"Nathan, sorry kung sinama ko si Skye dito ah."
"Ano ba meron?" Tanong ni Skye kay Luke.
"Ayos lang. Asawa mo naman si Skye." Nakangiti ako sa magasawang ito kaya nga minsan naiinggit ako sa mga kaibigan ko dahil nagkatuluyan nila ang mga babaeng mahal nila. Kahit matanda si Luke kay Skye ng sampung taon ay hindi na nila iniisip iyon. Si Gio naman ay umalis sa pagiging gangster para kay Star. At si Gavin kahit kapatid nila Beryl sina Luke at Skye ay hindi na nila iniisip kung ano ang sasabihin ng ibang tao, it's kinda weird pero kung mahal mo... ipaglalaban mo. "As long as hindi niyo sabihin kila Gavin at Ethan."
"Bakit naman? Kaibigan niyo si Gav tapos kapatid mo naman si Ethan, Nathan."
"Kaya nandito sina Luke at Gio dahil sa kasal ko pero ayaw ko makaalam ang tungkol dito na kahit sino."
"Kaya naman pala."
"Stop asking any question, baby girl." Sobrang tagal na nila magkasama pero ang sweet pa rin nila. Nakakainis.
"Masama ba magtanong?"
"Hindi naman pero may mga bagay na hindi dapat tanungin dahil may tinatawag ngang privacy."
"Ewan ko sayo, Luke. Doon na nga lang ako kay Blood." Pagalit na umalis si Skye.
"Hirap rin minsan intindihin ni Skye." Napakamot na lang ng ulo si Luke.
Nakita ko na si mr. Valdez kasama si Andy kaya lumapit na ako sa kanila.
"Sir, sorry kung ganitong wedding ang mangyayari ngayon."
"No, it's okay. Sabi ko nga sayo na ikaw ang bahala kung anong klaseng kasal ang gusto mo. Mukhang ito ang gusto mong kasal. Simple at konting bisita."
Nakatingin ako kay Andy as usual poker face pa rin siya. Kailan ko kaya makikita ang ngiti ng babaeng ito? Bakit ba ako nagaassume sa ganoong bagay? Hayst...
Pagkatapos ng sermenonya ng kasal kahit simple lang ito dahil wala naman akong balak magpakasal na engrande.
"Now, you're my wife." Ngumisi ako sa kanya.
"Wife mo mukha mo." Hindi ko talaga gusto ang tabas ng dila ng babae ito. Tsk.
"Tandaan mo, Andy may nangyari na sa ating dalawa."
"Shut up!" Nakikita ko ang pagkapula ng kanyang pisngi. Cute. Kamatis o octopus.
"Kung gusto mo pwede naman kita pag---" Hindi natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ang bibig ko gamit ang dalawang kamay nito.
"Nathan, ang bibig mo ah. Tumigil ka na." Dinilaan ko ang palad niya kaya ngumisi ako. "Shit. Kadiri ka!"
"Arte mo." Hinawakan ko na ang isang kamay niya at naglakad.
"Saan mo ko dadalhin. HOY!"
"Sa kwarto para magpahinga na."
"Kailangan pa bang kasama ako? Kahit kasal na tayo ay alam ko namang sa papel lang."
"Yes, because I want to sleep with you."
"What?!" Napalingon ako sa kanya habang naglalakad.
"Masyadong marumi ang iniisip mo. Ang ibig kong sabihin ay gusto kong kasama kang matulog."
Andy's POV
Hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo. Hindi niya ako mahal at mas lalong hindi ko siya mahal pero may bunga, eh. Hindi ko rin masabi kay papa dahil hindi na siya papayag na maghiwalay kami ni Nathan. Kahit hindi ko gusto gawin ito ay ipapalaglag ko na lang.
Kinagabihan pagkagising ko ay wala na sa tabi ko si Nathan kaya bumangon na ako pero nakita ko siya nakahiga sa sofa at natutulog. Bakit siya sa sofa natutulog? Ang akala ko na gusto niya ako makatabi.
"Hoy, Nathan. Hoy." Tinutusok tusok ko ang taligiran niya.
"Hm..." Dumilat na ito saka tumingin sa akin. "Bakit?"
"Bakit diyan ka natutulog? Ang akala ko ba gusto mo ko makatabi matulog."
"Hindi ako kumportable may kasama sa kama kaya dito na lang ako sa sofa kaysa naman ikaw ang matulog dito."
"Sino na ngayon ang maarte?" Hinila hila ko ang braso niya para bumangon.
"Bakit ba? Nagugutom ka na ba? Tumawag ka na lang ng room service." Pagkabitaw ko sa braso nito ay humiga ulit siya.
"Nathan, buntis ako."
"What?!" Napabangon na naman siya dahil sa sinabi ko. "Seryoso ka ba diyan?"
"I'm always serious pero ngayon lang ako hindi magseseryoso. Kaya imposibleng buntis ako."
"Yeah, right. At saka hindi magandang biro iyang sinabi mo dahil wala sa plano ko ang magkaroon ng anak sayo." Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Tingnan mo ito kung alam mo lang ang totoo, Nathan. Buntis talaga ako pero ayaw ko naman sabihin sayo ang totoo dahil hindi naman talaga natin mahal ang isa't isa. Kailangan magisip ako ng paraan para matapos na itong kalokohan na pinasok mo.
"Bahala ka na nga diyan!" Lumabas na ako sa kwartong ito baka hindi ko na kayanin ang lahat.
"Hoy, saan ka pupunta?" Hindi ko na pinansin si Nathan dahil sinarado ko na ang pinto.
Paglabas ko ng hotel ay naglalakad ako magisa dito sa beach. Sarap ng simoy ng hangin at saka ang lamig. Nakalimutan ko magdala ng jacket dahil niyayakap ko na ang sarili ko sa sobrang lamig pag gabi hanggang may naglagay ng jacket sa akin kaya napalingon and I saw Nathan. Ano ang ginagawa niya dito? Sinundan ba niya ako? Hindi, hindi.
"Hindi ko kailangan ang jacket mo." Binalik ko sa kanya at tuloy pa rin ako sa paglalakad.
"Wear it. Giniginaw ka." Nilagay niya ulit sa akin ang jacket niya. "Kung hindi ka lang tanga na umalis ng hotel na walang dalang jacket."
"Wow ah. Kung mangiinsulto ka lang ay pwede bang manahimik ka na lang diyan." Sabi ko sabay irap sa kanya.
"Nasasaktan ka ba? Well, I didn't sorry for what I said."
"Can you please shut up!" Naiinis na ako sa lalaking ito pero ewan ko ba kung bakit sobrang inis ko sa kanya simula kanina.
"Ano ang problema? Bakit ka umiiyak?" Kita talaga sa mukha niya ang pagkagulat.
"Wala ka ng pakialam doon." Pinunasan ko na agad ang luha ko bago umalis dahil ayaw ko makita ang pagmumukha ng lalaking iyon kahit kailan. Hindi ko nga alam kung bakit ako pinaparusahan ni papa ng ganito. Hindi naman ako pwede humindi sa gusto ni papa dahil hindi ko pwede hindi sundin ang mga balak niya para sa akin. Ito yata ang pinaka ayaw ko naging desisyon ni papa para sa akin.
"Andy, teka nga lang." Hinawakan niya ang kamay ko kaya hinawi ko agad.
"Ano ba problema mo?!"
Oo mabilis uminit ang ulo ko pero mas lalong umiinit ulo ko pag kasama ko ang lalaking ito.
"Siguro naman wala mawawala sayo kung magkaayos man tayong dalawa. Siguro nga ayaw natin sa isa't isa pero para sa kagustuhan ng papa mo."
"Kagustuhan ni papa? Yes, I know. Kaya nga ito---"
"No, sa tingin mo ba papayag ang papa mo na ikasal ka ng ganoon ganoon? Na walang dahilan? Nangako ako sa kanya na hindi ko sasabihin sayo ang totoo."
"Ano iyon? Sabihin mo sa akin, Nathan!"
"Your father has a cancer. Stage four na at---"
"Hindi magandang biro iyan! Walang cancer si papa!"
"Maniwala ka man o hindi pero totoo ang sinabi ko sayo, Andy."
"B-Bakit hindi sinabi sa akin ni papa ang tungkol diyan?"
"Dahil siguro iniisip niya na huwag ka malungkot pag nawala na siya."
Kaya ba palagi niya sa akin noon. I have no valid reason kaya siya pumayag magpakasal sa akin, heto pala ang dahilan.
"Do you have any proof na may cancer si papa?"
"I don't have any proof pero kung ayaw mo talaga maniwala sa sinabi ko. Why you don't ask your father?"
BINABASA MO ANG
Hate At First Sight
RomansaMafia Sequel Present: Hate At First Sight Paano pala nagkagusto ka sa anak ng isang board member? Pero ang problema ay kinaiinisan ka niya at wala siyang gusto sayo. Susuko na ba agad? O ipagtuloy mo lang? Meet Nathaniel Andrada ay isang pasaway, ma...