BHI: Chapter Eight

3.6K 85 0
                                    

Behind her Innocence
Chapter Eight
ImaginationNpaper

JULIAN'S POV

Nakakalungkot isipin na dalawang members ko ay dumaan sa panganib, ang mga Mondragon na 'yon talaga! Araw n'yo ngayon, mag bunyi kayo pero kapag naging okay na si Sabrina at Webster humanda kayo.

Buti nalang talaga at hindi malala ang kalagayan ni Webster, wala namang nabaling buto sa kan'ya o damage na mga organ. Nahimatay lang ito dahil sa impact ng pagkakabagsak ng sasakyan, buti nalang nasaklolohan s'ya agad ni Rivera.

This is why I really do admire my people, they treat each other as a family. Hinding-hindi pinapabayaan ang isa't-isa.

Wanted na ang mga Mondragon dito, by any chance na mahanap sila ay diretso na sila sa kulungan. Alam na nang mga pulis ang mga gawain nila, sindikato din sila sa mga pagbebenta ng mga babae sa mga dayuhan.

Pati ang pagpasok nila sa mga illegal na club at pag gamit ng mga babae ay alam na ng mga pulis. Tignan lang natin kung hanggang saan ang kaya n'yo Mondragon Brothers.

Nasa hospital ako ngayon, binabantayan si Webster. Hindi pa alam ni Sabrina ang nangyari, pero baka sinabihan na siya ni Rivera. Bumisita na ang team kanina sa silid n'ya, sobrang tuwa namin at tuluyan na s'yang nagising. 'Yon nga lang, si Webster na naman ang nasa gan'tong kalagayan.

"Aray.." mahinang sambit ni Webster habang iniinda ang kan'yang ulo.

"Web, gising ka na!" Masayang sambit ko at nilapitan ito.

"Sir, how come na nandito na ako sa hospital?" takang tanong nito.

"Remember kanina? Inatake kayo ng mga tauhan ng mga Mondragon, Rivera and his team saved you." Pagpapaalala ko sa kan'ya.

"Oo nga pala, Sir favor naman oh?" Sambit nito ta nag pacute.

Teka, kailan pa 'to natutong mag pacute?

"Nakakasuka tignan Web, ano ba 'yon?" Pagbabara ko sa kan'ya at sumimangot ito.

"Ikaw naman Sir, masyado kang honest." Nakasimangot na sagot n'ya.

"Asus, ano nga 'yon?" Tanong ko ulit dito.

"Kanina pa po ako nagugutom, gusto ko na po kumain." Nahihiyang sambit nito.

"Nakakatawa ka, alam mo 'yon? Sige na, ano ba gusto mo at mag oorder ako." Natatawang sagot ko.

"Isang lasagna at cokefloat, isang large fries at limang burger sali n'yo na din ang large pizza. Treat n'yo sir ah?" Kunwari nahihiyang saad nito.

"Nahiya naman ako sa'yo Webster, tao ka ba?" Hindi makapaniwalang sagot ko.

"Sir naman, dalawang araw na akong walang kain kaya kulang pa nga po 'yan e." Maktol nito.

"Akala ko bibigyan mo si Sabrina, hindi pala." Kunwaring pagpaparinig ko dito.

"Ay bawal pa po s'ya kumain ng mga ganyan Sir, kung gusto n'yo po treat n'yo po s'ya ng Fresh Milk!" Suhestiyon nito.

Wrong move yata Julian e,dagdag gastos pa. Natatawa ako sa naisip ko.

"Oo na, ito na o mag oorder na ako." Saad ko dito at tumawag na for delivery.

Maya-maya pa may narinig kaming mga katok, sino kaya 'to. Agad ko namang binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang nakawheel-chair na si Sabrina.

"Sir Julian, kamusta na si Webster?" Nag-aalalang tanong nito na nakasulat sa notebook n'ya.

"Okay na siya Sabrina, pasok ka muna." Saad ko at ako na ang tumulak sa wheel chair n'ya.

"Sabrina.." Nakangiting sambit ni Webster.

Simula nang magtrabaho si Sabrina sa amin ay biglang nagbago na si Webster, masyado itong mahangin dati at maangas pero noong dumating si Sabrina ibang-iba na ito.

Masyadong halata sa kan'ya na nahuhulog na ito kay Sabrina. Walang problema sa akin 'yon, basta ba hindi lang ma apektuhan ang mga trabaho nila.

Kinamusta lang ni Sabrina si Webster at binigay ko na din ang fresh milk sa kan'ya, bawal pa s'yang mag tagal sa labas ng silid n'ya dahil kailangan n'ya mag oxygen every 2 hours.

Wala kaming pake sa babayaran sa hospital, we can pay it ang amin lang ay gumaling na sila ng tuluyan.

Honestly speaking, I admire Sabrina for being brave. She's too charming, hindi mo aakalain na matapang ang babaeng 'to sa isang tingin lang. Only admire, I'm their senior bawal akong ma fall kay Sab, knowing na nahuhulog na sa kan'ya si Web. Baka maupakan n'ya pa ako.

"Sir, kain ka po oh! Salamat po sa treat ah." Saad ni Web habang nginunguya ang pagkain n'ya.

"Takaw mong bata ka," natatawang saad ko. "Hinay-hinay, hindi ka mauubusan" patuloy ko.

Nagpaaalam na muna ako sa kanila na babalik na ako sa quarter, they're safe their I'm sure.

Mondragon Nikko

Bullsht! Bakit ba ang hirap patumbahin ng mga 'yon? Kapag tuluyan ng gumaling si Mikko humanda sila sa akin.

Ang kapal ng mga mukha para siraan kami, akala nila wala akong picture ni Sab no'ng gabing may foreplay na nangyari? Tignan natin kung sino ang mapapahiya.

"Nikko.." mahinang sambit ni Mikko.

"Bakit bro, may masakit ba?" Pag-aalalang tanong ko sa kan'ya.

"Please,I want Sabrina.." pagmamakaawa nito.

Hindi ko alam kung ano ang pinakain sa kan'ya ni Sab at parang gago ito na hulog na hulog sa kan'ya.

"Mikko can't you see? Hindi ka mahal ni Sabrina, muntik ka pa nga n'ya patayin e." Galit na sigaw ko dito.

"I don't care, I badly need her." Pagmamatigas nito.

"Fine! Kapag nakatiyempo na tayo, kukunin natin si Sabrina." Pangako ko sa kan'ya.

"Promise?" Paninigurado nito.

"Yes, basta mag pagaling ka lang." Saad ko dito at niyakap s'ya.

Eversince the day na nalaman ni Mom na may sakit si Mikko, pinabayaan n'ya na kami. Pinatapon n'ya kami sa states para hindu siya mapahiya, kinakahiya n'ya ang kalagayan ni Mikko.

Kung sana hindi lang s'ya naging duwag  edi sana naagapan pa namin ang sitwasyon ni Mikko. He can't control his obsession, kapag may gusto s'ya gusto n'yang nakukuha n'ya agad ito.

Kaya sisiguraduhin ko na makukuhs namin si Sabrina, I can't take it anymore. Seeing my brother suffering, I'll do anything to make him happy.

Yes, kaya kami pumatay at gumamit ng maraming babae because of him. Kapag nagustuhan n'ya kasi, dinadala n'ya agad sa bahay. Binabayaran naman namin 'yong mga babae e, kaya lang kapag nagsawa na si Mikko do'n na sila kinikitilan ng buhay.

Hindi kami ang pumapatay okay, may inuutusan lang kami.

Gusto ko sana patayin ang Sabrina na 'yon, pero baka 'di kayanin ni Mikko kapag nalaman n'ya. Tsk!

"I want to marry Sabrina, at any cost." Biglang sambit ni Mikko sa kawalan.

Behind Her Innocence (COMPLETED) (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon