.

"Lolo!"

"Grandpa!"

Sabay bumati ang mga bata sa kanilang lolo. Bigla ko namiss si papa. Kung nandito lang siya ay paniguradong matutuwa siya ngayon sa apo niya.

"What's wrong, wife?"

"Nothing. Bigla ko lang kasi namiss si papa ngayon." Ngumiti ako ng pilit kay Nathan. Kahit matagal na ay hirap pa rin tanggapin wala na si papa.

"It's okay. Alam kong hindi mapapalitan ang magpapamahal ng isang ama pero nangako ako sa kanyang aalagaan kita." Naiiyak tuloy ako sa hindi ko alam ang dahilan. Sa sinabi ba ni Nathan o sa hormones ko.

"Who is this girl with you, Ethan?" Tanong ni daddy Dex kay Ethan.

"She is Mona, my girlfriend." Pagpakilala ni Ethan sa kasama niya kaya tumawa ang mga anak niya.

"Hello po."

"I'm glad you found someome, Ethan. Hindi iyon ikaw lang gagawa ng lahat para alagaan ang apat niyong anak ni Ariana." Sabi naman ni mama Kris kay Ethan bago pa siya tumingin kay Mona. "Welcome to the family, hija."

"Napagisip na rin po kasi ako na kailangan ko na rin may kasama sa buhay. Tutulong sa pagalaga sa mga bata. The kids like Mona and she likes my children too."

"Let's eat."

Nagsimula na kaming kumain lahat pero siyempre hindi mawawala ang kwentuhan. Tinanong ng mama nila kung paano nakilala ni Ethan si Mona and Ethan told how they met. Siya pala yung nagaalaga sa mga bata habang wala si Ethan sa bahay. She's pretty.

"Nathaniel and Andrea, alam niyo na bang kung anong gender ang magiging anak niyo?"

"Yes po. Lalaki po ang magiging baby namin ni Nathan."

"Magkakaroon na pala taga pagmana ang kumpanya natin." Sabi ni daddy Dex.

"Dad, like what you did to us. It's their choice what they want to be. Ayaw ko naman po ipagpilit sa mga bata ang ayaw nila paglaki. Like Ethan you didn't force him to be a lawyer because he wants to be like you."

"Okay, young man. I get what you want to tell me."

"Ako pa ang ginawa mong example, bro." Natatawang sambit ni Ethan.

"Totoo naman, Ethan. Hindi ka pinilit ni dad maging lawyer."

"Son, kailan mo naman balak yayain magpakasal kay Mona?"

Narinig ko ang pagubo ni Ethan. Nasamid yata dahil sa tanong ni daddy Dex kanina.

"Dad, kakasagot pa lang sa akin ni Mona tapos kasal agad. Hindi naman po kami nagmamadali. More important she is with us." Nakikita na ang pagpula ng pisngi ni Ethan, especially Mona.

"Naging octopus na si daddy!" Narinig kong sambit ni Agatha.

"Octopus." Pag gaya sa kanya ni Yana ang bunsong anak nila Ethan.

Hate At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon