"Ikakasal na rin siya." Sabi ni Luke sa akin. Nandito kami ngayon sa loob ng simbahan dahil nagbago ang isip ko. Magpapakasal ulit kami ni Andy bago lumaki ang tyan niya.
"Matagal na akong kasal, Luke. Pero ang mangyayari lang ngayon ay sa simbahan ang kasal at alam ng iba."
"Okay na rin iyan dahil magkakaroon na kayo ng anak." Ngumiti ako sa kanya.
Pagkatapos ng wedding ceremony ay nandito na kami ngayon sa reception.
"Wife." Hinalikan ko siya sa pisngi. "I love you."
"I love you too, hubby ko." Niyakap niya ang braso ko na para bang mawawala ako sa tabi niya.
"Ngayon kasal na tayo. Saan mo gusto pumunta?"
"Kahit saan. Ang gusto ko lang naman ay makasama ka lang."
Dahil hindi rin naman ako gumastos para sa honeymoon namin kasi ayaw kong mapagod si Andy. Inaalala ko lang naman ang kalagayan nila ng anak namin at saka ayos lang sa kanya kahit wala kaming honeymoon pagkatapos ng kasal.
Kinabukasan...
Maaga ako nagising dahil gusto ko pagsilbihan ang asawa ko pero pagtingin ko ay wala na pala masyadong stock sa kusina. Kakaiba talaga kung may asawa kang buntis dahil ang bilis maubos nang pinag grocery mo.
Inutusan ko si Mau, yung maid namin rito sa bahay dahil siya ang bumibili ng grocery at naglilinis sa bahay.
"Good morning, wife. Sorry kung hindi pa ako nakapag luto ngayon. Naubos kasi ang stock."
Niyakap ako ni Andy mula sa likod.
"Gusto kong ikaw ang almusal ko ngayong umaga, Nathan."
"Huh? Bakit naman ako?" Hindi na ako pinansin ni Andy dahil pinagkakagat na niya ang braso ko. "Wife, stop it."
"Ayaw mo ba?" She pouted. Kaya dinala ko siya ngayon sa kwarto naming dalawa.
"Hindi mo naiisip na pwedeng may pumasok sa kusina at makita ang ginagawa mo."
"Ano naman? Asawa mo naman ako ah."
Hindi ko na sinagot pang muli si Andy dahil hinalikan ko na siya sa labi. Para tuloy honeymoon namin ngayon.
Pagkatapos namin kumain ng agahan ay nanood kami ng movie sa laptop pero kinabit ko sa tv yung laptop para malaki yung screen.
"Gusto mo talaga yakapin ang braso ko, no?" Nakayakap kasi siya ngayon sa braso ko.
"Hm... Ayaw ko kasing mawala ka sa tabi ko."
"Hindi naman ako mawawala sa tabi mo. Promise, palagi akong nandito kung kailangan mo ko. Asawa mo ko, Andy."
"Nathan, sa daming babae sa mundo pero bakit ako ang minahal mo?"
"Dahil nasanay na ako sa presensya mo araw-araw sa opisina ko. Hindi kumpleto ang araw ko kapag wala ka sa tabi ko o hindi kita nakikita. Eh, ikaw?"
"Hm... Noong hindi mo na ako pinayagan bumisita pang muli sa kumpanya mo ay doon ko narealize may nararamdaman na pala ako sayo. At saka wala naman akong interesado sa mga lalaki hanggang nakilala kita."
Natapos na yung pinapanood naming movie na wala man lang ako naintindihan sa pinanood namin.
Andy's POV
Kung pwede nga lang palagi kong kasama si Nathan ay gagawin ko na kaya lang hindi pwede dahil kailangan rin siya sa kumpanya niya. Ang sabi niya sa akin ay siya lang daw ang businessman sa pamilya niya kasi simula daw sa lolo niya ay isang kilalang lawyer, autie, uncle, papa niya at kapatid niya ay ganoon rin. Kaya lang naman daw siya naging businessman dahil iyon ang gusto niya at hindi naman daw tutol doon ang papa niya. Paano na lang kung hindi naging businessman si Nathan? Siguro hindi ko siya makilala at ganoon pa rin ang buhay ko hanggang ngayon.
Hinimas ko ang umbok ng tyan ko habang nakangiti. Ngayon ay eight months na akong buntis kaya next month ay manganganak na ako at ang sabi ni Nathan ay naayos na ang schedule niya para samahan niya ako sa araw ng panganganak ko. Pareho na nga kami ni Nathan excited ang pagdating ng baby namin.
"I'm home." Napangiti ako nang marinig ko ang boses ng asawa ko at bumangon na ako para bumaba. "Oh. Bakit ka bumaba pa?"
"Gusto kita makita." Niyakap ko siya. Kahit ilang oras lang wala sa bahay si Nathan ay sobrang miss ko na siya. Minsan nga late na pumapasok si Nathan dahil sa akin.
"Na miss mo ko, no?" Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko bago ako tumango sa kanya at hinalikan naman niya ako sa labi. Siya na rin ang humiwalay at lumuhod sa harapan ko para himasin ang umbok ng tyan ko. "Hello, baby. Hindi mo ba pinahirapan si mommy?"
"Mabait ang anak mo kahit kailan, Nathan."
Tumango siya bago tumayo.
"Ayaw ko kasi mahirapan ka."
"Hindi naman ako nahihirapan. Ayos lang ako."
"Okay. Ano pala ang gusto mo kainin?"
"Ikaw." Sagot ko pero nakita kong namumula ang pisngi ni Nathan. "I mean kung ano ang gusto mong lutuin."
"I thought you want me. Pagbinigyan kita." Ngumisi ito sa akin.
"Tumigil ka, Nathan." Ako na tuloy ang namumula ngayon kaya pinalo ko siya sa braso at pinagtawanan ako. "Ang sama mo. Pinagtatawanan mo ko!"
"Sorry." Niyakap na niya muna ako bago pumunta sa kusina.
"Hindi ka ba magpapalit na muna bago magluto ng dinner?" Tanong ko pero nakita ko ang pagtanggal niya ng coat at nilagay sa upuan.
"Alam kong gutom ka na kaya pagkatapos ko na lang ako magluto." Sagot niya at nagsuot na rin siya ng apron.
"Sorry ah." Tumingin ito sa akin na parang nagtataka. "Kasi alam ko naman pagod ka sa trabaho tapos paguwi mo ay magluluto ka pa ng dinner natin."
"It's all right. Kapag nakita lang kita ay nawawala na ang pagod ko."
Nathan, huwag mo ko pakiligin please lang... Palagi mo na lang ako pinapakilig.
"Musta pala ang kumpanya?"
"Ayos lang. Naayos na namin dalawa ni Luke tungkol sa pagnakaw ng pera sa kumpanya pero yung mga nawalang investors ay hindi na."
"Bakit naman? Ayaw na nila bumalik?"
"Oo, eh. Kaya naghahanap kami ngayon ng bagong investors."
"May kilala ako pwede maging investors niyo. Kaibigan siya ni papa at baka gusto mo sila kunin."
"That's great. Kakausapin ko si Luke tungkol diyan bukas."
Tumango ako sa kanya at nilapag na niya ang niluto niyang pagkain. Nakakalaway.
~~~~
Comment and press ☆ to vote
BINABASA MO ANG
Hate At First Sight
RomanceMafia Sequel Present: Hate At First Sight Paano pala nagkagusto ka sa anak ng isang board member? Pero ang problema ay kinaiinisan ka niya at wala siyang gusto sayo. Susuko na ba agad? O ipagtuloy mo lang? Meet Nathaniel Andrada ay isang pasaway, ma...
