CHAPTER 8

55.3K 2K 33
                                    

"Belle Del Monte," bungad sa akin ni Adam Zamora noong tuluyan na akong makapasok sa kuwarto niya. Hindi ako kumibo. Mataman lamang akong nakatingin sa kanya. Nakaupo na naman ito at seryosong nakatingin din sa akin. Pasaway talaga ang isang ito! Napailing na lamang ako at hinayaan itong magsalitang muli. "I think I've heard your name somewhere before." Nakakunot-noong dagdag pa nito.

Napailing na ako sa kanya. "Nakaupo ka na naman, Mr. Zamora," sambit ko at lumapit na sa kanya. Ramdam ko ang pagsunod ni Orly sa likuran ko ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa.

"I can handle my body, doc. I've been in this kind of situation for a couple of times but of course, this was the worst," anito na parang wala lang sa kanya ang halos mamatay na siya dahil sa nangyari sa kanya.

Napailing akong muli sa kanya. "Hindi ka marahil nag-iingat, Mr. Zamora," wala sa sariling sambit ko at tiningnan ang monitor ng ventilator nito. Napakunot ang noo ko at agad na kinuha ang stethoscope ko. Inilapat ko ito sa dibdib niya at pinakinggan ng mabuti ang heartbeat nito. Seems normal to me pero alam kung may mali. "Inhale, please," matamang utos ko na siyang ginawa naman niya. Lumayo ako sa kanya at may isinulat sa papel na nakalagay sa ilalim ng mesa sa tabi ng kama niya. Monitoring sheet niya ito. Inilagay ko ito rito kagabi para hindi na ako nahihirapang bumalik sa kuwarto ko kung may kailangang i-update ako tungkol sa status niya.

"Sa tingin mo," anito na siyang nagpatingin sa akin sa mukha niya. "...gagaling agad ako?"

"Depende, Mr. Zamora. Ikaw na mismo ang nagsabi kanina, ilang beses mo ng naranasan ito. Hindi mo ba naisip na baka pagod na ang katawan mo?" tanong ko at umayos na nang pagkakatayo habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "May hangganan din ang kaya ng katawan natin, Mr. Zamora. Kaya nga dapat ay hindi natin ito inaabuso. At sa kaso mo, mukhang pagod na pagod na ang katawan mo," dagdag ko pa at inabot sa kanya ang hawak na papel. "That's your monitoring sheet. Lahat ng pagbabago sa katawan mo ay nariyan. And sad to say, it's a negative news for you. Gising na gising ka nga, mahina naman ang katawan mo."

"Then do something," mariing sambit nito habang hindi inaalis ang tingin sa papel. Matalino ito, he's an engineer. Alam kong maiintindihan niya ang mga bagay na isinulat ko roon.

"Doktor lang ako, Mr. Zamora. Hindi diyos. I can't do anything over something that is beyond impossible." Napalingon ito sa akin na siyang mabilis na ikinatigil ko. Damn, mukhang mali iyong mga salitang binitawan ko sa kanya.

"Stop talking nonsense, Belle Del Monte," malamig na sambit nito at binalingan akong muli.

I sighed and tried to look unaffected with his cold and intense stares. "Nahihirapan kang huminga ngayon dahil sa rib damages na natama mo. Hindi mo rin puwedeng biglain ang mga bagay-bagay kagaya nang pagkilos diyan sa kama mo dahil kahit successful ang surgery mo sa ulo, maraming maaring mangyari na puwedeng ikapahamak mo lalo. A bullet inside a head was a serious and dangerous case, Mr. Zamora. A rare one too."

Kita ko ang pagdilim ng ekspresyon nito. He's controlling his emotion. Again. Alam niyang tama lahat nang sinasabi ko sa kanya. At ngayon pa lang, parang gusto ko nang umatras sa naging usapan namin ni Don Zamora. His grandson case is way too complicated, lalo na't hindi naman talaga ako tunay na doktor. Mas mahihirapan kami kung ipagpapatuloy namin ito. And with Adam Zamora's attitude, mas dumoble ang kaba ko para sa trabahong ito.

I sighed again and looked at him intently. Ganoon din ang ginawa niya at hindi na muling nagsalita pa. We just stay quiet while looking at each other's eyes.

Ngayon ko lang napagtagpi-tagpi lahat ng mga impormasyong nakalap ko. Kung hindi ko pa nakikita ang folder sa may library kanina, tiyak kong mamamatay na lamang ako at hindi ko na makikilala pa nang tuluyang ang taong nasa harapan ko ngayon.

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon