Chapter 34

37.8K 1.1K 13
                                    

"Mama, kailangan kong makita si Adam!" nakasimangot kong sambit sabay suot ng seatbelt sa katawan. Narinig ko ang mahinang tawa ng aking ina na siyang ikinalingon ko dito.

"Belle, anak, hindi pa tayo pwedeng lumuwas ngayon. Hindi niyo pa semestral break, anak. And besides, hindi namin pwedeng iwan ng papa mo ang negosyo. You knew how much your papa loves his work."

"But mama..."

"Anak, don't you trust Adam?" mahinang tanong ni mama at nagsimula nang magmaneho. Papasok na ako ngayon sa eskwela samantalang deretso na si mama sa trabaho nito pagkatapos niya akong maihatid.

"I don't trust the girls around him!"

Naiiling na tumawa si mama. Binalingan niya ako at masuyong nginitian.

"Belle, kahit gaano karami ang babaeng nakapalibot sa isang lalaki, kung tapat naman ang puso nito, then, it's nothing," marahang sambit ni mama sabay baling muli sa kalsada. "And Adam is not just a random guy, anak. I know he's sincere. I can feel it. I saw it the way he treated you when he was here. When he told you that you were his dream, then believe it. Trust his words."

Gusto ko nang maiiyak dahil sa frustration na nararamdaman. Paano ko ba naisipan nang masama si Adam? Well, I just saw a picture of him with a beautiful and damn sexy girl! Now, sinong matinong babae ang hindi magrereact sa ganoong larawan? Definitely not me! I liked him. So much that it hurts! Big time!

"Belle, stop crying. For sure, Adam has his reason."

Natigilan ako sa sinabi ni mama at mabilis na napahawak sa pisngi ko. Damn! Why the hell I'm crying right now?

Wala sa sarili akong napatingin sa gawi ni mama at lalo akong naiyak noong mamataang malungkot na nakatingin ang aking ina sa gawi ko.

My mother smiled weakly at me.

Akmang magsasalita na sanang muli ako noong natigilan ako at kusang nanlaki ang mga mata ko. Mabilis na napatingin sa harapan ng sasakyan namin noong may namataan akong isang itim na sasakyan na patungo ang dereksyon sa sasakyan namin.

"Mama!" I shouted. Mabilis na napatingin si mama sa harapan at agarang iniliko ang manibelang hawak para maiwasan ang sasakyang sinasalubong kami.

But it's too late. Huli na ang lahat at nabunggo na ang sasakyan namin. Kahit naka-seatbelt ay humampas ang katawan ko sa gilid ng sasakyan. Napahiyaw pa ako noong tumama ang ulo ko sa salamin ng sasakyan namin. Damn!

"Mama..." mahinang daing ko at pilit na iginalaw ang ulo para mabalingan ang aking ina. The moment I opened my eyes, fear filled my whole being. Walang malay si mama at duguan ang ulo nito. I wanted to reached her but I can even move a single inch. "Mama," I called her again. Tears continuosly flow on my eyes as the pain started torturing my head. And before I totally lost my consiousness, I saw a man. Nasa harapan ito ng sasakyan namin. Looking evilishly to us. I wanted to ask a help from him pero mukhang ang tipo nito ang hindi kami tutulungan kahit na anong mangyari. Seconds passed, he slowly turned his back to us.

A black sun tattoo. That was what I saw before totally lost it.

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga. Napahawak ako sa dibdib ko at pilit kinalma ang nagwawalang puso.

I just dream about the accident happened years ago! Iyong aksidenteng nangyari sa amin ni mama!

"A black sun tattoo?" napatanong ako sa sarili habang pilit inaalala ang panaginip.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na kinuha ang cellphone na nasa tabing mesa ng kama ko. I immediately dialed Adam's number. Dalawang ring lamang ay sinagot na nito ang tawag ko.

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon