Chapter 17

1.5K 36 0
                                        

Nathan's POV

Pag tapos kong kausapin si Ethan noong isang araw ay gusto akong kausapin ni Luke ngayon kaya pumunta na ako sa warehouse dahil doon gusto ni Luke magusap kaming dalawa.

Pagkarating ko sa warehouse ay agad na akong pumasok sa loob at natanaw ko agad si Luke pagpasok ko.

"Ano ang kailangan mo sa akin, Luke?" Tanong ko pagkalapit sa akin kaya humarap siya sa akin.

"Drinks?" Mabilis akong umiling. Ayaw ko na mangyari ulit ang nangyari noon. Bigla ako nalasing kaa umiiwas na ako sa mga inumin. "Okay. Gusto ko lang naman malaman kung mahal mo ba talaga iyang asawa mo."

"Pati pa ba naman ikaw. Pagkatapos akong kausapin ni Ethan noong isang araw ay ikaw naman. Baka sa susunod si Gavin o Gio na ang magtatanong sa akin ah."

"Kilala ka namin, Nathan. Ikaw ang tipong mahilig sa mga babae pero hindi iyong papasok sa ganitong sitwasyon."

"Mahal ko si Andrea. Siya lang ang minahal ko simulang nagkahiwalay kaming dalawa noon."

Alam ni Luke naghiwalay kaming dalawa ni Andy pero hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay na dalawa.

"Laki ng pinagbago mo simulang nakilala mo siya."

"Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Ngayon pa ba na inamin ko na sa kanya ang tunay kong nararamdaman? Kaya hindi ko na kayang ipagtaboy ang asawa ko sa akin dahil kahit anong mangyari ay asawa ko pa rin siya kaya buo na desisyon ko. Magpapakasal ulit kaming dalawa sa simbahan."

"Imbitado na ba ang lahat?"

"Oo naman. Hindi na itong civil wedding."

"Kailan mo balak?"

"Magpropose na muna ako sa kanya at siguro yung kasal pagkapanganak na lang niya."

Patango tango pa siya sa akin.

Pagkatapos namin magusap ay dumeretso na ako ngayon sa kumpanya. Pagbukas ko ng pinto ng opisina mo ay nagulat akong may tao pala sa loob. Wala pa kasi si Miggy kaya wala nakapagsabi sa akin may tao pala rito.

"Dad?" Humarap sa akin si dad. "Ano po ang ginagawa niyo rito?"

"Gusto ko lang sabihin sayo na pinapupunta kayo ng mama niyo sa bahay dahil matagal na rin ang huling araw na magkakasama tayo ng buo."

"Family dinner?" Tumango sa akin si dad. "Dapat po tinawag niyo na lang ako at hindi na kayo magabalang pumunta rito."

"No, gusto ko na rin naman kamustahin ka kaya bumisita na ako."

"I'm fine, dad." Umupo na ako ngayon sa swivel chair. "Ang hirap pala ng ganito yung hatiin ang oras mo para sa trabaho at sa asawa mo."

"Hindi mo kailangan hatiin ang oras mo, Nathan dahil ang asawa mo ang first priority mo lalo na magkakaroon na kayo ng anak." Ngumiti ako kay dad. "Baka naman triplets rin ang anak niyo."

"Hindi po! Ayaw ni Andy na triplets dahil nakikita niyang nahihirapan sina Ethan at Ariana sa pagaalaga sa tatlo nilang anak."

"Wala na tayo magagawa dahil tatlo agad ang naging anak nila."

"Kaya nga po."

"Pero pwede ka ba this weekend? Para sa family dinner. Pwede mo rin isama ang asawa mo para makilala namin siya ng lubusan."

Saturday night...

Nang nalaman ni Andy na may family dinner ngayon ay nagalit sa akin dahil ngayon lang daw sinabi sa kanya. Nawala na kasi sa isip ko dahil busy sa meeting ko sa invetors.

Hate At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon