CHAPTER 12

52.1K 1.9K 108
                                    

Five months.

This must be the worst five months of my life. Sa loob ng limang buwan na pagtratrabaho ko bilang doktor ni Adam Zamora, ngayon lang talaga ko napagod nang husto ko. He's recovering, yes, pero dahil nakakakilos na ito, kung anu-ano na lamang ang ginagawa niya. Panay ang meeting din niya kasama ang mga tauhan niya at kapag naiisip ko kung anong kapahamakan na naman ang sunod na mangyayari sa amin dito sa mansyon nila, parang gusto ko na lamang magkulong sa kuwarto ko at hindi na lumabas pa! How I wish na matapos na ito! Sana'y gumaling na nang tuluyan ang lalaking iyon. Para naman hindi na ako matakot sa mga maaaring mangyari sa akin habang nasa puder ako ng mga Zamora! Damn it!

"What are you doing?" Napaangat ako nang tingin noong may nagsalita. Mabilis akong bumaling dito at bahagyang natigilan noong mamataan kung sino ito. It was Orly, one of Adam Zamora's loyal men. Kunot-noo itong nakatingin sa akin, mula sa mukha ko patungo sa basong hawak-hawak ko na nakapatong ngayon sa may mesa.

Nasa kusina ng mansyon ng mga Zamora ako ngayon. Hindi ko alam kung anong masamang espirito ang sumapi sa akin at lumabas ako kanina sa silid ko. Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin ni Adam kanina, hindi na natahimik ang isip ko. I tried to take a nap, but sadly, I failed. Mas lalo lang ako nairita noong paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang mga katagang binitawan nito kanina sa akin. Kaya naman ay asar akong nagtungo rito at hinanap ang tanging makakatulong sa akin ngayon. Buti na lamang ay nakahanap ako!

"Hi, Orly!" Nakangiting bati ko sa bagong dating. Inangat ko ang hawak na baso at inalok ito. "Nakita ko lang ito sa isa sa mga kabinet dito. Want some?"

Hindi ito kumibo at nanatili lang nakatayo sa puwesto niya. Nakatingin lang din ito sa akin. Mayamaya lang ay humugot ito ng isang malalim na hininga at sinamaan ako nang tingin. "Dapat ay hindi ka umiinom, Belle Del Monte," anito at nilapitan na ako. Kinuha niya ang baso na hawak-hawak ko na siyang mabilis na ikinasimangot ko na lamang.

"Pati ba naman ito ay pinagbabawal sa mansyong ito?" iritang tanong ko sa kanya. Seriously? I need to drink right now! Mas lalo akong 'di makakatulog kung walang alak sa sistema ko ngayon! Damn!

"It's not like that. Doktor ka. Hindi magandang humarap ka kay young master na lasing, Miss Del Monte," matamang sambit niya at kinuha na rin ang bote ng alak sa ibabaw ng mesa. Inilayo niya ito sa akin kaya naman ay napatayo na ako at ginantihan ang galit na titig nito.

"Hindi naman ako maglalasing, Orly. I just need something para makatulog ako!"

"Kahit na," malamig na turan nito sa akin. "Bumalik ka na sa kuwarto mo at matulog," he said with an authority in his damn voice!

Napailing na lamang ako at inirapan ito. "Whatever," asar na wika ko at padabog na umalis sa kusina. Hindi ko na ito tiningnan pa. Dere-deretso akong naglakad hanggang makarating ako sa hagdan ngunit agad din namang natigilan at wala sa sariling napatingin ako sa pangalawang palapag ng mansyon.

I like you.

Oh, great! Hanggang ngayon talaga ay hindi mawala sa isipan ko ang walang mga kuwentang mga salitang iyon! Nakakainis talaga! Saan ba kasi nakuha ni Adam ang ideyang sabihin sa akin ang mga iyon?

Wala sa sarili kong inihakbang ang mga paa paakyat sa may hagdan ng mansyon. Walang ingay akong pumanhik at tinungo ang kuwarto ni Adam Zamora. Kagaya ng araw-araw kong nadadatnan, dalawang taga-bantay ang naroon. Tumango ang isa sa akin at pinagbuksan ako ng pinto. Hindi na ako umimik pa hanggang sa makapasok na ako sa loob. Gabi na kaya expected kong tulog na ang mahal na young master ng mga Zamora. Lumapit ako sa kama niya at tahimik na pinagmasdan ito.

"I don't want to be here, but I guess I am really stupid," mahinang sambit ko habang hindi inaalis ang paningin sa lalaki. "To be honest, I don't think I can really survive being here. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na magtatagal ako sa lugar na ito. But look at me... it's been five months. Still alive... still helping you." I sighed. "I chose to stay... I chose to finish what I've started." Napakagat ako ng dila para mapigilan ang sarili sa pagsasalita. This is crazy! Ano bang ginagawa ko sa silid na ito? Dahil ba ito sa alak na nainom ko kanina? Damn! Hindi na ako uulit kung ganoon! "I'm not afraid of dying," muli akong nagsalita. "May mga naging kasalanan na rin naman akong nagawa noon kahit papaano. Dying... doesn't scare me at all. But I'm afraid of not seeing my father and little brother anymore. They are my life... the reason why I'm still here. Hindi ko kakayaning may mangyari sa kanilang masama dahil lang sa mga naging desisyon ko sa mga nagdaang buwan." A tear escaped from my eye. Agad kong itong pinunasan at umatras ng isang beses palayo sa kamang kinahihigaan ni Adam Zamora. "As long as you're alive, recovering... they will survive from this cruel world."

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon