Chapter 31

41.6K 1.3K 46
                                    

Halos hindi ako nakatulog nang maayos.

I kept of thinking of who the hell I saw last night. Naireport na rin nila Orly na walang ibang tao sa isla kung hindi kami lamang at wala ng iba pa.

I can't be wrong! Hindi maaaring namalikmata lamang ako! It was a person!

"Do you have any plans for today?" basag ni Adam sa katahimikan naming dalawa habang nag-aagahan. Tamad akong nag-angat nang tingin sa kanya at umiling. Tumango ito at bahagyang nag-isip. "Great, let's go for a swim," anito pagkaraan ng ilang segundo na siyang ikinatigil ko.

"Ayaw ko," simpleng sagot ko sa paanyaya niya.

"Why not?" Adam asked while drinking his coffee.

"Someone might attack us," I said then finished my food. Kita kong natigilan si Adam sa naging sagot ko. Ibinaba nito ang hawak na mug at matamang tiningnan ako.

"Still thinking about the guy you saw last night?" Adam slowly asked. Tumango ako dito at bumuntong hininga. Hindi talaga ako napanatag kahit ikinumpirma na nila sa akin na walang ibang taong narito sa isla kung hindi kami lamang. At isa pa, I hate waters now! Nakalimutan na yata ni Adam na muntik na akong mapahawak dahil sa pagkakahulog ko sa barko.

I sighed.

"I'm sorry. I just can't stop thinking about it," I honestly said to him then sighed again.

Naging tahimik si Adam at walang salitang tumayo sa upuan nito. Natigilan ako noong lumapit ito at tumayo sa tabi ko.

"Do you trust me?" biglang tanong nito na siyang ikinagulat ko. Kusang tumango ako habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Then, come with me," pahabol na sambit niya sabay lahad ng kamay sa akin.

"Ha?"

"Take my hand and come with me, Belle."

Do you trust me? Of course! Hindi ako sasama dito kay Adam kung wala akong tiwala dito. He promised me my safety, wala akong problema doon. Sadyang hindi lang ako komportable sa nakita kagabi kaya naman ay nagkakaganito ako. I'm being paranoid, I guess.

"At saan naman tayo pupunta?" I managed to ask him. Kita kong napangiti ito kaya naman ay tila tumalon ang puso ko sa ginawa niya.

"Do you trust me?" tanong muli nito sa akin.

Tumango ako dito.

"Tell me that you trust me, Belle," he demanded. Napairap ako dito at tinanggap ang kanina pang nakalahad na kamay nito.

"Yes, Mr. Zamora, may tiwala ako sa'yo. Now, saan mo ako dadalhin?"

"Somewhere where you can forget about your worries," lalong lumawak ang ngiti nito at hinigit na ako patayo. "Change your clothes and bring some extra one," anito at tiningnan ang kabuuan ko. Napataas ang isang kilay ko sa kanya at muling umirap. Hindi na ako kumibo pa at sinunod na lamang ang nais nito. Pumanhik na ako at nagbihis gaya nang nais nito.

Isang puting shirt at maong short lang ang sinuot ko. Isinilid ko ang extrang pares na damit sa maliit na bag at gamit ang nag-iisang tsinelas na nasa loob ng silid, lumabas na ako.

Naabutan kong prenteng nakaupo si Adam sa mahabang sofa. Nagbihis na rin ito. Isang puting tshirt rin ang suot nito at isang khaki short. Noong namataan niya ako ay agad itong tumayo. Ngumiti ito at dinampot ang isang basket na nasa tabi nito.

"Hindi ka masyadong handa, huh?" ani ko at nilapitan ito.

"Let's go," anyaya niya at hinawakan nito ang isang kamay ko gamit ang libreng kamay niya. Marahan niya akong hinila at nagsimula nang maglakad.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Palaging ganito ang epekto sa akin ni Adam. Whenever he touched me, I felt so safe. Lahat nang pangamba ko ay biglang nawawala pag nasa tabi ko siya. Adam Zamora, you're still that Adam Zamora whom I knew before. Iyong Adam Zamora na minahal ng batang puso ko. Ikaw pa rin ito kahit lumipas na ang mahabang panahon sa ating dalawa. Ikaw pa rin.

"Wow!"

Iyon lang ang nabigkas ko noong makita ang kabuuan ng ganda ng tanawin.

"Adam! This is a paradise!" nagtatatalon ako at mabilis na tumakbo patungo sa tubig. It's a falls! A crystal blue one! Ang ganda! Sobrang ganda!

"You like it?" I've heard Adam asked. Bumaling ako dito at ngumiti nang malawak sa kanya.

"I love it!" hiyaw ko na siyang ikinatawa nito. Inilublob ko ang kamay sa tubig at natuwa noong manuot sa balat ko ang lamig nito. Ang ganda talaga dito!

Bahagyang nawala ang takot ko sa tubig dahil sa ganda ng tanawin. How I wished I know how to swim. I wanted to enjoy this moment with him.

Natigilan ako at nawala ang ngiti sa labi. Damn, Belle! Just for once, forget about your fear! Damn it!

"I'll take a dip, Adam!" wika ko dito at mabilis na lumapit sa tubig. Dahan-dahan akong naupo sa gilid. May malaking bato roon kaya naman ay doon ako naupo. Hindi na ako nag-abala pang maghubad ng shirt at short! Bahala nang mabasa at may dala naman akong extrang damit.

Inilapat ko ang paa sa tubig at napatili ako noong umakyat ang lamig sa buong sistema ko.

"Oh my God!" bulalas ko at mabilis na bumaba mula sa kinauupuan. Ang sarap! Ang lamig ng tubig! Bahagya kong inilublob ang katawan habang nakahawak sa batong kinauupuan ko kanina. Pagkaahon ko mula sa pagkakalublob sa tubig ay siya naman ang pagtalon ni Adam sa tubig.

Napangiti ako. Kailanman ay hindi ko naisip na magkakaroon kami ng ganitong moment ni Adam. This is one of my childhood dream. And it feels so amaizing right now na nagkakatotoo ito.

Mayamaya pa'y nawala ang ngiti ko sa labi. Napalingon-lingon ako sa paligid at napakunot ang noo noong hindi ko namataan si Adam. Bigla akong kinabahan at nagsimula nang umahon. Mabilis akong naglakad at nagtungo sa parte kung saan ito bumagsak kanina.

I can't fully remember kung marunong ba itong lumangoy o hindi. Ilang minuto na rin ang lumipas simula noong tumalon ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito umaahon!

"Adam!" sigaw ko sa pangalan nito habang patuloy sa pagmamasid sa tubig. Where the hell is he? "Adam!"

Napaupo ako at inilublob muli sa tubig ang mga paa. Damn! I can't risk it. Hindi ako marunong lumangoy! I kept on calling Adam's name when suddenly, someone grab my feet that makes me scream! Damn it!

"Adam!" nahampas ko ang lalaki noong biglang lumitaw ito sa harapan ko habang tumatawa! "You, jerk! Tinakot mo ako!"

Unti-unting nawala ang tawa nito at humigpit ang pagkakahawak nito sa akin. Mayamaya pa'y lumapit ito na ngayon ay nakapwesto na sa gitna ng dalawang paa ko. Slowly, he reached my waist then pull me towards him.

Nanlaki ang mga mata ko lalo na noong bumagsak ang katawan ko sa tubig!

"You fvcking scared me, Adam Zamora!"

"Hey, your words," suway nito at isinubsob ang mukha sa leeg ko. "I'm sorry. I didn't mean to scared you, Belle. Forgive me."

"Akala ko kung napano ka na!" hindi pa rin ako kumakalma kahit alam kong ligtas na ito at yakap-yakap na niya ako ngayon. Sinubukan kong tanggalin ang mga braso nito sa bewang ko ngunit mas lalong humigpit ang yakap nito.

"I'm sorry."

"You're not forgiven! Now, let go of me, Adam Zamora!"

"I will never ever let go of you again, baby," mahina ngunit mariing sambit nito habang hindi pa rin inaangat ang ulo sa leeg ko. "I'm really sorry, baby. I won't do that again."

I closed my eyes, trying to calm my nerves down. Mayamaya pa'y naramdaman ko nang kumalma na ang sistema ko kaya naman ay napabuntong hininga na lamang ako.

"Don't you dare to pull that stunt again on me, Adam, or else, ako mismo ang maglulunod sa'yo dito," I coldly said. Hindi ako nagbibiro. He'll surely pay if he do this stunt on me again! I'll die early if he do this again!

Tumango-tango lang ito at hindi na umimik sa likuran ko.

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon