Behind her Innocence
Chapter Fourteen
ImaginationNpaperDali-dali kong tinext si Webster na nandito si Mikko, hindi ko s'ya pwede tawagan at baka mahalata ni Mikko. Kahit 'di ko tignan kung nasan s'ya e ramdam ko naman na may nagmamasid sa bawat galaw ko.
Tinatawagan na ako ni Webster pero hindi ko 'to sinasagot, tinext ko na lang s'ya na huwag ako tawagan.
Hindi ko magawang mag enjoy dahil sa nandito lang sa paligid ang mga Mondragon, bakit ba kasi hindi ko naisipan na maging handa? Siguro dahil masyado akong nalibang sa presensya ni Webster.
Kumain na kami, ang daming pagkain pero halos 'di ko malunok ang kinakain ko. I also clicked my watch, alam ko na nasa paligid na ang mga ito.
Maya-maya pa tinawag na ang mga may mga awards. Kahit na may sash ako, alam ko na hindi na ako kasali pa sa tatawagin. Hindi ako rumampa kanina e, kaya mas tinuon ko na lang ang aking atensyon sa pakikipag-ugnayan kina Webster at Sir Julian.
Nakalimutan ko, investor nga pala ang mga Mondragon sa school namin kaya siguro nandito sila.
"Sabrina! Tawag ka na ni Miss Lhyn," tawag ni Evon sa atensyon ko.
"Bakit, ano raw ang kailangan?" Sagot ko habang nakatingin pa rin sa aking cellphone.
"Miss Sabrina," tawag ni Miss Lhyn.
Agad naman akong napatingin sa direksyon n'ya...
Kanina pa pala ako tinatawag.
"Miss Sabrina is our Queen of the night!" Anunsyo ni Miss Lhyn, dahilan para napa-awang ang bibig ko.
Kung gano'n...Jusko, center of attraction ang Lola n'yo.
Binigyan ako ni Maam ng Isang malaking Bouquet kasana na noon ang Sash na may naka imprintang "Queen of the night", kasama ang trophe tsaka certificate and enevelope na cash ang laman.
Teka... s'ya ang magsasabit ng Sash ko?
Dahan-dahan akong nilapitan ni Mikko tsaka nilagay ang sash sa suot kong damit.
"Ang ganda mo naman Sab,"
"Buti na lang talaga dumalo ako ngayon, sabi na e makikita kita." Bulong nito sa akin sabay bineso-beso ako.
Medyo malaki rin ang koronang ipinatong sa ulo ko, pero hindi ito hadlang para ipagtanggol ang sarili ko.
Magpapapicture na sana kami nang buglang dumikit sa akin si Mikko at dahan-dahang hinahaplos ang aking bewang.
Agad ko s'yang siniko at pinulupot ang braso n'ya sa likuran nito.
Nagkagulo na ang ma tao na nandoon, dahil nagsilabasan na rin ang mga tauhan ni Mikko. Sinasabi ko na e, nandito lang sila sa paligid.
"Bakit ka nandito Mikko?" Tanong ko sa kan'ya, hindi ko pa binibitawan ang braso n'ya...
"Miss na miss na kita Sabrina, kaya pumunta ako rito para makasama ka na mahal." Sagot nito habang namimilipit sa sakit.
Nagulat ako sa sinagot nito kaya lumuwang ang pagkakahawak ko sa kan'ya, dahilan para makawala ito. Niyakap niya agad ako ng napakahigpit.
Agad ko naman itong tinulak ng napakalas sabay sipa sa sikmura nito. Napaupo ito sa sakit, sabay hawak-hawak ang tiyan n'ya.
"Nababaliw ka na Mikko!" Sigaw ko ditom
"H-hindi Sabrina,mahal talaga kita..." nauutal na sagot nito sabay hinawakan ako ng tatlong tauhan n'ya sa magkabilang braso.
Mabilis ko namang sinipa ang lalaking nasa harapan ko at tumambling para matumba ang dalawang lalaking nasa magkabilang braso ko. Kasabay ang pagkahulog ng koronang nakasabit sa ulo ko.
Webster asan ka na ba, wala akong dala ngayon...
Buti na lang talaga at hindi pa sila naglalabas ng bario o kutsilyo para panlaban sa akin, mahirap na.
Pinalibutan nila akong tatlo, hindi ako magawang tulungan ng aking mga guwardiya dahil may kinakalaban din sila.
Wala ring lakas ang aming mga guro para ipagtanggol ako, ang weak talaga ng mga taong 'to.
Isa-isa nila akong sinugod, sunod-sunod na suntok pero naiiwasan ko.
Isang malakas na sipa sa mukha ang pinakawalan ko para mahimatay ang lalaking unang sumugod sa akin.
Kasunod ng isang lalaki na may hawak na maliit na patalim, huwag lang sana ako madaplisan nito...
Mabilis n'yang pinaikot-ikot ang patalim ss kamay n'ya habang papalapit sa akin.
Todo iwas naman ako para hindi madaplisan.Isang hakbang ko pa at wala na akong maatrasan...
Pumorma na ako para sa pagsugod n'ya. Magaling ang isang 'to, medyo nahihirapan lang akong gumalaw dahil sa gown na suot ko at heel.
Agad kong pinunit ang ibabang parte ng aking suot na gown at ginamit iyong panangga.
Sinugod ko ang pangalawang lalaki, at agad na tinira ang likuran nito gamit ang aking paa.
Pinulupot ko agad ang aking hawak na punit na parte ng gown sa katawan ng lalaking 'to at sinuntok ang batok para mahimatay.
Napaurong ako sa lalaking nasa harapan ko, hawak nito ay isang kuwarenta'y singko na baril.
Tinaas ko lang ang aking dalawang kamay, senyales na hindi na ako lalaban pa.
Nagpakawala ako ng isang malakas na buntong-hininga, handa na s'yang pindutin ang gatilyo ng baril...
Napapikit na lang ako at hinintay ang pagputok nito...
Isa
Dalawa
TatloKasabay nito ang pag-alingawngaw ng putok ng baril...
BINABASA MO ANG
Behind Her Innocence (COMPLETED) (Under Editing)
AcciónREVENGE. A woman who will do everything to get the justice she was aiming.