CHAPTER 24

45.5K 1.5K 18
                                    

"Please lang, nauubos ang binaon kong english sa'yo, Adam," nakasimangot kong sambit habang kausap si Adam.

Nasa mini park na naman kami ng village namin. This became our habit since the day we met here and demanded na tawagin ko lang siyang Adam lang. No kuya... just his name, Adam. At first, it was awkward. Why? Simple because he's way older than me! Sinubukan ko ngang tawagin siyang Kuya Adam ulit noon pero para akong kumakausap sa isang bato na kahit anong pilit kong magsalita ito ay hindi man lang bumigkas ng kahit anong letra!

At ngayon, mukhang nagsisisi na akong maging kaibigan at makausap ito. Puro English ang lumalabas sa bibig niya! Minsan lang mag-Tagalog! Nakakaubos nang pasensiya ang isang ito! Nakakaubos ng dugo!

"Out of words, huh? Wanna know the reason why, Belle? Because you talk a lot," nakangisi nitong sambit at ginulo ang buhok ko. Iyan! Diyan siya magaling! Alam niyang gustong-gusto kong nakikitang ngumingiti ito kaya naman kapag nakasimangot ako ay ngumingiti ito! At nahahawa ako sa ngiti niya! Ibang klase!

"Ewan ko po sa'yo," umismid ako. Natawa ito sa akin ngunit biglang tumunog ang phone nito. Napaayos ako nang pagkakaupo at pinagpatuloy ang pagguguhit. Hinayaan ko na laman ito sa ginagawa niya.

"Hello?" narinig kong sambit ni Adam sa tabi ko. It must be Kuya Stanley, his best friend. Nasa ibang bansa ito ngayon kaya naman kung tumatawag ito sa kanya ay talaga best friend bonding moment talaga ang dalawa. Nakausap ko na rin ito through Adam's phone. At minsan video call pa! Maingay din ito, and he's also a Filipino! Mas marunong at magaling itong mag-Tagalog kumpara kay Adam kaya natutuwa akong kausapin ito. He's a charming too! Mas bubbly ang personality nito kaysa sa kaibigan niya!

Isang linggo na lamang ay birthday ko na! It's my tenth birthday at kagaya ng pinangako nila Papa sa akin noon, sa isang sikat na amusement park kami pupunta. I invited my friends too to celebrate with me. Pati parents nila ay kasama! I'm so excited!

"Adam!" tawag ko rito noong nakita ko itong nakasakay sa bike niya. Mabilis akong lumabas sa bahay namin at patakbong lumapit sa kanya. Nakangiti akong lumapit sa kanay at kinawayan ito.

"Good morning, Belle," he greeted me.

Mabilis kong inabot ko sa kanya ang invitation na hawak-hawak at nakangiting sinabi rito ang tungkol sa birthday ko sa susunod na linggo. "Promise me, Adam, that you'll be there." I smiled widely at him. Kita kong nakatingin lamang ito sa binigay kong invitation sa kanya. Hindi ito kumibo kaya naman ay napawi ang ngiti ko sa labi. Bigla akong nakaramdam nang discomfort habang nakatingin sa tahimik na si Adam. May problema ba ang isang ito?

Tumikhim ako. "Adam," tawag pansin ko sa kanya. Doon lamang ito nag-angat nang tingin sa akin. Napakunot ang noo ko noong makitang tila may iniisip ito kanina bago ko tawagin ang pangalan niya. "Narinig mo ba ang sinabi ko kanina, Adam?" tanong ko rito habang pinagmamasdan ang bawat galaw nito.

"Uhm." Lumunok muna ito at mabilis na inilagay sa bulsa ng pantalong suot ang ibinigay kong invitation para sa party ko. "Of course, I won't miss it, Belle."

Ngumiti ako sa kanya at pinagsawalang-bahala ang napansin kong kakaiba sa ekspresyon nito kanina. Adam is true to his words. Sa tatlong taong naging kaibigan ko ito, nakilala ko na ang pag-uugali nito. He maybe cold sometimes, but he's someone that is true to his words. Kung sinabi nitong pupunta siya, gagawin niya. I trust him. Hindi niya babaliin ang pangako niya. Lalong-lalo na ang pangako niya sa akin.

"Wanna ride?" Napakurap ako noong biglang nagsalita ito. Nakangiti na ngayon si Adam kaya naman ay ngumiti na rin ako. Mabilis akong umangkas sa likod ng bike niya at kumapit sa bewang nito. "Don't let go, Belle," he gently said then touched my hand. I smiled. His touched really comforts me. Isang hawak lang nito ay nagiging panatag na ako.

"I won't, Adam," sambit ko rito at hinigpitan ang yakap sa kanya. Hindi ko pakakawalan ang isang ito. Maybe this is not our time yet but I'm praying for the both of us. He once told me that I am his dream. At panghahawakan ko iyon. "I won't let go, Adam. I promise."

Napatingin ako sa orasang nasa sala namin. It's almost midnight at matatapos na ang birthday ko. When the clock hand strikes to twelve, tapos na rin ang araw na ito. I sighed.

"Belle, anak, go to your room and change your dress already," maingat na sambit ni Mama sa akin. "Bukas, siguradong nandito na ang mga Zamora. May emergency lang sila kaya wala sila ngayong araw."

Napasimnagot ako. "At sa eksaktong birthday ko pa talaga, Mama?" halos maiyak na tanong ko sa ina. Kanina pa namumuti ang mga mata ko kakahintay kay Adam! Ni hindi ko na enjoy iyong tour namin sa amusement park kanina! Nawalan ako nang gana dahil na kay Adam ang isip ko! Bakit ba kasi hindi ito dumalo?

"Belle, it was an emergency. Hindi naman iyon sinadya ng mga Zamora."

"Five minutes, Ma," mahinang sambit ko. Five minutes na lang naman tapos na ang kaarawan ko.

Five minutes.

Please, Adam, don't break me within that time.

Please.

"Stop it, the two of you!"

"Belle will be fine, Adam. Kumalma kayong dalawa."

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata noong narinig ko ang boses ni Papa. Ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay napapikit muli ako dahil sa liwanag na nagmumula sa ilaw ng silid.

"If something bad happens to her, I'll kill you myself, Perez. Mark my words." It was Adam. Damn, he's still here? Mukhang nandito pa rin si Stanley Perez sa hospital room ko.

"I was about to tell you about her condition the moment I opened the door but you gave me immediately an endless punches, asshole!" galit na wika ni Stanley dito. So, hindi pa tapos ang dalawang ito sa pag-aaway nila. "Can't you see? I'm a patient here too! Dapat discharged na ako ngayon pero mukhang mas magtatagal pa ako rito kaysa kay Belle!"

"Serves you right," walang buhay na banat naman ni Adam sa kaibigan.

Bahala kayong dalawa diyan!

Gusto ko mang imulat muli ang mga mata pero minabuti ko na lamang na manatiling nakapikit. Hindi ko alam kung paano haharapin ang mga taong nasa loob ng silid na ito. I remember everything now. At ngayong naaalala ko na si Adam, hindi ko alam kung paano ko ito haharapin. I hated him for so long. I hated him for leaving me. I hated him because my hate for him destroyed me. I lost my mother because of that hate. And now, I hated myself more.

Noong namatay si Mama, ni hindi ko maalala ang dahilan kung bakit kami naaksidente. Basta pagkagising ko na lamang noon, I felt numb. I cried for my mother's death hanggang sa mawalan na rin ako ng luha. At noong iniwan niya kami, ang tanging nasa isip ko ay ang maging mabuting anak sa ama ko at maging mabuting kapatid kay Harold. Papa didn't tell me anything about what happened. Tahimik lang itong nagluksa habang ginagawa ang responsibilidad bilang ama at ina sa aming magkapatid.

Five years... ni minsan ay hindi namin pinag-usapan ang nangyari sa amin ni Mama. Hindi ako tinanong ni Papa kung paano nangyari ang aksidente. Kung saan kami dapat pupunta noong gabing iyon. Nothing. Walang nagtanong sa akin kaya naman kahit ako mismo ay hindi na nag-abala pang alalahanin ang totoong nangyari. Tila lahat ng nangyari noong gabing iyon ay ibinaon na namin sa limot. Nawala ito sa isipan ko kasabay nang pagkawala ni Mama sa buhay namin. At ngayong tanda ko na lahat, wala na akong mukhang ihaharap sa kanilang lahat. Papa suffered a lot because of me. Harold lost his mom because I was a selfish sister. I was a failure. Noon hanggang ngayon.

Mama, I'm so sorry. It was my fault. I'm sorry.

Mayamaya'y natahimik sa wakas ang buong silid. Mukhang nagsialisan na ang mga ito. It's a relief, though. I need an alone time for myself. Hindi ko kailangan ang walang tigil na bangayan nila Adam at Stanley. Funny that they never changed. Kahit ilang taon na ang lumipas, ganoon pa rin ang dalawa. Magulo. No, mas magulo na pala sila ngayon. Halos magpatayan na pala ang dalawang iyon.

I sighed.

"I know you're awake, Belle. You can open your eyes now."

Damn! Bakit nandito pa ang isang ito?

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon