BHI: Chapter Thirteen

3.3K 69 0
                                    

Behind her Innocence
Chapter Thirteen
ImaginationNpaper

Natigilan ako sa sinabi nito, kapatid n'ya? Gosh, nakakahiya ka Sabrina.

"K-kapatid, anong pake ko?" Nauutal na sagot ko sabay tuluyan ng lumabas sa Hall.

Tinignan ko ang mukha ko sa harap ng aking cellphone, pulang-pula ako dahil sa kahihiyan..

Ayan kase, ang oa kung makareact.

Dumiretso na ako sa banyo at naghilamos, pahiya ako do'n ah. Teka nga, ba't ako gano'n kung makareact kanina? Anong ibig sabihin nito? Wala, baka kasi 'di lang ako sanay na may kinakausap na ibang babae si Web.

How come na naging magkapatid sila? Nagkaroon kami ng bangayan dati ni Veronica, paratangan daw ba ako na nilalandi ko jowa n'ya. Excuse me, focus ako sa pag-aaral dati, sinugod n'ya lang naman ako sa school.

Hindi ko rin alam na magkapatid pala sila, akala ko kasi only child lang si Webster. Hindi n'ya 'yon nasabi ah.

Bigla akong napapitlang nang biglang bumukas ang pinto ng Cr.

"Tawag ka na roon, bilisan mo na at magsisimula na raw." Malamig na saad ni Veronica.

"Ba't ikaw ang tumawag sa akin?" Mataray na sagot ko.

"Sa pagkakaalam ko, matalino ka Sabrina. Sa tingin mo papasok ang nga lalaki rito sa loob ng banyo? Ang malala pa, banyo 'to ng mga babae! Gamitin mo rin 'yang utak mo, 'di 'yong puro ka pagseselos!" Pagtataray nito at lumabas na agad.

Speechless ako do'n ah, Argh! What's wrong with you Sabrina?

Binilisan ko na lang ang kilos ko at bumalik na sa Hall, wow center of attraction lola n'yo.

"Tinitingin-tingin n'yo?" Saway ko sa kanila sabay irap

"Sungit talaga," bulong ni Rivera pero rinig ko naman.

Inirapan ko na lang ito at dumiretso na sa harap, teka? Close ba talaga si Veronica at Sjr Julian? Kung mag-usap sila parang ang tagal na nila magkakakilala.

Tumikhim ako para matawag ang atensyon nila, umayos naman sila ng upo nang mapansin nila na nandoon na ako. Maya-maya pa lumipat ng puwesto si Webster, doon sa tabi ko.

Nagsimula na si Sir sa emergency meeting, pero si Webster naman oanay din ang pagpapapansin sa akin.

"Webster ano ba? Mamaya na nga lang, nakikinig pa ako kay Sir Julian," saway ko sa kan'ya na panay ang chismis.

"Sabrina, sorry... about what happened." Mahinang saad n'ya.

Napangiti na lang ako ng mapakla, nagsisisi ba s'ya sa nangyari?

"Okay lang, kalimutan mo na lang 'yon." Saad ko at tinoun na ang atensyon kay Sir,

Pero ang totoo talaga, hindi ko maintidihan si Sir dahil sa ang dami-dami kong iniisip. Pero naku n'ya ang atensyon ko nang bigla s'yang nagtanong...

"Nandito na ba ang Mondragon brother sa Pilipinas?" Tanong nito,

Walang sumagot kaya tinaas ko na lang 'yong kamay ko. Tumango naman ito bilang sensyales na magsalita ako.

"Nakita ko siya last time Sir, hindi ko lang po nasabi sa inyo dahil ang dami ko pong iniisip." Saad ko dito,

Napakunot ang noo ni Sir, "anong problema mo Sabrina?" Takang tanong nito.

Napakagat ako sa labi ko at naramdaman ang pagtingin ni Webster sa akin.

"Personal problems po," saad ko.

Behind Her Innocence (COMPLETED) (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon