Chapter 29

43.4K 1.4K 57
                                    

Tahimik kong pinagmamasdan ang hampas ng alon sa dalampasigan. Hindi na masyadong masakit sa balat ang sinag ng araw kaya naman ay naupo na ako at dinama ang lamig ng ihip ng hangin.

I sighed.

Ano ba kasing naisip ni papa at pumayag itong ilayo ako sa siyudad? At kasama pa talaga si Adam! I'm okay with bodyguards naman! Really, walang problema iyon sa akin. Compare naman sa lugar na ito! This is way far from Sta. Barbara! Isa itong isla na may isang malaking bahay. Nag-iisang bahay!

Napasimangot ako.

"Lakas ng loob na dalhin ako dito sa isla na ito tapos iiwan din naman pala!" himutok ko.

Napapadyak ako sa buhangin dahil sa frustration. Kanina, noong masigurong humihinga pa naman ako, nagpaalam si Adam na may aasikasuhin ito. Sumakay itong muli sa yatch na nagdala sa amin dito at umalis na!

"Kung hindi lang nakiusap si papa, hindi talaga ako sasama sa lugar na ito!" inis na sambit ko at tumayo na. Pinagpag ko ang buhangin dumikit sa suot kung pantalon at naglakad pabalik sa malaking bahay.

Sa pintuan pa lamang ay may dalawang taga bantay na roon. Napangiwi na lamang ako. This island is surrounded by Adam's men, lalo na itong mansyon niya dito. Hindi ko na lang pinansin ang presensiya nila at nagtuloy-tuloy na lamang sa pagpasok.

"Yes, Young Master. We'll look after her. No need to worry too much."

Natigilan ako sa paglalakad noong mabungaran ko si Orly na may kausap sa cellphone. Young Master? I'm pretty sure it was Adam. Naramdam nito marahil ang presensiya ko kaya naman ay natigil ito at bumaling sa kinatatayuan ko. Umirap ako dito at nagpatuloy sa paglalakad papanhik sa kwartong pinaglagyan ko ng mga gamit ko kanina.

"Bakit nga ulit ako pumayag na dalhin ako ni Adam dito?" parang tanga kong tanong sa sarili at nahiga sa kama. "Right, dahil kay papa. Para maibsan ang pag-aalala nito sa akin. Dahil kay papa at wala nang iba."

Mariin kong ipinikit ang mga mata at hinayaan ko na lamang ang sariling makatulog.

"Belle, anak," napalingon ako kay papa noong tawagin niya ako. Hawak nito ang cellphone at inabot sa akin. "Adam's on the line."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni papa.

"Adam? Wala po akong kilalang Adam, papa," I honestly said. Pamilyar sa akin ang pangalan ngunit hindi ko matandaan kung saan ko ito narinig noon.

"Belle..."

"Saan ilalagay itong mga gamit ni mama?" pag-iiba ko sa usapan. Bigla kasing naging uncomfortable ako. Hindi ko alam kung bakit. Okay naman ako kanina habang inaayos ang mga gamit ni mama.

"Just leave it here, anak. Ako na ang bahala riyan," ani papa at tinalikuran ako nito at kinausap ang kung sino mang Adam na nasa kabilang linya. Nagkibit-balikat na lamang ako at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga gamit ng aking ina.

I smiled when I found an old photo album.

Agad akong naupo nang maayos sa sahig at binuklat ito. Iba't-ibang okasyon nang mga litratong nasa album. My mother really loved to collect photos, to collect memories.

Marahan ang bawat paglipat ko bawat pahina ng album. I was smiling the whole time while browsing the photos ngunit bigla akong natigilan noong may nakita akong isang litrato.

It was me and a guy! Nakaangkas ako sa bike nito. Parehas kaming hindi nakatingin sa kamera pero kuhang-kuha nito ang kasiyahan naming dalawa sa larawan!

Who is this guy?

Inangat ko ang kamay at hinaplos ang larawan.

"Adam," wala sa sariling nabigkas ko habang hindi inaalis ang tingin dito.

"Wake up, Belle," naalimpungatan ako dahil sa naramdamang marahang haplos sa aking mukha. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at napakunot ng noo noong makita ang mukha ni Adam. "Finally," he said while smiling. "Goodevening."

"Adam!" mabilis kong nasambit noong mapagtantong nasa harapan ko ito. Agad akong napaupo pero mukhang mali ang nagawa ko. Pareho kaming napadaing ni Adam noong nagkauntugan kaming dalawa.

"Ouch!" bulalas ko sabay himas ng noo ko. Ang sakit!

"That's fvcking hurt!" Adam said then take a step backward.

"What the hell, Adam! Bakit ka nanggugulat!" sigaw ko dito habang hindi pa rin inaalis ang kamay sa noo.

"You overreacted, Belle. You already saw me the moment you opened your eyes," kalmadong sambit niya at binitawan na ang noo nito. Napangiwi ako noong makitang namumula ito at tiyak kong ganoon din itong sa akin! Pero, teka, ano raw? I what? Overreacted?

"Nagulat ako, Adam, kaya naman ay napabangon ako," depensa ko sa sarili.

Tumango-tango ito at humakbang palapit muli sa akin. Natigilan ako. Pinanuod ko lang ang bawat galaw nito at hindi na ako nakaangal noong hinawakan nito ang kamay ko at tinanggal ito sa may noo ko. Nanlaki ang mata ko noong marahang hinaplos nito ang nasaktang noo.

"I'm sorry," anito at seryosong nakatingin sa noo ko. "Hindi ko sinasadyang gulatin ka," bawat salita nito ay kasing gaan nang haplos nito sa akin. Nakakapanghina. "Does it still hurts?" he asked while he continue massaging my forehead. Dahan-dahan akong tumango dito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

The familiar pain is currently torturing my heart right now but, damn that pain, I ignored it! Ngayon ko lang ulit nakita nang malapitan si Adam. Ngayon lang and I want to treasure this moment. I want to remember this one. Kahit ito na lamang.

Para akong tumakbo nang ilang milya dahil sa bilis nang tibok ng puso ko. Tinapos ni Adam ang paghaplos sa noo ko at marahang hinalikan ako sa noo na siyang ikinagulat ko nang husto!

"Adam!"

"Sshhh," suway niya sa akin habang nasa noo ko pa rin ang mga labi nito. "Don't say anything, Belle," parang nanghihina nitong sambit sa akin. "Just let me do this. Kahit ito lang, Belle. Kahit ito lang. Huwag mo namang ipagkait ito sa akin, Belle."

Napaawang ang mga labi ko dahil sa mga tinuran nito.

Oh, Adam!

Gamit ang natitirang lakas, inangat ko ang dalawang kamay at inilapat iyon sa dibdib niya. Tinulak ko ito at bahagyang nilayo sa akin. Nag-angat ako nang tingin sa kanya at halos malusaw ako sa uri nang titig nito. My heart is melting while staring at Adam's eyes. Puno ito ng napakaraming emosyon.

"What happened to us, Adam?" mahinang tanong ko dito at inangat ang kamay. Hinaplos ko ang mukha nito at pinunasan ang mga luha sa pisngi niya. Adam Zamora is freaking crying! "This is not you, Adam. Stop this."

"Belle..."

"Is it because of me?" mahinang tanong ko dito. Marahang umiling ito at ipinikit ang mga mata. "I don't deserved this tears, Adam. Stop it already," hindi ko na mapigilan ang sarili. Ni hindi ko na naiisip nang maayos ang mga salitang binibitawan.

Mabilis na nagmulat si Adam at matamang tiningnan ako.

"You deserve everything I have, Belle. Even my life," natigilan ako sa pagkabasag ng tinig nito. "Gagawin ko lahat para maibalik lahat nang nawala sa atin. Pupunan ko lahat nang mga panahong sinayang ko. I'll do everything to make things right now. Please, Belle. Let me fullfil my dream," he said, almost begging then in just a snap, he closed the distance between us. His lips crashed on mine!

Sa gulat ko ay napalayo ako dito pero agad akong hinawakan ni Adam sa bewang at batok ko! I froze. Hindi ko na alam kung anong gagawin!

Kusang nanlaki ang mga mata ko noong nagsimula nang gumalaw ang mga labi ni Adam. He's moving slowly, slowly that it makes me insane! Wala sa sarili akong napapikit at dinama ang halik nito sa akin. Mayamaya pa'y napadaing ako noong bahagya nitong kagatin ang pang-ibabang labi ko.

"Open your mouth for me, baby," he whispered while giving me light kisses. Hindi na ako nagulat noong kusang sumunod ang katawan ko sa nais ni Adam. I immediately opened my mouth for him and the moment my mouth was opened, his tongue instantly dive in.

Napadaing ako at napahawak sa magkabilang balikat nito. Wala na talaga ako sa tamang pag-iisip ngayon. Dalang-dala na ako sa halikan namin ngayon. Lunod na lunod na ako sa malalalim na halik na binibigay ni Adam sa akin.

Damn! What have I done this time?

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon