CHAPTER 18

47.8K 1.7K 154
                                    

Nanlaki ang mga mata ko sa biglaang paglapat ng labi nito sa labi ko. Adam Zamora is freaking kissing me right now! Oh my God!

Hindi ko alam kung ano ang unang gagawin ko. What? Itutulak ko siya? Sasampalin? Mumurahin? Hahayaan na lang ba sa ginagawa nitong paghalik sa akin? Ano ba! Tila hindi ko na kontrol ang sarili ko ngayon. At kahit hindi ko man aminin ito sa sarili, alam kong hindi ko na kayang pasunurin ang katawan ko sa nais kong gawin ngayon. And just like that, I gave up fighting against my own self. Slowly, I closed my eyes, feeling the sweet and light kisses Adam Zamora is giving me right now.

Mayamaya lang ay naramdaman ko ang paggalaw ng labi nito kaya naman ay napakapit na ako sa laylayan ng damit niya. He pulled me closer to him then deepen the kiss. Segundo lang din ang lumipas ay napasinghap ako noong marahang kinagat nito ang pang-ibabang labi ko kaya naman ay malaya nitong naipasok ang dila sa loob ng bibig ko.

I cursed mentally while letting his tongue explores my mouth. At noong hindi ko na napigilan pa ang sarili, isang mahinang ungol ang pinakawalan ko noong marahan niyang kinagat muli ang pang-ibabang labi ko.

"Fuck!" Adam suddenly cursed then stop kissing me. Napamulat ako sa ginawa niya at wala sa sariling napatitig sa kanya. Lumayo ito sa akin at matamang tiningnan ako. Damn, hindi ko alam kung ano ang itsura ko ngayon habang tinitingnan ni Adam. Pakiramdam ko ay namumungay na ang aking mga mata dahil sa emosyong mayroon ako ngayon. I can even feel my face is burning right now! Tiyak ay pulang-pula ako nito! "I'm sorry. Hindi ko dapat ginawa ito but damn me, I can't help it!" mabilis na sambit nito sa akin at muli akong hinalikan.

The moment I felt his lips again, I instantly closed my eyes. This time, alam ko na kung ano ang gagawin ko. I won't push him nor slap him for kissing me like this. Itinaas ko ang dalawang kamay ko at ipinalibot iyon sa batok niya. I can feel him stiffened for a second but when he finally realized my actions, he slowly pulled me closer to him. Hinapit niya ako sa aking bewang at mas lumalim pa ang halik na binibigay nito sa akin ngayon.

Noong una ay hindi ko alam kung gaganti ba ako sa halik na ginagawad sa akin ni Adam. Nakapikit lang ako at nakahawak sa batok nito. I don't know how to kiss him properly, damn it! Samantala itong lintek na Adam Zamora na ito ay parang gutom na gutom kung makahalik sa akin!

"Open your mouth for me, baby," he softly said while still kissing me. At kagaya ng nararamdaman ko kanina pa, hindi ko na kontrol ang katawan ko. Maybe Adam is the master of my body now. Sa kanya lang susunod ang katawan ko sa mga oras na ito. Slowly, I opened my mouth. At noong naramdaman iyon ni Adam ay agad niyang ipinasok muli ang dila nito at mas pinailalim ang halik sa akin. Napahawak ako nang mariing sa batok nito at dinama ang sarap ng halik niya. And without knowing it, gumagalaw na pala ang mga labi ko at sinasabayan si Adam sa malalim na halik na mayroon kami ngayon.

I lost it. Kung ano mang pumipigil sa akin kanina o sa mga nagdaang araw, wala na ito at hinayaan na lamang akong malunog sa kung anong nararamdaman ko ngayon sa lalaking ito. I'm drowning and I don't know if I ever wanted to be saved from all of this.

"Don't leave me, Belle." Napamulat ako noong marinig ko ang mahinang boses nito. He's not kissing me on lips anymore! Nasa leeg ko na ito ngayon at marahang nilalakbay ng labi niya ang balat ko roon. Damn it! Agad na nag-init ang buong katawan ko kaya naman ay wala sa sariling naitulak ko ito. Mahina lamang iyon pero tamang natigil lang ito sa ginagawang paghalik sa leeg ko!

Nagmulat na rin ng mga mata si Adam at tiningnan ako. Akmang aatras na sana ako palayo sa kanya noong biglang hawakan niya ang kamay ko. Wala sa sariling napatingin ako roon. Damn! Parang tambol ang bilis ng tibok ng puso ko! Pakiramdam ko ay mawawalan na ako nang malay kapag nagpatuloy pa ito! Ano ba itong nangyayari sa akin?

Napalunok ako noong dahan-dahang inangat ni Adam ang kamay kong hawak niya at dinala ito sa dibdib niya, sa tapat ng puso niya. Napaawang ang labi ko noong maramdaman ang bilis ng tibok ng puso nito. Same heart beating with mine!

"Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin sa'yo. You're not even listening to me, Belle Del Monte," marahang sambit nito habang hindi inaalis ang tingin nito sa akin. "Can you feel it? This is your effect on me, Belle." Hindi ako nakapagsalita sa kinatatayuan ko. Dinadama ko lang ang bilis at lakas nang tibok ng puso nito. "Is this reason enough for you to stay with me?" tanong nito na siyang ikinagulat ko.

"H-huh?" wala sa sariling nasambit ko habang nasa kamay pa rin namin ang buong atensiyon ko. Pero ano raw? Reason for me to stay with him? What reason? His heartbeat? Ito ba ang pa ang tinutukoy niya? Mayamaya lang ay napaawang ang mga labi ko noong mapagtanto ang mga tinuran nito sa akin. "Ano?!" Napabawi ako bigla ng kamay ko sa kanya. Napaatras akong muli and this time, I succeeded! Akmang pipigilan muli ako ni Adam ngunit itinaas ko na ang kamay ko, motioning him to stop whatever he is planning to do. "What the hell is this, Adam?" mahinang tanong ko dito. "We kissed, alright, but... but don't play tricks on me for me to stay here!"

"I'm not playing anything here, Belle."

"Really? Then why you suddenly kissed me?" matapang na tanong ko sa kanya. Kung kanina ang masarap sa pakiramdam ang bilis na tibok ng puso ko, ngayon naman ay masakit na ito. Parang may kumikirot sa loob ng dibdib ko, and any moment from now, pakiramdam ko ay maiiyak na ako dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ngayon!

"You still don't remember me, I see," anito at mabilis na tinalikuran ako. Naglakad ito pabalik sa sofang kinauupan niya kanina at marahang naupo roon. Muli niya akong tiningnan at ang emosyong nakita ko kanina sa mga mata nito ay naglahong parang bula. He's now staring at me with his cold eyes.

Napalunok ako at mabilis na nag-iwas ng tingin sa kanya.

This is his true self. Cold... mysterious. Hindi iyong mga matang nakita ko kanina habang hinahalikan niya ako. Mas mabuti na ito ang ipakita niya sa akin para naman ay hindi na ako lalong maguluhan pa. Dahil, fuck, kailangan ko nang itigil itong kahibangang nararamdaman ko! At kailangan ko na talagang makaalis sa lugar na ito dahil kung hindi, tiyak na babaliw na ako!

"You really want to go?" Nagsalita itong muli kaya naman ay napabaling akong muli sa gawi niya. Ganoon pa rin ang mga mata nito, walang ibang emosyong nakikita kung hindi ang coldness nito. "Then, you can go. I won't stop you anymore, Belle Del Monte. But keep this in mind. Hindi ako nagkulang sa pagpigil sa'yo para manatili ka sa lugar na ito, kasama ako. Whatever happens to you outside this mansion is not my business anymore. Now, go and leave."

Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko. He's letting me go now. I should be happy, right? Pero, damn, bakit lalong lumala ang kirot sa puso ko? He's letting me go! Makakaalis na ako sa lugar na ito at mababalikan ko na sila Papa and Harold! Ano pa ba ang inaarte ng lintek na puso ko? Dapat ay magpasalamat pa nga ako sa naging desisyon nito! Damn it!

Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at umayos nang pagkakatayo. Mayamaya lang ay marahan akong tumango sa kanya. I smiled weakly at him then take a step backward. I stopped then looked at him intently. "Thank you, Adam," mahinang sambit ko at mabilis na tinalikuran na ito.

I can't stay inside this room anymore. Baka biglang umurong lahat ng lakas na mayroon ako at mapatakbo na lamang bigla sa tabi ni Adam. No! Hindi ko gagawin iyon. Hindi ko gagawin iyon kahit ngayon ko lang na-realize lahat-lahat ng mga nangyayari sa akin. The kiss we shared earlier. His soft lips and his soft touch on my skin. Lahat ng iyon nakatatak sa isipan ko at alam ko kung ano ang naging epekto nito sa akin.

Damn, Adam Zamora! Bakit mo ito ginawa sa akin? Why?

"Is this reason enough for you to stay with me?"

Napailing ako noong umalingawngaw sa isipan ko ang sinabi nito sa akin kanina. It can't be! Hindi maaring iyon ang nararamdaman nito. He... just can't feel the same feeling I have right now! But, fuck me! Bakit gusto kong umasa sa mga salitang iyon? Bakit gusto kong bawiin ang unang desisyon at manatili na lamang sa lugar na ito?

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon