Chapter 9

1.4K 49 0
                                        

Sumama ako sa ospital nang dinala na si mr. Valdez ng ambulansya. Nang nakarating ay naghihintay lang ako dito sa labas. Hindi naman ako pwede magdesisyon kung ano ang gagawin dahil hindi naman ako anak.

"Papa!" Napatingin ako nang may narinig akong familiar na boses. Bakit sa ganitong pangyayari pa kami nagkita ulit? "Ano nangyari kay papa, Nathan?"

"Bigla na lang siya nahimatay habang naguusap kaming dalawa kanina."

"Hindi kita mapapatawad kung may mangyari kay papa!"

"Ako pa talaga ang sinisi mo ngayon?! Ikaw dapat dahil ikaw ang anak niya dapat alam mong hindi siya pwede mapagod! Alam mo ang sitwasyon niya ngayon, Andrea!" Sigaw ko sa kanya. Ayaw ko sumigaw pero ako ang sinisi niya sa nangyari.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko kung mawala na rin sa akin pati si papa."

"Andy, hindi mawawala sayo ang papa mo. Lalaban siya sa sakit niya." Sabi ng kasama niya. Isang matandang babae.

"Sana nga po, manang... Hindi ko na kaya kung pati siya mawala." Her voice cracked. Umiiyak ngayon si Andy. Sa totoo lang wala akong alam tungkol sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang masungit, mainitin ang ulo at bossy. That's all. Background check zero. Pero habang kausap niya yung matandang babae ay iba ibang Andy ang nakikita ko, nirerepesto niya. Siguro ito talaga ang Andy pero may dahilan siya kaya ganoon ang pagkakilala sa kanya ng ibang tao.

Umalis na ako hindi nagpapaalam sa kanila dahil una sa lahat hindi pa ako handa makita si Andy.

"Nathan, wait!" Huminto sa paglalakad nang may tumawag sa akin at humarap sa kanya.

"What?" Nakacross arms lang ako.

"Sorry kung nagalit ako sayo kanina dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Wala ka na ngayon sa tabi ko kaya sobrang dami ko ng problema."

"No, it's not your fault but you have to stay strong."

"No, Nathan. Si papa na lang kasi ang pamilya ko."

"Where's your mom?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Namatay si mama pagkapanganak sa akin kaya hindi ko na siya nakilala. Sa mga pictures ko na lang siya nakikita."

"Oh, I'm sorry."

"No, it's okay. Hindi mo naman alam kasi hindi ko kinukwento sayo ang tungkol doon."

Tumango na lang ako sa kanya at tatalikod na ulit ako biglang...

"Nathan, mahal kita." Namilog ang mga mata ko sa pagconfess niya sa akin. Shit. Hindi ako handa dito dahil wala akong balak talaga pumasok sa isang relasyon. Ayaw ko ng commitment.

Andy's POV

Shit. Did I confessed? Ano ba itong sinabi ko sa kanya at alam ko naman rejected ako. I admit it, hindi mahirap mahalin si Nathan. Ako yung tipong hindi nagkakagusto sa isang lalaki pero iba si Nathan.

"Okay kung i-re---"

"Kailan pa?" Napakurap ako noong tanungin niya ako. Hindi niya ako nireject.

"Noong mga panahong magkasama tayo. Kahit saglit lang iyon, Nathan dahil hindi ka naman mahirap mahalin." Tunango lang siya sa akin bilang kasagutan. Wala akong natanggap na kahit anong rejection galing sa kanya.

"Bumalik ka na sa loob, Andrea."

Andrea? Bakit simulang namatay ang anak namin ay palagi na niya ako tinatawag na Andrea? Nasanay na kasi ako tinatawag niya akong Andy. Nasaktan ako ng sobra pero hindi naman ako nagsisi nakilala ko si Nathan.

"Before I go." Hinalikan ko siya sa labi. Isang smack lang iyon.

"Ang hilig mo talaga magnakaw ng halik, no?"

"Sorry." Nahihiya ako pero napangiti na rin.

"You smiled. Mas gumaganda ka pag ngumingiti ka, hindi yung palagi nakasimangot. You should smile always." Tumango na lang ako sa kanya. I feel change. Masaya ako sa tuwing kasama ko siya. Tama si papa na dapat nga makilala ko ng mabuti si Nathan. I hope he give me another chance

"Asawa pa rin kita kaya pagbibigyan ko ang kahilingan ng asawa ko."

Narinig ko ang pagtawa niya. Ang sarap sa tenga.

"You're unbelievable. Bumalik ka na nga sa loob baka hinahanap ka na doon."

"Salamat ulit."

Pagkabalik ko ay wala pa rin daw doctor na lumalabas sabi ni manang Jonah.

"Mukhang masaya ka ngayon, hija."

"Si manang talaga. Kahit po ba iyon ay napansin niyo."

"Siyempre dahil iba ang nakikita kong aura mo ngayon. In love ka, no? Siya siguro yung lalaking sinasabi ng papa mo noon."

"Yes po. Si Nathan Andrada. Siya nga lang po ang businessman sa pamilya niya kasi ang balita ko ay isang lawyer ang pamilya niya."

"Mukhang mabait na bata."

"Mabait naman po siya. Hindi katulad ko na palagi mainit ang ulo sa ibang tao."

"Hindi, hija. Pwede mo pa naman kontrolin ang temper."

Hindi na ako sumagot pang muli kay manang Jonah. Kontrolin ang temper ko? Siguro nga kailangan kong gawin iyon at ngumiti palagi.

Nakita kong ang daming doctors and nurses na pumapasok sa loob ng ICU. Ano nangyayari sa loob?

"Doc, what happened?" Pinipilit kong pumasok sa loob ng ICU pero pinipigilan ako ng nurse.

"Miss, you are not allowed to enter."

Shit. Nakita ko nag-flat line ang heartbeat ni papa. Please, pa! Don't leave me!

"Time of death: 5:30pm." Sabi ng isang doctor nagrevive kay papa kanina pero pakiramdam ko naglalambot ang mga tuhod ko kaya napalunod na lang ako habang humugolgol. Bakit?! Bakit mo ko iniwanan, pa?!

"Jusko, Andy." Hinawakan ako ni manang Jonah sa braso para patayuin.

"Manang, ngayon wala na si papa." Niyakap ko siya at tuloy pa rin ang pagiyak ko. Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko. Magisa na lang ako ngayon. Wala na rin naman magmamahal sa katulad ko. Si papa at manang na lang ang importanteng tao sa akin pero paniguradong uuwi na rin sa Pilipinas si manang dahil narinig ko nagpapaalam siya kay papa noon.

"Andy!" Tumingin ako sa tumawag sa akin at tuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko.

"Nathan!" Niyakap ko siya at umiyak ako sa balikat niya.

"Pumunta ako agad nang nalaman ko ang nangyari." Hinihimas niya ang likuran ko pero ako ay tuloy pa rin sa pagiyak. "Shhh... Stop crying dahil hindi magiging masaya ang papa mo pag nakita ka niyang umiiyak."

"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko ngayon. Magisa na lang ako ngayon."

"Shh... Don't say that. Nandito pa rin ako sa tabi mo. Hinding hindi kita iiwanan kahit anong nangyari ay pupuntahan kita."

"Nathan, salamat dahil nakilala kita pero siguro pagkalibing kay papa ay lalayo na muna ako. Masyado na akong stress sa mga mangyari. Una namatay ang anak natin tapos ngayon si papa."

"I understand. Maghihintay ako sa pagbalik mo, wife." Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko para punasan ang luha ko gamit ang hintuturo niya.

Hate At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon