Epilogue

2.3K 53 2
                                        

Nathan's POV

Nagpakasal na ulit ang kapatid ko noong isang araw kaya masaya talaga ako para sa kanya. He deserves to be happy with his happy. Alam kong hindi mapapalitan sa puso niya si Ariana dahil siya ang first love ng kapatid ko.

About our target, they are all gone. Wala talagang tinirang buhay ang mga kaibigan ko sa kalaban. Talagang inubos nila ang lahat na professional assassins at ang mastermind. Napagalitan pa nga kaming lahat nila dad at tito Greg noong nalaman nilang umaksyon kami na hindi nila alam. Para kaming mga bata na pinapagalitan ng mga matatanda dahil nakagawa kami ng hindi maganda.

I still remember what exactly happens.

"Umaksyon na naman kayong apat na hindi niyo sinabi sa amin! Paano kung mapahamak kayo na wala kaming alam ah?! Lucas, ikaw ito ang mas matanda sa kanila pero hindi mo man lang sila pinigilan. Imbes sumama ka pa rin! Asawa ka naman ng anak ko kaya hindi ko mapapatawad kung meron nangyari sayo ng masama." Sigaw ni tito Greg sa amin dahil pinapagalitan niya kaming lahat.

"Sorry po."

"Nagsisi na ako tinuruan kita noon kung paano humawak ng baril. At ikaw naman, Gio, nangako ka sa akin hindi ka na papasok sa ganitong sitwasyon. Hindi porket asawa ka na ni Star ay papayag ako sa kagustuhan ninyo."

"Idol, pasensya na. Gusto ko lang naman tumulong. Kahit hindi sabihin ni Ethan ay alam namin gusto niyang ipaghiganti ang pagkamatay ng asawa niya."

"Ethan, kasali ka rin ba sa apat na ito?" Tanong ni dad kay Ethan.

"No, dad. Hindi ako sumali sa plano nila dahil abala ako sa law firm at sa mga bata."

"Pero may alam ka sa plano nila?"

"Yes, pero hindi ko na sila pigilan dahil hindi naman sila magpapapigil sa akin."

"Bakit hindi mo sinabi sa amin kung ano ang plano nila?"

"Hindi ko rin alam, dad. Wala na rin sa isip ko ang tungkol diyan."

"Pag nalaman kong inulit niyo pa itong ginawa niyo ngayon pagbabawalan ko na kayo pumasok sa warehouse na ito! Kung nabubuhay lang si Zach ngayon hindi lang sermon ang pakukuha niyong lahat." Nakayuko lang kaminh lahat para nang pinapagalitan kami ng ina namin. "Naiintindihan niyo ba?"

"Yes, sir."

"At ikaw Gavin malalagot ka kay Zach pag may nangyaring masama sayo. Asawa ka pa naman ni Beryl."

"Dad, ang importante bumalik kami ng buhay." Sagot ni Gavin.

"Paano kung hindi? Malalagot ka rin sa akin pag ako napagalitan ng mama mo sa pinagagawa niyong apat."

"Takot ka ba kay Yza ngayon, Greg?"

"Sino ba naman ang hindi? Pinatulog ako ni Yza sa sofa noong nalaman niyang sinuntok kita noon." Napakurap na lang ako dahil wala akong alam na ginawa pala iyon ni tito Greg kay dad. "Ayaw ko lang maulit iyon."

Napangiti na lang ako sa tuwing naalala ko ang pangyayari. Mas natatawa ako sa isipan dahil takot pala si tito Greg kay tita Yza.

"Aba, mukhang masaya ang asawa ko ngayon ah." Napatingin ako kay Andy habang hinihimas nito ang malaki niyang tyan. Kabuwanam na kasi niya. "sa anong dahilan kung bakit masaya ka ngayon, Nathan?"

"Naalala ko lang yung araw na pinapagalitan kaming apat ni tito Greg noong nalaman nila dad ang ginawa namin."

"Bakit ka naman natutuwa? Ang weird mo talaga."

"No. I mean, para kasi kaming pinapagalitan ng ina namin dahil nalaman nila ang kalokohan naming apat."

Para tuloy iniisip ko si tito Greh ang ina ng golden dragon dahil sobrang bait niyang tao at sabi ni dad ay hindi daw nagagalit si tito Greg na walang dahilan. Ngayon nga lang daw niya nakitang nagalit si tito Greg na ganoon.

Naramdam kong ang paghawak ng mahigpit sa braso ni Andy at mukhang nahihirapan na siya.

"Ano nangyari sayo?"

"N-Nathan! I think my water broke! Shit, dalhin mo na ako! Hindi ko na kaya."

"Oh. Shit, shit! Wife, huminga ka na muna ng malalim." Sinumod naman ni Andy ang sinabi ko. "Kukunin ko lang ang susi ng kotse."

Tumakbo na ako papunta sa kwarto namin para kunin ang mga gamit at susi. Hinanda na namin ang mga dadalhin para sa araw ng panganganak ni Andy.

Pagdating namin sa ospital ay dinala na siya agad sa loob ng delivery room dahil inaaway na niya ang mga nurse noong sinabing on leave ang doctor niya. Bakit kasi ngayon pa on leave ang doctor na palagi nagpapatingin kay Andy? Bwsit!

Tungkol kay Amaris ay nasa bahay siya nila mama. Ang gusto kasi ni mama na doon muna ang anak namin para may makulit sa bahay at may kasama rin ang mga anak ni Ethan habang wala pa sila ng kanyang asawa. Nasa honeymoon kasi sila ngayon.

"Nathan." Napalingon ako noong may tumawag sa pangalan ko. Nandito sila Luke ngayon kasama ang mga asawa. Jusko! Bakit kailangan pa kasama ang mga asawa nila?

"Bakit kasama niyo pa ang mga asawa niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Actually, nasa kotse ang mga bata dahil namasyal kami noong tumawag ka sa akin kanina." Sagot naman ni Luke.

"Gusto lang ni Faye sumama sa akin kahit sinabi ko sa kanya pupunta ako ng ospital."

"Baka kasi excuse mo lang ang pagpunta ng ospital."

"Ang tagal na nating kasal tapos pinagdududahan mo pa rin ako. May dalawa na tayong anak, Faye."

"B, ako bahala sayo. Malakas ang kutob ko kung magkaroon ng kabet iyang si kambal. Twin instict."

"Sige magtulungan kayong dalawa diyan. Ganyan naman kayo magkaibigan. Kaya ako lagi ang kawawa sa inyo pag nagjoin force na kayo ni Faye, twin."

"Tumingil na kayo. Nasa ospital ngayon. At ikaw Gav, subukan mo lang lokohin si Beryl ay hindi ko pipigilan si Luke na suntukin ka."

"Pati ba naman ikaw, Skye."

Napailing na lang ako sa kanila. Mga baliw na mga kaibigan ko kahit ang mga asawa nila.

Tumayo na ako noong makita kong lumabas na ang doctor sa delivery room. As usual, she congratulated me for having a healthy baby boy. Dinala na nila si Andy sa isang private room kaya dumeretso kaming lahat sa nursery room para tingnan ang anak namin.

Nang makita ko na ay laking tuwa ko dahil kamukha ko siya at mukhang tuwa din siyang makita ako.

"Kamukhang kamukha mo ang anak niyong lalaki ah." Sabi ni Gio habang nakatayo siya sa tabi ko.

"Sana nga lang hindi siya katulad mong mahirap gisingin. Uutusan ko si Sean at Nick na gisingin siya in a wrong way."

"Subukan mo, Gav. Sasapakin kita." Inis kong tugon sa pinsan.

Narinig kong tumawa ang ibang kasama ko. Alam kasi nilang mahirap akong gisingin noon pero ngayon ay mas nauuna na nga ako sa manok.

"Ano pala ang ipapangalan niyo sa anak niyo, Nathan?" Tanong sa akin ni Beryl.

"Napagusapan niyo na ba?" Tumango naman ako kay Star.

"Noah. Noah ang ipapangalan namin sa kanya ni Andy."

Hello, Noah. Welcome!

Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Noah sa loob ng nursery room hanggang natapos na ang viewing hour.

Nagpaalam na sina Luke at Skye ay baka daw naiinip na ang mga anak nila sa kotse. Sumama naman sa akin ang iba dahil gusto nila kamustahin si Andy.

-----THE END-----

~~~

And I'm sure hindi na bitin ang story ni Nathan. 😂

-Skye

Comment and press ☆ to vote

Hate At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon