CHAPTER 26

46.8K 1.4K 19
                                    

"Lalabas lang muna kami," basag ni Don Zamora sa katahimikang bumalot sa silid na kinaroroonan namin.

Kanina, noong inamin kong naaalala ko na ang lahat ay tila napipi ang mga kasama ko sa silid. Wala ni isa sa mga kasama ko ang bumasag sa katahimikang bumalot sa amin kanina. I heard my father sighed. Ganoon din ang ginawa ni Don Zamora. Mayamaya'y tinapik na niya ang balikat ng apo at tahimik na tinanguhan ito. Hindi ako kumibo sa puwesto ko at tiningnan lamang sila. Maging si Adam ay hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan nito at matamang nakatingin lang sa akin.

"Calm down, Belle. Talk to him calmly," ani Papa at marahang tinapik na rin ako sa balikat. Tahimik na lumabas sa silid ang aking ama at si Don Zamora. At noong kami na lamang ni Adam ay narito sa silid, agad na tumaas ang tensiyon sa aming dalawa. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. He's just looking at me while I was just silently cursing myself for telling them the truth about me remembering everything!

"You remembered everything." Basag ni Adam sa katahimikan na siyang nagpamura muli sa akin sa isipan.

"And I hate it!" wala sa sariling bulalas ko sa kanya. Napailing ako at humugot ng isang malalim na hininga. Hindi ko na mapigilan pa ang sakit sa puso ko. Mabilis na ring nag-unahan ang mga luha ko sa mata. "Nakalimutan ko na, 'di ba? Bakit ka pa kasi bumalik dito, Adam? Okay na ako, e!" Halos pigain na ang puso ko. Ako? Okay na? That's a freaking lie! I will never be okay. I don't deserve to be okay! Not in this lifetime. Damn it!

Kahit na puno ng luha ang mga mata, napansin ko pa rin ang lungkot sa mga mata nito. Mabilis akong nag-iwas nang tingin sa kanya at nagpatuloy sa pag-iyak.

"I'm here to fulfil my dream, Belle," mahinang sambit nito sa akin. Damn! Fuck his dream! Fuck his reason! Fuck everything! Hindi na nito maibabalik ang nawala sa akin noon. Hindi na nito maaalis ang sakit na nakabaon sa puso ko ngayon!

"When I forgot everything about you," mahinang sambit ko habang hindi pa rin nakatingin sa kanya. "P-para akong nakawala sa sakit, Adam," bumaling akong muli sa kanya at malungkot na nginitian ito. "Naging malaya ako. Malaya sa s-sakit. Sa konsensiya. Sa lahat. Ngunit ngayong naaalala ko na ang lahat, ngayong bumalik na ang lahat ng mga masasamang alaalang mayroon ako, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi... hindi ko na kilala ang sarili ko." I cried again.

Mabilis na humakbang palapit sa akin si Adam kaya naman ay naging alerto ako. Magsasalita na sanang muli ako para pigilan ito ngunit na bato na ako sa kinauupuan ko. He suddenly hugged me. Tightly. "Alam kong wala akong karapatang sabihin ito, but thank you for remembering, Belle." He whispered to me. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa at sinabi ko. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang pagkagalaw ng balikat nito habang nakayakap pa rin sa akin. Wait a minute. Is he crying?

No way!

Napaawang na lamang ang mga labi ko at noong nakumpirma kong umiiyak nga si Adam, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Napahagulhol akong muli at sinubsob na lamang ang mukha sa dibdib nito. "It hurts, Adam," mahinang sambit ko habang umiiyak pa rin. "Masakit na maalalang muli ang mga iyon. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ito. This pain will surely be my death."

"You'll be fine. I'm here now," aniya na siyang ikinakugat ko. Mabilis akong umiling at kinagat na lamang ang pang-ibabang labi. He was the one who caused me this pain. As long that he's here, alam kong masasaktan at magkakasakitan lang kaming dalawa. Hindi ko na kaya ang kadagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Tama na!

Hindi ko alam na nakatulugan ko pala ang pag-iyak sa mga bisig ni Adam. Nagising na lamang ako na mag-isa ns lang sa silid. No sign of Adam Zamora. I silently sighed. Napatitig na lamang ako sa puting kisame ng silid. "Pagod na ako sa sakit," mahinang sambit ko sa sarili. "Bakit kailangan ko pang maalala ang mga bagay na halos ikamatay na ng buong pagkatao ko noon?" I sighed again as I felt another unbearable pain inside my chest.

"We're sorry, Mr. Del Monte. Your wife didn't make it. Hindi na nag-re-response ang katawan nito sa kahit anong treatment na ibinigay namin sa kanya. I'm sorry."

Napaupo ako sa sahig dahil sa narinig mula sa doktor ni Mama at tulalang napatingin sa kawalan. No! That's not true! Malakas si Mama! Kaya nitong labanan ang kahit ano! Death can't defeat my mother! No!

"Belle, anak." Hindi ko nilingon si Papa noong tawagin niya ako. Naramdam ko na lamang na niyakap niya ako at biglang umiyak. Kusang nag-unahang lumabas ang mga luha ko sa mga mata. Walang ingay akong umiyak. Nakatulala lang ako habang walang tigil sa pag-agos ng mga luha ko.

If this is just another fucking nightmare of mine, please, gusto ko nang magising. At sa paggising ko, kakalimutan ko ito. Hindi ko ito aalalahanin. Kakalimutan ko ang sakit na naidulot nito ngayon sa akin. Please. Please, ayaw ko nitong sakit na ito. Ikamamatay ko ito. Please. I don't want this pain. Take it away. Please.

"Welcome home, Ate Belle!" Magiliw na bati sa akin ni Harold noong namataan niya ako sa may pintuan. Nginitian ko ang kapatid ko at mabilis na niyakap ito.

"Thank you, Harold." I said to him. Humiwalay ako sa yakap ng kapatid at malayang iginala ang paningin sa paligid. This house was my home. This house was my late mother's home. I smiled bitterly, feeling again the familiar pain inside my chest.

"Belle, anak, I already called the administrator of your school. Kung kaya mo na, kung kaya na ng katawan mo, puwede ka nang makabalik sa pag-aaral," nakangiting sambit ni papa sa akin na siyang ikinatigil ko. Wala sa sariling napakunot ang noo ko at napaisip sa tinuran ng ama.

Kaya ko na ba? Of course, not. Hindi ko pa kaya. Napailing na lamang ako sa ama at umayos na lamang sa pagkakatayo. "No, Papa. Hindi ko muna ipagpapatuloy ang pag-aaral ko this semester po. I'll rest. Masyadong stressful ang medical school. Hindi ko kakayanan iyon. I need to fully recover po muna bago magsimulang muli."

Marahang tumango na lamang si Papa sa akin at hindi na nagkomento pa sa naging sagot at desisyon ko. Marahil ay hindi na nito ipagpipilitan pa ang tungkol sa pag-aaral ko sa medical school. In the first place, it was not my dream. Like hindi ko talaga naisip noong bata pa ako na mag-doktor. I always in loved with arts, iyon ang gusto ko noon. But when things happened, nag-iba bigla ang gusto ko. My mom died at the hospital, and so I made a promised to her that I will save and protect other people. Na magliligtas ako ng buhay. Buhay na hindi ko nagawang iligtas ang sa kanya noon.

Hapon na noong natapos kong ayusin ang mga gamit sa silid ko. Nakapaglinis na rin ako ng katawan kaya naman ay napagdesisyunan kong lumabas na sa kuwarto. Papa and Harold are not around. Nagpaalam ang dalawa kanina na pupuntahan nila ang eskwelahan ng kapatid ko. Harold's still catching up for the lessons he missed. Matalino ang kapatid ko kaya naman ay tiwala akong makakahabol ito sa tamang oras bago ang examinations nila.

Tahimik lang akong naglalakad at lumabas na sa bahay namin. I silently smiled when a familiar feeling touched my heart. In this village, dito ako lumaki. Dito ako nagka-isip. Dito ko binuo ang mga pangarap ko. Dito ko rin nakilala ang taong lubos na minahal ng batang ako. Wala sa sariling napatingin naman ako sa katabing bahay namin at para akong binuhusan ng isang balde ng malamig na tubig noong mamataan ang isang taong matamang nakatingin sa akin. Nakatayo ito sa labas ng isang pamilyar na bahay, nakapamulsa at tahimik na nakatuon ang mga mata sa gawi ko.

"What the hell?" mahinang bulalas ko at tiningnan ang bahay na nasa likuran nito. That was their house before! Anong ginagawa nito sa labas ng bahay nila noon?

Mayamaya lang ay halos murahin ko na ang sarili noong biglang naglakad ito palapit sa kinatatayuan ko. Oh, damn me! Belle, move! Just freaking move your feet! Nagkakagulo na ang mga alaga ko sa tiyan at halos hindi na ako makahinga noong ilang dipa na lamang ang layo namin sa isa't-isa. Oh please! Hindi ba ako puwedeng magpahinga sa issue naming dalawa ng lalaking ito?

"Welcome back to the neighborhood, Belle," he gently said then smile.

Napakurap ako at wala sa sariling napaawang ang mga labi ko sa tinuran nito. Kusang umangat ang kamay ko at itinuro ang bahay nila noong naninirahan pa sila sa village na ito. "Huwag mong sabihing-"

"Then, I won't tell you," agad na wika nito at hindi na ako pinatapos sa dapat ay sasabihin ko sa kanya.

"No." Naiiling na turan ko, hindi makapaniwalang sa posibilidad na tama ang mga ideya sa utak ko!

This can't be happening!

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon