CHAPTER 5

57.2K 2.3K 287
                                    

Huminga muna ako ng isang malalim na hininga at napagdesisyunan nang tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Walang imik akong kumilos at matamang pinagmasdan ang katawan ni Adam Zamora. He's back. Stable na muli ang vitals nito. He... he'll be fine... for now, at sana magtuloy-tuloy na ito. Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at tiningnan ang mga kasama ko sa silid. Tahimik lang din ang mga ito habang abala naman si Alison sa pag-che-check kay Adam. Mayamaya lang ay nagpaalam na ako kay Alison at walang ingay na lumabas sa silid.

Kagaya nang inaasahan ko, sumunod agad sa akin ang isa sa bantay ni Adam Zamora. Sakto lang na naisara nito ang pinto, mabilis ko itong hinarap at namewang sa harapan niya. Masama ko itong tiningnan at agad na sinita sa ginawa niya sa loob ng silid kanina. "Alam mo ba ang ginawa mo kanina?" mariing tanong ko sa lalaki habang hindi inaalis ang masamang titig sa kanya. Pinaghalong galit at takot ang nararamdaman ako ngayon sa lalaking ito ngunit alam kong mas nangingibabaw ang galit ko sa kanya!

"Don't act reckless, Miss Del Monte," malamig na turan nito na siyang ikinatawa ko sa harapan niya. Reckless? Ako pa talaga itong reckless dito? E, siya nga itong natutok bigla ng baril sa akin kanina! Damn this man!

"You pointed a gun on me while saving your goddamn young master!" galit na sigaw ko sa kanya. "Sa tingin mo ba'y tama iyong ginawa mo sa akin, huh?" Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko dahil sa galit at inis sa lalaking nasa harapan ngayon. "Next time, siguraduhin mong nasa tamang tao nakatutok ang dulo niyang lintek na baril mo! Ako ang doktor ng amo mo. Kung may masamang mangyari sa akin at nasa bingit na nang kamatayang iyang young master ninyo, magpasensyahan na lang tayo at talagang matutuluyan na siya!"

Napapikit ako dahil sa galit. Humugot ako ng isang malalim na hininga at pilit na pinapakalma ang sarili. Damn it! Pagmulat kong muli ng mga mata ay hindi na ako nagsalita pa. Napailing na lamang ako sa harapan nito at padabog na pumasok muli sa silid ni Adam Zamora na siyang ikinalingon naman agad ni Alison sa akin. Mabilis na tinigil nito ang pag-aayos sa kumot na bumabalot sa katawan ni Adam Zamora at tiningnan ang monitor ng ventilator sa tabi nito.

"Everything's normal now, Belle," imporma nito sa akin habang nasa may monitor pa rin ang buong atensiyon. Napatingin din tuloy ako roon. "You did well earlier. Mabuti at naging normal ulit ang pagtibok ng puso ng pasiyente. You did well... even with all the chaos, you did save him."

"It was the worst experience to me," mahinang tugon ko at wala sa sariling napatingin kay Adam Zamora. "First time kong mag-retrieve ng isang pasiyente." Napailing na lamang ako.

"Really?" tanong ni Alison sabay baling sa akin. Umayos naman ako nang pagkakatayo at tinanguhan na lamang ito. "T-that's cool," sambit niyang muli at binalingan na rin si Adam Zamora.

"We'll have our shifting schedule, Alison. You'll monitor him during the day. I'll handle the night shift," sambit ko habang hindi inaalis ang paningin sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit narito ang babaeng ito. Siya na rin ang nagsabing hindi siya doktor o isang medical student na kagaya ko. At kung ano man ang dahilan nito sa pananatili sa mansyon ng mga Zamora, sana'y hindi niya ikapahamak.

"Alright. Copy that," sambit nito at mayamaya lang ay napansin ko ang pagbuntonghininga niya.

Ipinilig ko ang ulo pakanan at hindi na napigilan pa ang sarili na magtanong sa kanya. "You're not a doctor, right?" maingat na tanong ko na siyang ikinabaling niyang muli sa akin. Sa ekspresyon pa lang nito sa mukha ay alam kong wala itong planong sagutin ako. But what can I do? I really want to know. At kapag malaman ko ang totoo, baka makatulong ito sa amin at sa kondisyon ngayon ni Adam Zamora. Who knows, right? "So, anong koneksiyon mo sa mga Zamora?" matapang na tanong ko pa sa kanya.

Kanina pa ito nasa isipan ko... noong itinutok noong lintek na lalaki ang baril sa sintido ko. I can't trust them. Mapapahamak ako kapag naging pabaya ako sa bawat desisyon at kilos ko. Hindi ko kilala ang mga taong kasama ko sa mansyong ito. Maliban sa impormasyong mayroon ako tungkol kay Adam Zamora, wala na akong ibang alam sa mga kasama ko. Kaya naman ay uunahin ko nang alamin ang tunay na rason kong bakit narito itong si Alison. For me to survive living with total strangers, I need to know a little bit information about them!

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon